Chapter 29
Hurts so Good
Selim Warrior
Savi.
"B-Bitiwan mo ako."
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Deus. Idinistansiya ko ang sarili ko sa kaniya. Napabuntong-hininga naman siya. Gusto ko rin namang pagalitan ang sarili ko dahil hinayaan kong magkalapit kami ng ganon ni Deus.
"Savi, I really want to meet them."
Tiningnan ko siya. Itong Deus na ito papayagan kong makilala ang mga anak ko? Itong Deus na halos kalimutan na kami para kay Leana?
Hindi niya deserve.
"Ayoko." Biglang sabi ko at nagtataka naman niya akong tiningnan.
"Huh?"
"Anong huh? Ayoko, Deus. Kalimutan mo na lang kami. Nakaya naman namin na wala ka ng isang taon. Hindi ko rin naman kailangan ang tulong mo sa pagpapalaki ng mga anak ko. Just leave us alone tutal doon ka naman magaling."
Napatanga siya sa sinabi ko. Ganon naman talaga siya noon pa. Natamaan lang siya dahil totoo ang sinabi ko. He doesn't deserve to be called father of my twins.
"Savi, please. Ngayon na lang ako nakalapit sa'yo ng ganito. Maawa ka naman sa akin. Marami ring nangyari sa akin nan---"
Inilagay ko ang mga braso ko sa harapan ko at napahalukipkip. "Hindi ko rin alam kung saan mo nahugot ang kakapalan ng mukha mo eh. Anong gusto mong isumbat sa akin? May maisusumbat ka ba talaga sa akin?"
"Hindi kita sinusumbatan. Gusto ko lang makilala ang mga bata." Nagtitimping sabi niya.
"The hell I care about you if you can't see them." Mariin na sabi ko. Kung kanina ay kinakalma ko ang sarili ko dahil naaapektuhan na naman ako sa mga kilos niya, ngayon nama'y bumabangon na ang natutulog na init ng dugo ko kay Deus.
"Ano ba ang gusto mong mangyari? Simple lang naman gusto ko."
Inirapan ko siya. "Alam mo, akala ko nagbago ka na talaga pero nagkamali ako. Narealize ko ikaw pa rin iyong lalakeng walang pakialam sa responsibilidad at duwag. Bumabalik ka pa sa akin ngayon na parang gago na umaasa na papayag agad ako na makita mo ang mga anak ko. Wala kang pinagbago, ang liit pa rin ng tingin mo sa akin na tipong isang kalabit mo pa lang, bibigay agad ako."
Nandilim ang paningin niya nang marinig ang huling salita sa bibig ko. Ano na hurt ko ba ang ego mo, Deus? Totoo naman.
"I fixed my life that time, Savi. Huwag mo akong ikumpara sa Deus na nakilala mo noon."
"Ano iyon? Inayos mo buhay mo kasama si Leana pero kami ng kambal never mo ng dinalaw man lang. Ni hindi ka nga nag-abalang puntahan kami nang manganak ako. Wala akong narinig mula sa'yo. Lahat ng sakit at hirap ng isang magulang, ako lang ang humarap. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko ba iyon kung wala ang magulang ko eh. Buti pa sila Tita Charlotte may pake pero sa'yo? Sumuko na akong umasa. Nakakapagod ka kasing mahalin, Deus."
Hindi ko namalayan na may luha nang pumatak sa mata ko. Nakakapagod na. Ayoko ng makinig sa mga rason niya na hindi ko kayang intindihin.
"Leana ka ng Leana. Selosa ka lagi pagdating sa kaniya, sana intindihin mo naman ako, Savi." Halos magsumamo na ang boses nito pero umiling-iling lamang ako habang nakayuko para hindi niya makita ang mukha ko.
"Paanong hindi? Masaya ka kasama siya samantalang nagawa mo na lokohin ako noon sa kasal-kasalan natin dahil sa kaniya. Sobra akong nasaktan noon. Doon ko nga narealize na ang tanga-tanga ko na. Lagi mo namang sinasampal sa akin na siya ang gusto mo pero ako itong nag-iistay sa'yo dahil mahal kita. Umasa ako na magiging maayos ang lahat kasi magkakaanak na tayo pero ano? Kahit totoo ang kasal natin, si Leana pa rin at ngayon siya at siya pa rin! Kaya bigyan mo ako ng rason para hindi masaktan kapag dawit ang pangalan ng babaeng iyan. Meron ba, huh?" Itinulak ko pa siya at napatiim-bagang naman siya.
Natigilan ako nang may taong humila sa akin paatras at itinago sa likuran nito.
"Deus, tigilan mo na si Savi." May halong pagbabanta na sabi nito sa kaharap.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Deus. "Riex?"
"Ako nga. Matagal nang tapos ang panonood ko sa'yo para saktan siya. Just give up on her. Okay na kami kahit wala ka."
Naningkit ang mata ni Deus sa sinabi ni Riex. Kahit ako ay nagugulat sa mga sinasabi niya kay Deus.
"You're my best friend. Hindi ako makapaniwalang sa'yo ko pa mismo maririnig ang salitang iyan. Look, I want to fix my relationship with the kids."
"You're just bothering Savi." Malamig na sabi ni Riex sa kaibigan niya. Doon ko na nakitang kumuyom ang kamao ni Deus.
"Umalis ka sa harapan ko, Riex. Iwan mo kaming dalawa ni Savi bago ko pa makalimutan na kaibigan kita."
Ngumiti si Riex sa kaniya. "Good."
"Good?"
"I'm fine with it. If you will make me choose between our friendship or Savi. I'll choose her. That's something you can't do, dumbass."
Hindi na nakapagpigil si Deus at nanggigigil na kwinelyuhan si Riex. Doon na ako kinabahan na mag-aaway talaga sila.
"Hey, stop it!" Hinawakan ko ang ibabang parte ng t-shirt ni Riex at hinila ito pero parang wala silang naririnig.
"Fuck you, Riex. I treated you like a real brother. Dati ko ng napapansin na interesado ka kay Savi pero hindi ko alam na aabot ka sa ganito."
Mapait na ngumiti si Riex. "Iyon na nga. Gusto ko si Savi pero ikaw ang gusto niya. Hinintay ko ang pagkakataong ito, Deus. Iyong susuko siya sa'yo."
Inis na itinulak ni Deus si Riex at napaatras ito. Nakagat ko na lamang ang labi ko sa kaba.
"May pamilya kami na dapat ayusin at labas ka na doon." Galit na sabi ni Deus sa kaniya.
"Kaya naman kitang palitan sa pamilyang iyon."
Doon na namilog ang mata ko.
"Riex!"
Lumamlam ang mata nito nang mabakasan niya ang inis sa tono ng boses ko. Naging mabuting kaibigan si Riex sa akin kahit na sa totoo lang ay naiilang ako sa intensiyon niya sa akin pero wala siyang karapatan na sabihan o diktahan kami ng dapat naminggawin ni Deus lalo na sa mga anak namin.
"Savi, just drop him. Andito naman ako."
Umiling ako sa kaniya. "You should know your limits. Kahit si Rion na kaibigan ko ay hindi naman ako basta-bastang dinidiktahan sa desisyon ko."
Bumuntong-hininga ako. "Umalis na lamang kayong dalawa sa harapan ko bago ko pa tawagin ang mga security at sapilitan ko kayong ipagbawal na lumapit sa akin." Muli kong tiningnan si Deus na seryosong nakatingin sa akin.
"Lalo ka na." Seryosong sabi ko at nagsukatan kami ng tingin. Sumusuko siyang huminga nang malalim sa akin.
"I'll be back." Aniya at tuluyan nang umalis kaya nakahinga ako nang maluwag.
Akmang hahawakan naman ako ni Riex pero tinapik ko ang kamay niya.
"You don't have to that for me, Riex. I know what I should do." Mariin kong sabi.
"What if bumigay ka ulit sa kaniya? I won't let that happen again."
Natawa ako nang mapakla sa kaniya.
"I should worry about that since it's my life, Riex. Ayoko lang talaga ng lalakeng didiktahan ako sa dapat kong gawin. Nasasakal ako."
Natulala naman siya at nilagpasan ko na siya para buksan ang kuwarto na tinutuluyan ko. Makailang beses akong bumuntong-hininga bago ibinagsak ang gamit ko sa lamesa at dali-daling uminom ng tubig mula sa ref.
"Those two, they're best friends yet this 'cause a conflict between them. Tsk."
BINABASA MO ANG
Hurts so Good [✓]
Romance📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins' story] "I love you, Deus and it hurts so good." ⚫Savi Hannah Lubrusca⚫ Savi knows that she can possess everything that she wants. She's ri...
![Hurts so Good [✓]](https://img.wattpad.com/cover/226624407-64-k153191.jpg)