Chapter 28
Hurts so Good
Selim Warrior
Savi.
I silently watched my twins while they sleep. A small smile curve in my lips as I saw their innocent faces. My precious angels.
A tear escape from my eye. Hindi rin naman naging madali sa akin na bitiwan ang nararamdaman ko para kay Deus noon at tumayong magulang sa kanila ng walang hinihinging tulong kay Deus. Natakot rin ako sa una. Alam kong hindi mawawala ang mga tao na maaaring humusga sa akin at sa mga anak ko dahil lang sa walang ama na tumatayo sa pamilya na meron kami pero inignora ko ang ideyang matakot at pinilit ang sariling magpakatatag,
Kinabukasan ay nagsimula na ang photoshoot ko sa Nella Aryz. They made me wear bikinis and all of the photos turned out good.
"Grabe, wala ka pa ring kupas. Balita ko may anak ka na pero maganda pa rin ang figure mo." Ani ni Yumemi Alonzo-Lawson.
"Hi, Mrs. Lawson. It's my pleasure to meet you." Nakangiting sabi ko sa kaniya at inabot ang kamay ko na agad naman niyang tinanggap.
Doon ko napansin ang medyo maumbok ng tiyan nito.
"You're pregnant." Namimilog na sabi ko at namula naman ang pisngi nito.
"Augustus is so irresistable. Kapag may hunk kang asawa, nako ang hirap mag-pigil." Maharot na sabi nito sa akin.
Hindi ko mapigilan na mapahagikhik. Parang kaedad ko lamang siya pero tuwang-tuwa ito na nagkwento tungkol sa asawa niya. Naikwento niya pa na childhood crush niya si Augustus Lawson at unrequited rin ito noong una pero sino ba naman daw mag-aakala na sila pa rin hanggang dulo? Masungit rin daw kasi si Augustus noon at siya naman itong naghahabol sa kaniya.
Ngumiti na lamang ako habang nakikinig sa kuwento niya dahil parang parehas lang kami. Ang pinagkaiba namin ay hindi ko nakatuluyan iyong lalakeng matagal ko ng hinahabol. Nagkaanak kami pero hindi naman kami ang nakatali sa isa't isa.
Nakakabitter talaga makipag-usap sa mga masaya ang lovelife. Tsk.
"Anyway, mind mo ba if magcollab ang clothing line business natin sa isang run away fashion show?" Nakangiting tanong niya. Bigla na lamang namilog ang mata ko.
M Clothing line wants to collab with S-tyle? Hindi pa naman gaanong malaki ang clothing business na sinimulan ko last year pero masasabi kong stable naman ang kita nito. Natuwa pa nga sila Lux para sa akin kasi may sarili na akong business.
Pabor sa akin ang plano ni Yumemi na collaboration dahil sikat na hindi lamang dito sa bansang Pilipinas ang M Clothing Line kundi pati sa Japan at Spain. Hindi ko nga rin sukat akalain noong una na makakatanggap ako ng project mula sa kanila.
"Hey, Savi. Interesado ka?"
Tumatangong ngumiti ako sa kaniya. "It's my pleasure, Mrs. Lawson."
Humagikhik naman ito. "Kinikilig pa rin ako kapag tinatawag ako ng ganiyan. Hindi pa rin ako sanay. Just call me, Yumemi. Hindi naman nagkakalayo ang agwat nating dalawa."
"Alright, Yumemi." Sagot ko na lamang.
Sinalubong ako ni Taylor na may dalang tubig. Inabot ko naman iyon para inumin.
"Nag-text si Rion. Kinakamusta ka niya. Sabi ko okay ka lang naman kahit bad mood ka kahapon dahil nakita mo ex mo."
"Tsk, anong ex? Naging girlfriend niya ba ako?"
Humawak si Taylor sa dibdib niya at tinaasan ako ng kilay.
"Alam mo sobrang bitter mo. Nagsama pa rin kayo kahit wala kayong relasiyon. May past kayo."
BINABASA MO ANG
Hurts so Good [✓]
Romansa📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins' story] "I love you, Deus and it hurts so good." ⚫Savi Hannah Lubrusca⚫ Savi knows that she can possess everything that she wants. She's ri...
![Hurts so Good [✓]](https://img.wattpad.com/cover/226624407-64-k153191.jpg)