Chapter 3

110 14 2
                                    

Chapter 3

Buong araw itinuon ko sa trabaho ang atensyon ko upang hindi na mag isip ng kung ano-ano kay, Thaniel.

Is he cheathing on me? Hindi niya na ba ako mahal? May iba naba? May problema ba? Sa family, sa trabaho, or whatever? but, at the end, walang sagot.

Walang sagot dahil ang tanging makakasagot lang ay si, Thaniel. Si, Thaniel na isang beses lang ako tinawagan, at sinabing "I'm sorry, i'm fine. Overtime sa work, then sa hotel na 'ko natulog dahil sa pagod. I love you, bye." 

F*ck! Sa lahat ng pinakamahahalagang tanong ko dalawa lang sa mga iyon ang nasagot niya ng maayos. Hindi man lang ako hinayaan na magsalita at binabaan agad ako ng telepono. Tangina, wag kang papahuli sakin, gago ka.

Pero lahat ng inis at pagdududa ko nawala ng sunduin niya ako sa trabaho. Pumunta kami sa paborito naming restaurant at nagusap na may kasamang landian na para bang kami lang ang tao sa loob non.

"Ay, tsaka pala, kanina naassign ako na mag assist kay, Dra. Mendoza, yung Ob-Gyne?  na friend ko. Tapos may pasyente siya na five weeks ng buntis. And, nakakalungkot lang na hindi man lang siya masamahan nung lalaki na nakabuntis sakanya. Hayy, napaka gago. Alam mo, makita ko lang yung sira ulo nayun, tatadyakan ko talaga ng malupet at sagad yung ano niya! Nakakainis. Bubuntis buntisin tas di naman pananagutan. Hayy! Kastress ng beauty!" aniya ko sabay inom ng wine.

Pansin ko naman ang pagkatigil niya at ang paglunok niya kahit wala namang ng sinubo na pagkain.

"Oh, natigilan ka d'yan? Gusto mo narin ng anak, noh? Uyy~~~ ikaw ha! Sinasabi ko sayo, kasal muna bago anak, ayokong humarap sa dambana ng malaki ang tyan. Hihi" Aniya ko at may pagsundot sundot pa sa tagiliran niya.

Ngumiti lang siya at uminom ng wine.

Bat parang pilit ang ngiti?

"Okay kalang ba talaga? Hayy! nagaalala na 'ko sayo, ah. Magsabi ka lang if may problema, alam mo namang makikinig ako diba?" aniya ko at hinilig ang baba ko sa balikat niya

Inakbayan niya ako at hinapit ang bewang ko papalit sakanya.

"I love you." Aniya at halik-halik sa noo ko.

"I love you, too." Aniya ko at halik sa labi niya.

That, night we become one again.

Mahal na mahal ko siya na kahit may pagdududang nabubuo sa aking isipan agad ko itong winawaksi dahil sa may tiwala ako sakanya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. At ngayong may nararamdaman akong mali at kakaiba di 'ko mapigilang hindi matakot.

Matakot na may iba na siya. Matakot na ba 'ka maiwan akong magisa. Matakot na isang malaking kasinungalingan ang pagmamahal niya.

Sobra akong natatakot, pero susugal ako. Ipagpapatuloy ko. Hanggang sa nakikita kong mahal niya pa ako, magpapatuloy at lalaban ako.

Siya ang pahinga ko sa nakakapagod na trabaho. At ayokong mawala ang tanging nasasandalan ko dahil sa isang simpleng pagdududa. Simpleng pagdududa? Tanga, ka! Aniya ng kaloob-looban ko.

Hangga't wala akong nakikitang butas. Butas na makakapag paliwanag sakin ng lahat. Mananatili ako sa tabi niya. Kahit na nawawala na ako ng dahilan sa isipan ko, mananatili ako.

Mananatili ang pagmamahal ko sayo, Thaniel.

Kahit nararamdaman kong madudurog ako dito.

-------------------------------------------------------
--------------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this chapter!

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now