Chapter 2
"Nurse Jen, need ka sa room 69" aniya ng katrabaho kong nurse.
"Okay!" masigla aniya ko at pumunta na kung saan man yon.
9 pm na at kaninang 7 pa dapat ang out ko kaso nga lang pinag over time ako dahil kulang kami sa nurse ngayon. Wala namang problema sakin, dahil mahal ko ang trabaho ko at masaya ako na nakakatulong ako sa pagpapahaba o pagsagip ng buhay ng isang tao.
Napakahalaga ng buhay kaya dapat maging maingat tayo sa lahat ng oras.
Ramdam ko ang pagod at antok pero sa twing may pasyente kaming naililigtas o di kaya nagagamot nawawala nalamang ang lahat ng yon.
Ganito lagi ang araw ko, sobrang busy pero keri lang, dahil sabi ko nga, masaya akong may naililigtas o naalagaang pasyente.
Walang oras na hindi sumagi sa isip ko si Thaniel, ang long time boyfriend ko.
Hanggang ngayon nagaalala parin ako sakanya. Walang text o tawag man lang ngayong buong araw? Hayy, ano kayang ginagawa nun? naka uwi naba siya? Kumain naba siya? nagpapahinga naba?
I'm worried.11 ng gabi at nakapag out na din ako. Pagod ako pero nagawa ko paring pumunta aa condo ni, Thaniel dahil sa sobrang pagaalala.
Ngitian ako nung babae sa reception area dahil kilala na naman na 'ko dun dahil sa tagal kong palaging nalalagi doon.
Sumakay ako ng elevator at naghintay kung saan ang tamang palapag na kinaroroonan ng unit ni, Thaniel.
Nakaramdam ako ng kaba na ewan. Hayy, pagod lang to.
Dahil nga alam ko naman ang password niya ay agad ko na itong pinindot at pumasok ng mabuksan.
Patay lahat ng ilaw? Dapat kanina pa siya nandito, ah?
Binuksan ko lahat ng ilaw at punta sa kwarto niya upang siguraduhing wala pa siya.
At wala pa nga siya. San naman nagsusuot yon? Gabing gabi na, ah.
Naupo ako sa kama niya at inabala ang sarili sa pag tetext sakanya.
To love: San ka? Nandito ako sa condo mo, nagaalala na 'ko. Please, text back.
To love: Love? Tf!? Nasaan ka? Mag reply ka!
To love: Dapat kanina pa yung out mo, pero nasaan ka?
To love: Magaalala ba ako o maiinis?
To love: Hoy! Di nako natutuwa!
To love: Make sure you have your wonderful explanation tomm.
To love: I'll be waiting.
To love: I love you, hope you're fine.
Nakatulugan ko na ang pagtetext sakanya.
Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw dahil sa bahagyang pagkakabukas ng kurtina.
Agad kong chineck yung cellphone ko at baka nag reply ba si, Thaniel pero agad akong nagtaka dahil sa nagreply nga siya pero "Who's this?" lamang ang tanging reply niya.
Wtf!? Naguguluhan man ay nagreply ako.
To love: I'm his girlfriend, who are you?
Ang tagal na magreply kaya naman inulit ko.
To love: Sino ka? Kasama mo ba boyfriend ko? I'm his girlfriend and i'm fucking worried. Please, tell this to him.
The heck! Ang dami ng pumapasok sa isip ko pero ayoko maniwala sa kahit na ano dahil may tiwala ako sakanya.
To love: Kung sino ka man, paki balik sa boyfriend ko yung cellphone niya. And tell, him that, if he's cheating on me, puputulin ko ang kinabukasan niya. Bye.
That is my last text bago umalis ng condo niya at umuwi saamin para maligo at magpalit ng panibagong nurse uniform.
Tangina, sana mali lahat ng iniisip ko.
----------------------------------------------------------
-------------------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this chapter!~Lovelymuchly!
YOU ARE READING
HATID (COMPLETED)
Short Story[COMPLETED - NOT EDITED] She's the kind of girlfriend that every man's dream. But, sadly she's already taken and ready to tie a knot with her long time boyfriend. She's been dreaming to be with him forever, she's been wanting to walk in the aisle a...