CHAPTER 15

986 27 5
                                        

Chapter 15

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

They say 23 years of existence is the year where you can achieve your goals in life, find a right man and be happy. It should be one of the happiest year of my life. I guess it is. I have a baby as a blessing.

Pinagmasdan ko ang sarili kong replesiyon sa salamin. Ang mga mata ko ay mapungay. Kaunting make up lamang ang suot ko pero lumitaw na agad ang natural na ganda ng mukha ko. I really looked like Dad while Lux looks like Mom.

Tama si Koko dahil bumagay sa akin ang gown na napili niya at dahil medyo malalim ang neckline nito ay bahagyang lumitaw ang maputing dibdib ko. Mas nagkalaman iyon ngayon.

"You look so pretty, Savi."

Natigilan ako sa pagsipat ng sarili ko nang makita ko si Mommy na nakasilip sa gilid ng pintuan.

"M-Mom..." usal ko sa pangalan niya at simple lamang itong ngumiti.

"Happy Birthday, my dearest." Bati niya sa akin at sinalubong ako ng yakap. My heart feels so warm as I hugged her back.

Napapikit pa ako dahil sobra kong namiss ang mga away namin ni Mommy. Hindi naman kasi sobrang sweet si Mommy at madalas pa nga itong nagsusungit pero isa lang siya sa mga taong nakakatolerate rin ng pagiging iresponsable ko. Mahaba ang pasensiya niya pagdating sa amin ng kakambal ko at wala na akong mahihiling pa dahil napakaswerte namin na may Ina kaming katulad niya.

Nang humiwalay kami ay kapwa kami nakangiti sa isa't isa.

"Hindi kita matiis. Nag-aalala talaga ako sa'yo, Savi. You're our baby. Ikaw ang panganay sa inyong magkakambal pero mas matured pa si Lux kaysa sa'yo. Gusto kong magalit ng matagal dahil sobrang nadismaya ako sa mga nangyari sa'yo pero hindi ko talaga kaya." Madamdaming sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Pinisil ko naman iyon. "I'm sorry, Mom. Dahil sa akin ay nahimatay ka pa ng araw na iyon. Nag-alala rin ako para sa'yo."

Tumango siya sa akin.

"The most important thing that you should remember is to learn from your mistakes, You should become better on handling things now, Savi."

"I understand, Mom." I answered with determination.

Nagpaalam na sa akin si Mommy. Sinabi niyang maghihintay sila sa baba. Sa bahay namin gaganapin ang 23rd birthday naming magkakambal. It's a simple party. Tanging ang mga kakilala lamang namin at ilang kilalang artista at negosyante sa industriya na kinabibilangan namin ang invited. I heard from Mom that my room is already full of gifts and that was expected since almost all the guests tend to give big and expensive gifts.

Napatingin ako sa cellphone ko. Nagpadala ako ng text kanina kay Deus. Sinabi kong kailangan niyang dumalo ngayon sa birthday party namin ni Lux kahit napipilitan lang siya. Bumuntong-hininga na lamang ako dahil wala pa rin siyang sagot sa mensahe ko.

"Hey, Happy birthday."

Napatungo ako mula sa pagkakaduktok nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Rion. Nakasuot ito ng tuxedo at maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito. Napakalinis niyang tingnan.

"R-Rion." Nauutal na tawag ko sa pangalan niya. Mabilis akong tumayo at linapitan siya. Napanguso ako dahil naramdaman ko ang luhang nangingilid sa mga mata ko. Akala ko hindi siya pupunta. Akala ko nagtatampo pa rin siya sa akin.

"Why are you pouting?" Natatawang tanong niya sa akin. Tila ba ay bumalik na kami sa normal para kaswal itong magbiro sa akin.

Napahalukipkip ako habang nakatingin sa kaniya.

Hurts so Good [✓]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon