CHAPTER 2

1.1K 36 13
                                    

Chapter 2

Hurts So Good

s e l i m w a r r i o r

Savi.

"They've requested interviews, Savi." Bungad sa akin ng manager kong si Taylor.

"How about photoshoots?" Pang-iiba ko ng usapan. Umagang-umaga na lamang at iyon na naman ang pro-problemahin ko.

"10:00 a.m photoshoot for La Hermosa Magazine."

Tumango ako at itinuloy ang pag-aayos sa sarili sa salamin bago lumabas ng kuwarto ko. Nadatnan ko si Lux na nanoood ng TV sa sala samantalang nanatiling nakasunod sa akin si Taylor hanggang makalabas kami ng bahay.Hindi na ako nagpaalam pa dahil sanay naman na sila na busy talaga ako sa trabaho ko lalo na ngayon na may kinakaharap akong issue at uhaw ang media ngayon sa impormasiyon.

Dumeretso ito sa driver's seat. Prente naman akong umupo sa passenger seat at binuksan ang cellphone ko habang nagmamaneho si Taylor.

"Still looking for their comments?"

Umiling ako. "I've done it. Masisira na ba career ko dahil dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Siguro?"

"Taylor!"

"Savi, let's face the fact na maaapektuhan talaga ang career mo dahil sa mga nangyari pero nasa sa'yo pa rin iyon kung paano mo ihahandle iyong resulta ng mga ginawa mo."

Umirap ako sa hangin at hindi nakapagsalita. Lux and Taylor are really good at scolding me. Kung magsasama sila, daig pa nila ang magulang ko.

"Sinagot mo na rin siguro iyong mga tawag ni Deus noh?"

"Mamaya magkikita rin kami."

"So hindi mo talaga sinasagot?"

"Taylor, kahit anong paliwanag ko, hindi ako maiintindihan ni Deus lalo na kung sa phone ako magpapaliwanag."

"Sabagay." Aniya at nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa building kung saan gaganapin ang photoshoot ay agad akong bumaba ng sasakyan. Dala ko ang Louis Vuitton kong bag na naglalaman ng ilan kong gamit.

Inabot naman ni Taylor ang sunglasses ko at agad ko iyong sinuot.

"Wala naman sigurong mga paparazzi na nag-aabang sa akin right?"

Nagkibit-balikat lang si Taylor sa akin at dumeretso kasama ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating kami sa studio.

Mabilis na nagsimula ang photoshoot at nagpalit na ako ng gown na susuotin ko. I'll be endorsing their gowns. I don't see any problem with my figure since I'm always in a good shape. Madalas kaming nasa gym ni Luxury kasama ang kaibigan namin na si Rion.

"Okay pose."

I looked at the camera with my seductive eyes, fierce look then smile. Sabay-sabay na nagkislapan ang mga flash na nagmumula sa camera ng mga photographers.

This is my world. This is where Savi Hannah Labrusca belongs. Ilang palit pa ng gown at natapos na rin ang photoshoot ko sa araw na ito.

"Done. Thank you so much, Ms. Labrusca."ani ni Mr. Hermosa. Siya ang may ari ng La Hermosa na clothing brand at siya rin mismo ang nag-request sa akin na gawing model nila sa ilalabas nilang magazine sa susunod na buwan.

"It's my pleasure." Simpleng sagot ko.

"You're so beautiful as always but would you mind to tell me about your current issue?"

Napatingin ako sa kaniya kasabay ng pagkibot ng labi ko.

"Hmmm? I don't think I should tell it to you since it's my own business to handle." Nakangising sabi ko dahilan para matigilan siya at bigyan ako ng nahihiyang tingin.

"Oh, I'm sorry for that."

Tumango lang ako at tinawag na si Taylor para sabay na kaming umalis. Sanay na ako sa mga ganong tanong at hindi naman ako tatagal ng halos dalawang taon sa larangang ito kung hindi ko natutunan na i-handle ang mga tanong nilang kahit nakakailang ay dapat kong sagutin nang maayos hangga't maaari.

"Diretso ka na ba sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

"Drop me at Deus' office."

Napaawang ang labi ni Taylor. Bumuntong-hininga naman ako.

"Kakausapin ko na siya."

Pinaalis ko si Taylor pagkatapos kong bumaba ng kotse. I'll make Deus drive for me later. Hindi ko maiwasan ang mapaglarong ngiti sa labi ko bago ako naglakad patungo sa office ni Deus. His secretary escorted me through his office. Sa private elevator kami sumakay.

Sandali akong natigilan nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ni Deus. Kusang umalis ang secretary niya nang makarating kami kaya naman mag-isa ko ngayon na nag-iisip kung papasok na ba ako o hindi. Sa huli ay binuksan ko rin ang pintuan at nadatnan si Deus na nakayukyok sa lamesa nito at abala sa pagtipa sa laptop nito.

I smiled as I walk towards him. Rinig ang tunog ng suot kong sandals habang naglalakad kaya naman napansin nito ang presensiya ko.

"Savi."

Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Andito ako para sabihin sa'yo na wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko sa party mo."

Napatiim-bagang ito dahil sa narinig mula sa akin. Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan kung paano niya ikuyom ang kamao niya na nagpapakita kung gaano ito kagalit sa akin ngayon pero sa loob-loob ko ay nararamdaman ko ang pamilyar na sakit sa tuwing nangyayari ito.

Hindi ko naman gustong magalit sa akin lagi si Deus dahil sa mga kalokohang ginagawa ko pero ito lang kasi iyong naiisip kong paraan para mapansin niya ako. Alam kong mali pero ginagawa ko. Masakit pero kinakaya ko. Gustuhin ko man na sumuko pero hindi kaya ng puso ko. Para kay Deus, gagawin ko kahit ang sakit-sakit na.

But to save myself, I won't cry in front of him. I'll never cry in front of him.

"Savi, sira na iyong supposedly proposal ko kay Leana. Kailan mo ba kami titigilan ha? I'm done will all your childish games!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko.

"Ginagawa ko ito para sa'yo." Seryosong sabi ko sa kaniya.

Hindi makapaniwala ito sa sinabi ko na para bang isang kahibangan ang sinabi ko ngayon sa kaniya.

"Savi, sinisira mo ang buhay ko. Lagi kang nandiyan para sirain kami ni Leana. Gaano ba kahirap intindihin ang salitang hindi kita magugustuhan kahit anong gawin mo dahil ganiyan ang ugali mo!"

Natigilan ako dahil sa pagtaas ng boses nito habang kausap ako. Mapait akong ngumiti sa kaniya.

"I always observe you, I was there if you need someone to have a drink with, I was there in your lonely times, kapag nag-aaway kayo ni Leana pinupuntahan kita, kapag may sakit ka ako iyong nandiyan para puntahan ka, why not trust me, Deus?! Kahit konti lang. Konti lang naman hinihingi ko pero ang damot-damot mo." Nanghihina kong sabi sa kaniya.

"Hindi ko hiniling na pumunta ka sa mga oras na iyon." Malamig na sabi niya.

"Tama ka, kasi nandiyan na ako kahit hindi mo sabihin na kailangan mo ako."

Kinuha ko mula sa bag ko ang isang brown envelope na naglalaman ng ebidensiya na may ibang lalake si Leana. Ito iyong bagay na pinagawa ko sa isang private investigator na kakilala ni Rion.

"What is that?"

Huminga ako nang malalim nang hindi niya abutin mula sa mga kamay ko ang brown envelope kaya kusa ko na lamang itong ibinaba sa table niya.

"Ilang beses mo ng narinig ito pero uulitin ko ng uulitin hanggang sa makarating sa'yo na totoo iyong nararamdaman ko at seryoso ako sa'yo. Mahal kita kaya ko ginagawa ito."

Damn it, Deus. I'm so inlove with you and it hurts so good.

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon