CHAPTER 23

1K 26 12
                                        

Chapter 23

Hurts so Good

Selim Warrior 

A/N: Enjoy the 3 updates today! Don't forget to vote and comment. Let me know your thoughts about my book.

Savi.

"Savi! Please talk to me!"

Napapikit ako habang nakikinig sa malakas na boses ni Deus na bakas ang desperasiyon na nakikiusap. Kahit mula sa bintana ng kuwarto ko ay rinig ko ang boses ni Deus na kanina. Hindi na ako nagtaka nang sundan niya kami ni Daddy dito sa bahay matapos kong umalis sa bahay naming dalawa. Pagkauwi ko ay sinalubong ako ni Mommy ng yakap. Iyak lamang ako nang iyak kanina ngunit nang dumating si Lux ay pinatahan na ako. He's as angry as Dad. Mommy is being calm but I know deep inside she's mad like the two guys in our house.

Panay buntong-hininga na lamang ako at pilit na pinatitigas ang puso ko para kay Deus. Hindi ko dapat hayaan ang sarili kong maawa sa kaniya bagkus mas dapat kong kaawaan ang sarili ko kung babalik ako muli sa pagpapakatanga para sa kaniya.

Pumasok sa kuwarto ko si Luxury na may dala-dalang headphones at isang baso ng gatas. Tapos na kaming kumain ng gabihan. Nakakain kami kahit may isang tao na sigaw ng sigaw sa labas. Hindi ko alam kung kailan siya balak paalisin ni Daddy dahil hinahayaan lang naman niya si Deus doon.

"Wear this so you can't hear that bastard's voice." Masungit na sabi sa akin ni Luxury. Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha mula sa kaniya ang baso ng gatas.

"Thanks."

Habang umiinom ako ay inilagay niya ang headphones sa tenga ko. May naka-play na agad na music.

"Is this a japanese song?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Bored niya naman akong tiningnan. "Playlist ni Koko sa spotify iyan so expected na puro japanese songs iyong maririnig mo. Tama lang na makinig ka sa kantang hindi mo maintindihan tutal sanay na sanay kang umintindi sa lalakeng kahit ako ay pagod ng makinig sa kagaguhan niya."

Sumimangot naman ako at sumandal bigla sa kaniya. Huminga naman nang malalim si Lux.

"I'm thankful to Koko for opening your eyes. Hindi ko sinabing imbestigahan niya ang kasal niyo ni Deus pero ginawa niya iyon kahit wala akong alam."

I hate the Koko who confronted me a while ago. Sa unang pagkakataon ay may taong sumampal sa akin gamit lamang ang mga salita sa bibig niya.

"Koko is so lucky." Usal ko at ginulo naman ng kakambal ko ang mahabang buhok ko.

"I'm also lucky to be with her."

Napanguso ako. "Should I really hear that from you? I'm broken as fuck right now and you're being cheesy with your love life. Tell me the truth, iniinggit mo ba ako?"

"Tsk."

Tumayo na si Lux. Ininom ko naman ang gatas ko at inabot iyon sa kaniya.

"Paalisin niyo na si Deus. Magpapahinga na ako."

Sandaling natigilan si Lux sa sinabi ko. Maya-maya ay ngumiti na ito sa akin.

"Alright."

Ilang minuto pa ang lumipas nang huminto na ang ingay na nagmumula sa labas. Malungkot akong humiga sa kama ko at pinilit ang sariling makatulog.

Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa presensiya ng isang tao na marahang pinapadausdos ang daliri nito sa buhok ko. It's a very comfortable feeling but I have to open my eyes to see that person.

"M-Mom."

I saw Mom's eyes are red. Nag-aalala ko siyang tiningnan.

"I'm sorry, Savi. I feel so sad and angry towards myself. Hindi ko dapat hinayaan na mangyari ito sa'yo."

Hurts so Good [✓]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon