Chapter 16
Hurts so Good
selimwarrior
Savi.
"Are you sure about this?" Tanong ni Tito Chase kay Deus. Napatingin naman lahat kami kay Tito. Napabuntong-hininga naman si Deus.
"It's a better option since we're going to become parents soon. Gusto namin na may pamilya ang anak namin."
I know it's a lie but hearing it from Deus made me hope that he should be able to say those words in the future without lying.
Tumango naman ako biglang pagsang-ayon. Narinig ko naman na bumuntong-hininga si Mommy.
"It's a loveless marriage but who knows? Malay niyo magkadevelopan sila dahil nasa iisang bahay lang naman sila." Pagrarason naman ni Mommy para sa amin.
"My daughter deserves the best. I want her to marry a fine man and I'm really against of the idea of loveless marriage. How can I guarantee that my daughter will be love and well taken care of you?" Seryosong tanong ni Daddy kay Deus.
Nakita ko ang pagsang-ayon na tango ni Lux dahil sa mga sinabi ni Daddy. Tsk, magkakampi talaga sila pero natuwa rin naman ako dahil nag-aalala talaga pati si Daddy sa akin.
"I-I'll try my best."
Napatingin kami kay Deus. What? He'll try his best?
Nabaling ang atensiyon namin kay Luxury nang mahina itong natawa sa kalagitnaan ng seryosong usapan.
"You'll try your best? I would like to see that. Palibhasa sa pananakit ka naman magaling kaya unexpected talaga na magcacare ka para sa kakambal ko."
Lux sends a glare on Deus.
"Luxury." Suway ni Mommy sa kaniya pero hindi ito nagpatinag.
"I don't want to be fooled by the two of you. Let me do the process of your marriage certificate." Lux suddenly said that made our eyes wider.
"W-What? Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang kami sa bagay na iyan?" Naghahalong kaba at inis na tanong ko sa kaniya.
Ngumisi lamang siya sa akin. "You should trust me on this, Savi."
"Savi is right. Hayaan mo na kami sa bagay na ito." Sabi sa kaniya no Deus.
"No. Bakit ba ayaw niyo? Gusto ko lang naman siguraduhin na totoong kasal talaga ang gusto niyo."
Nagpakawala ako ng naiinsultong tawa. "How about you, Lux? Don't you trust me? I'm going to do everything to make this marriage work."
Hindi na ito nakaimik dahil sa sinabi ko.
"It's settled then."
Huminga ako nang malalim. Pinagpawisan ako sa mga sinabi ni Lux. Ang hirap talagang lusutan kapag si Lux na ang nagsalita. Lagi siyang maghahanap ng butas sa kausap niya at gagamitin iyon para huliin ito kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Plus the way he looked on us was intimidating. Damn, businessman aura.
Umuwi na ang pamilya ni Deus. Sinabi ni Mommy na pwede muna akong matulog sa bahay ngayon. Koko stayed in our guest room. Si Tobio naman ay umuwi na lamang sa condo na tinutuluyan nila.
I was on my way to my bed room when I saw Koko outside of it. She's wearing a serious look as she crossed her arms when she saw me.
"You are getting married?"
Tumango naman ako. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napasimangot.
"Damn. Bakit inunahan niyo kami ni Lux?"
Nanliit naman ang mata ko dahil sa tanong niya. Siya nga itong alis ng alis kaya hindi makaporma si Lux sa kaniya tapos magtataka pa siya kung naunahan ko sila?
Bumuntong hininga ako. "Edi sana nag-stay ka na lang dito para pwede mong pikutin iyong kakambal ko."
Umawang naman ang labi niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay ngumiti siya sa akin.
"Sabi na nga ba at ako lang talaga ang gusto mong maging sister-in-law eh!" Humalakhak ito. She's laughing like an evil from anime that we're both watching when we're still young.
"Tsk. Don't be so loud. Wala akong choice."
Inirapan niya ako. "Masaya naman na ako ngayon eh. Nag-usap kami ni Lux. Katabi niya lang ako sa buong party at nag-eenjoy akong ngumisi sa mga na-iinggit sa puwesto ko."
"Nag-eenjoy ka pala sa tabi niya bakit aalis ka pa?"
Tila natamaan ito sa sinabi ko at namilog ang mata.
"H-Huy, bakit may pag-atake?"
Nginisian ko siya. "I-secure mo kung anong dapat na sa'yo."
Inilagay niya ang dalawang palad niya sa mukha niya.
"Ikaw nga sinecure mo na si Deus. Secure na secure." May laman na sabi niya sa akin at bumaba sa sikmura ko ang tingin niya. Nahampas ko tuloy siya.
"Huwag kayong gagawa ng kapatid ko ng pamangkin ko hangga't hindi kayo kasal! Mag-iba naman kayo ng strategy." Nakataas ang kilay na ngisi ko,
Sabay kaming natawa sa kalokohan ng usapan namin. Magaan talaga ang loob ko kay Koko at parang kapatid na rin turing ko sa kaniya simula nang maging girlfriend siya ni Lux kaya sobrang nasaktan din ako sa paghihiwalay nila. Wala na rin akong babaeng naiimagine sa tabi ng kakambal ko maliban kay Koko.
Aawayin ko pa si Lux kung magloloko ito sa relasiyon nila na mukhang malabong mangyari.
"Dalo ka sa kasal ko ah?"
Tila nag-isip pa ito bago tumango.
"Bridesmaid ka sa kasal namin ni Lux!"
Umirap akong muli dahil doon.
"Hindi ka naman papakasalan ni Lux kasi alis ka nang alis sa tabi niya. Ayoko rin naman na lagi na lang maghihintay iyong kakambal ko para sa'yo kaya ikaw na gumawa ng paraan."
Ngumiwi ito. "Ako mismo magpro-propose kay Lux kapag handa na ako!" Natatawang sabi niya.
"Make Lux happy. That's all I want."
"Lux wants you to be happy too. Naguguluhan ako sa sitwasiyon na meron ka. Hindi rin ako tanga para sabihin na congrats sa kasal niyo ni Deus dahil alam kong sa kabila ng ngiti ninyong dalawa ay may lihim na nakatagong sikreto. Kung ano man iyon, wala akong balak manghimasok."
"Koko..." I said in awe.
Nginitian niya lamang ako. "Ito ang desisyon mo kasi ito ang alam mong tama 'di ba? Susuportahan kita kung saan ka masaya."
Umiwas ako ng tingin kasabay ng pagbigat ng dibdib ko. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na masakit rin para sa akin iyong papakasalan lang ako pero wala namang pagmamahal sa pagitan namin ng lalakeng gusto ko? It's just a one-sided love. Wala na nga dapat akong plano na gumawa ng paraan para mag-work ang marriage namin pero dahil sa mga nangyayari ngayon ay nagbabago na naman ang mga desisyon ko.
"May pag-asa kaya na magustuhan niya rin ako?"
Napatingin sa akin si Koko dahil sa tanong ko. Nawala nang panandalian ang ngiti na kanina ay nakapaskil sa labi nito.
"Who knows?"
Bumuntong hininga siya at muling ngumiti.
"Sometimes you just need to pull some strings to make the other one fell for your love trap. You just have to be careful not to fall with your own trap since there's a tendency that you'll get hurt in the end. Maybe a right prey will do. Choosing a wrong prey for your love trap is like chasing a wrong guy who is not really destined to be yours."
That was deep. Tiningnan ko ang pasimpleng paglagay ni Koko ng buhok niya sa likod ng tenga niya bago ipinatong ang kamay niya sa balikat ko.
"It's a dangerous game of love that only the strong one who can endure pain and wrath of it can survive, Savi."
BINABASA MO ANG
Hurts so Good [✓]
Romance📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins' story] "I love you, Deus and it hurts so good." ⚫Savi Hannah Lubrusca⚫ Savi knows that she can possess everything that she wants. She's ri...
![Hurts so Good [✓]](https://img.wattpad.com/cover/226624407-64-k153191.jpg)