CHAPTER 3

1.1K 31 11
                                        

Chapter 3

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

"We heard the rumor about you kissing the famous bachelor Deus Vergara, why did you do that during his party?"

Ngumiti ako bago sumagot sa interviewer. Naka live ang Fast talk show ng Candy Girls kaya ito na ang pinili kong show para sumagot sa mga tanong ng mga tao tungkol sa issue ko ngayon.

"You're asking me why so I'll tell you the only reason why I did that."

Interesado silang tumingin sa akin. Ramdam ko maging ang tension na nagmumula sa mga camera na nakatutok sa akin ngayon.

"I love him." Tumingin ako sa camera. Iniisip kong nakikita ako ngayon ni Deus ngunit sa tingin ko ay malabo iyon dahil paniguradong mas pinagkakaabalahan niya pa ngayon ang trabaho niya sa kumpanya kaysa panoorin ang interview kong ito.

Rinig ko ang singhapan ng mga nanonood sa loob ng studio. Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon pero wala namang mangyayari kung tatakbuhan ko ang mga interviews na ito.

"Woah, we thought you're actually dating Rion Del Fierro. He's your co-model on your recent magazine right?" Maarteng sabi ni Bree, ang host ng show.

Natawa naman ako nang mahina. Simula noong high school nalilink na talaga ako kay Rion at kapag nakakarinig ako ng ganitong kumento ay napapailing na lamang ako.

"Rion is my boy bestfriend. He's a childhood friend."

"Oh we've expected too much from the two of you. Anyway, your relationship with Mr. Vergara is quite complicated since he has a girlfriend."

Ito na nga ang hinihintay kong sasabihin niya. Nanatili akong naka-postura.

"Hmmm, you can say that it's complicated since you don't know the whole story."

"Would you mind telling us about it then?"

"I can't tell you about the whole story and I'm here to say that my love is indeed complicated to understand by everyone but I can say that my love for him is pure and innocent. I can't just give up to the person that means a world to me. I've tried stopping myself before but I still end up loving him over and over again no matter how hard this chase is."

Pagod ako nang makauwi ako sa bahay. Gabi na rin. Dumeretso na agad ako sa kuwarto ko at humiga sa kama.

Nakarinig ako nang marahang katok sa labas. Hindi ako nag-abalang sumagot dahil kusa na itong bumukas.

"Savi, I've watched your interview."

It's Lux.

"Hmm?" I groaned.

"Change your clothes first then take a bath. I'll bring your milk before you sleep."

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko. This is what I love about my twin.

"Okay."

Bumangon na ako at dumeretso sa CR. Hinubad ko ang damit ko. Napangiti ako kasi nakahanda na rin iyong bathtub. It must be Lux's courtesy. Inilublob ko ang paa ko roon at unti-unting hinayaan na lamunin ng tubig ang buong katawan ko.

Nakakagaan ng pakiramdam. Inaantok din ako sa mabangong amoy ng sabon na inilagay ni Lux. Bago pa ako tuluyan na makatulog ay umahon na ako mula sa pagpapahinga ko sa bathtub.

Isinuot ko ang roba ko at lumabas ng kuwarto. Tanging nadatnan ko na lamang roon ay ang isang baso ng gatas na sinabi ni Lux na dadalhin niya kanina. Kinuha ko iyon para inumin bago tuluyang ibinagsak ang katawan ko sa kama at natulog na nang mahimbing.

Hurts so Good [✓]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon