Chapter 8

94 9 0
                                    

A/N: Hello! Try to listen "Happy birthday" Charot! Try to listen. "Huling sandali. By: December avenue." while reading this. Wala lang mema suggest lang ako. NYAHAHAHHAHA! anyway,

Enjoy reading!
--------------------------------------------------------
Chapter 8

Gabing punong puno ng pighati, kasakitan, at panlulumo.

Gabing nagpapahiwatig ng pagiisa kahit na ika'y may kasama.

Gabing madalim.

Gabing payapa.

Gabing tahimik.

Gabing malamig.

Gabing nagpawasak sa 'kin.

Gusto ko nang magpahinga.

Pero paano? Hindi ko alam kung paano mamahinga gayung sa twing ipipikit ko ang mga mata kapusukan nila ang namumutawi saaking isipan.

Dugo.

Luha.

I love you...

Bigla nanumbalik ang huling sinabi niya saakin.

Tuloy, panay buhos nanaman ng mga luha ko. Anong oras ba kayo titigil? Titigil pa 'ba kayo? mapagod naman kayo, oh. Pagod na pagod na 'ko.

This night is really painful and tiring.

But, i can't even sleep.

I need to sleep... i wan't to rest. but, still... i can't.

Nilingon ko yung dalawa. Panay parin ang inom nila gaya ko. Tss... mga Nurse, Doctor pa man din, hanep.

"N-niloko niya ko." aniya ko habang nakatanaw parin sa syudad.

Ramdam ko ang paglingon ng dalawa. Ramdam kong gusto nilang magsalita ngunit pinili nalamang muna nilang pagsalitain ako.

"A-ang s-sakit sakit..." napainom ako sa wine para mas lalong lumakas ang loob kong mag kwento.

Huminga ako ng malalim.

"N-nakita ko sila... nasa mapusok na tagpo. Tangina, ang sakit. Unti-unti akong dinudurog. Pero... mas lalong akong nadurog nang malaman kong buntis siya... buntis yung babae, hayop. Napaka hayop, nila. Batos na bastos ako tangina, girlfriend ako, eh. Pagmamay ari ko. May title ako. Hindi ako basta basta lang, T-tapos ganun? Ni hindi man lang ako naisip? H-hayop, siya..." Napahagulgol ako lalo.

Hindi na 'ko makahinga sa kakaiyak. Tangina namab kasi, eh.

"T-tangina, napahamak ko pa ata yung bata. Walang ka muwang muwang. Nagagalit ako sa sarili ko, nagagalit ako sakanila. Umalis ako ng unit niya kanina pero naisip ko, N-nurse ako, bat ko tinatakbuhan yung pasyente ko? Kaya kahit masakit. Kahit nakakawasak. Bumalik ako. Tumulong ako. Tangina, talaga, Sana walang nangyari sa bata, k-kasi hindi k-kona alam gagawin ko." Pagpapatuloy ko. Lumakas ng lumakas ang paghagulgol ko.

Tinungga ko yung wine na parang tubig lang. Tangina, bala na.

Naramdaman ko ang pagyakap ng dalawa saakin. Umiiyak din.

"I'm s-sorry... hindi niyo d-dapat ako nakikita sa ganitong kalagayan. M-may mga problema din kayo pero, heto kayo, nasa tabi ko, umiiyak. I'm sorry... i'm sorr--"

"Ssshhh... hindi mo kailangang mag sorry, okay? Okay lang. Nandito kami. Sasamahan ka namin sa lahat kahit ayaw mo. Sasamahan ka namin kahit anong mangyari. Yung mga problema namin, natin. Sabay sabay nating lalagpasan ang lahat, okay? Nandito lang kami, mahal ka namin.." Umiiyak na aniya ni Jacky.

Napangiti ako ng halikan ni, James yung noo naming dalawa ni, Jacky.

Napaka sweet talaga ng mga pokpok na 'to.

Nang gabing iyon, nakatulog kami. Nakatulog kami sa pagod, sa dami ng inisip at sa sakit.

Ang gabing iyon ay payapa para sa ibang tao pero para sakin? Gabing yumanig sa 'kin.

I love you...

Nagising ako sa bangungot. Hindi ko akalaing boses niya na nasasabing mahal niya ako ang magpapagising sa 'kin.

Nakakatawang isipin.

Paano niyang nasasabi pa saakin ang mga katawang yon, gayun, ilang beses niya na akong pinagtaksilan sa likod ko.

Paano niyang nagagawang harapin pa 'ko?

Napaka kapal ng mukha niya kung ganon.
Bumangon ako, papikit pikit pa. Pag kuwa'y natawa pa sa pwesto namin.

Si, James nasa sofa mismo nakahiga samantalang nasa hawig kaming dalawa ni, Jacky. Nakaunan ako sa tyan ni, Jacky at siya naman pabaliktad na nakahiga. Ang paa'y naka taas at nasa tyan ni, James.

Natatawa kong pinicturan ang dalawa. Yari kayo sakin...

Nilingon ko ang syudad sa glass wall pagkuway napabuntong hininga nalamang.

Kailangan kong umuwi, may trabaho pa 'ko.

Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko pero kahit na ganun, ginising ko parin ang dalawa dahil may mga pasyenteng naghihintay samin. Buti nalang nagising ako sa nakakasukang tinig ng lalaking yun. Hayy!!

Si, James ay isang Pediatrician sa kabilang branch ng hospital na pinagtratrabahuan namin kaya madala namin siyang makasama sa trabaho pag lunch or pag uuwi pero syempre, nagkakaroon parin kami ng bonding.

Sa med school ko sila nakilala at naging mga kaibigan.

Nang araw na iyon, puro trabaho lamang ang nasa isip ko. Wala akong ibang inisip kundi trabaho. trabaho. trabaho.

Ayokong may ibang isipin.

Ayokong lumala ang buhay ng iba dahil lamang sa problema ko.

Kaya ko.

Kakayanin.

Ngunit...

Nang sumapit ang gabi.

Biglang gumuho ang lahat.

Dahil...

Magisa nanaman ako.

----------------------------------------------------------
-------------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this Chapter!

Ps: 2 Chapter nalang then, epi na! Yeys!

~Lovelymuchly.

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now