Chapter 10

95 10 0
                                    

Chapter 10

Daan.

Daang nanlalabo.

Daan.

Daang daang patutunguhan.

Ngunit, bakit tila parang naliligaw ako?

Naliligaw nanaman ako.

Tumingala ako sa langit.

Langit na napupuno ng kadiliman.

Langit... nasasalo nanaman sa'kin.

Unti unti kong dinama ang bawat pagpatak ng ulan.

Ikaw nanaman ang tanging sumasalo sa'kin.

Sa'kin na nawawala nanaman, sa'kin na umiiyak nanaman, sa'kin na walang ibang ginawa kundi ang mahal lang naman.

Hindi ko alam kung saan ako dederetso. Hindi ko alam kung saan ako kakaliwa.
Hindi ko alam kung saan ako kakanan.

Tumingala lang ako at dinama ang patak ng ulan na unti unting bumibilis.

Saan ba dapat ako?

Saan ba ang dapat na tahakin ko?

Maaari mo ba akong tulungan?

Tulungang makaahon at makabangon.

Tulungan mo 'ko.

Ngunit...alam ko na ang tanging makakatulong lang sa'kin ay ang sarili ko lamang.

Sarili at sarili ko lamang.

Ako lang.

Wala nang iba.

***
"HAPPY BIRTHDAY!" Masayang bati ng lahat ng makapasok ako sa bahay.

Kumpleto sila.

Lahat ng taong mahal ko... nandito.

Lahat ng malalapit sa'kin... nandito.

Pero ako... nasan ako?

Nawala ang ngiti nang lahat ng makita ang kalagayan ko.

Ngumiti ako kahit may mga luha sa mata ko.

Tangina, Birthday ko!??

"B-birthday k-ko?" tanong ko habang sunod sunod na pumatak ang mga luha ko.

Napaluhod na'ko. Hindi ko na nakayanan. Nanghihina na ako.

"B-birthday ko?... birthday ko pala?" paulit ulit na aniya ko.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko inaasahang ganito kasakit ang kaarawan ko ngayon.

Hindi ko akalaing wala siya sa kaarawan ko ngayon.

Panay ang ang hagulgol ko.

Walang pakealam sa mga bisita. Pasensya na at hindi ko na nakayanan. Akala ko madaling tanggapin pero nagkamali ako kasi hindi pala...

Hindi ko pa kaya...

Kailangan ko ng oras.

Kailangan ko ng panahon.

Kailangan ko nang magpahinga...

Nang araw na iyon. Hindi ako iniwan ng pamilya ko. Tinuloy nila ang pagkain pero hindi na tinapos pa na magdilim at umalis na ang mga bisita.

Narinig kong nagpaiwan sina, Jacky at James at nasa baba naghihintay na lumabas ako sa kwarto ko.

Ilang beses akong kinatok ni, mommy't daddy, ng mga kuya ko pati narin ng mga kaibigan ko pero wala silang nakuhang tugon mula saakin.

Gusto ko nalang magpahinga.

Sana maintindihan niyo...

Lumipas ang araw at isang buwan. Hindi ako iniwan ng mga magulang at kapatid ko. Pati ang panganay namin na lalaki ba nakatira sa ibang bansa ay napauwi pa. Tss! mga loko talaga.

Lumipas ang dalawang buwan at wala paring nagbabago sa nararamdaman ko kaya nagpasya ang mga magulang ko na mag resign na daw muna ako.

Pumayag ako kahit na mahal na mahal ko ang trabaho ko.

Lumipas ang isa pang buwan at hindi parin ako naging okay. At sa tingin ko hindi na ata ako magiging okay. Kaya, napagpasyahan na ng mga magula ko na iuwi ako sa batangas.

Bago kami umuwi, nabalitaan ko pa ang sagutan nila mama at nila kuya.

Sinugod daw nila kuya si, Thaniel.

Lakas amats talaga, ang tatanda na nga.

Hindi na ako nakahingi ng tawad nun sakanila kahit na nagalala ako sa kalagayan ni, Abby. Buntis pa man din yung tao, bwisit talaga sila kuya. Hayy!!

Nang araw na iyon ay naging madamdam ang pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Gusto man nila akong pigilan na huwag nang umalis ngunit alam din naman namin na kailangan ko yun at yun din ang mas nakakabuti sa'kin.

Lumipas ang buwan... isang buwan, dalawa, tatlo. hangang sa naging taon. Limang taon...

Masasabi kong okay na ako nang nag isang taon na ako sa Batangas pero para makasiguro inabot ako ng limang taon sa'min.

Nagtrabaho parin ako. Pinagpatuloy ko ang pangarap ko. Ang makapag pahaba pa ng buhay at ang makatulong sa mga nangangailangan.

Nagfocus ako sa pagtratrabaho. Wala ako ibang ginawa kundi trabaho, trabaho, trabaho.

Masaya ako. Masayang masaya. Hindi ko akalaing ang makatulong lamang ang makakapagpagaling sakin.

Sa puso ko...

At masaya akong na sabihin at ideklara na sa wakas...

Malaya.

Masaya.

Nakabangon.

Nakatanggap...

na ako.

At wala na akong hihilingin pa.

Dahil masaya ako...

na...magisa.

Tipong, malaya kong nagagawa ang mga gusto ko. malaya kong napupuntahan ang mga gusto ko. malaya nakakatawa, malaya sa lahat ng bagay.

Hindi naman pala masamang magisa.

Ang mahalaga inuuna mo muna ang sarili mo.

Ang mahalaga nakabangon kang muli...

Nakabangon akong muli.

----------------------------------------------------------
------------------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this last Chapter.

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now