Chapter 31
Hurts so Good
Selim Warrior
Savi.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Deus nang makita niya ako sa harapan ng pintuan na tinutuluyan niya dito sa hotel. Ito ang huling araw namin sa isla. Bukas ay uuwi na kami ng Manila para sa paggawa ko ng susunod kong project.
Kagabi ay nakapagdesisyon na ako. Nakumbinse ako ng mga salita ni Luxury kaya sa huli ito na rin ang naisipan kong gawin. Sinabi ko na rin kila Mom and Dad kaninang kumakain kami ng agahan tungkol sa plano ko at wala naman silang nagawa kundi sumang-ayon kahit na batid kong sa parte ni Daddy ay parang hindi pa rin nito gusto ang ideya na lumapit ako kay Deus.
"Come in." Aya niya sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan. Wala itong damit na pang-itaas kaya naman kitang-kita ko ang matipuno nitong katawan. Pigil na pigil ako sa sarili ko na magbaba ng tingin. That's inappropriate.
"Just tell me kung nasa loob ang girl friend mo, okay na ako dito sa labas." Mahinahon kong sabi at nakita ko kumunot naman ang noo niya.
"You really hate Leana that much."
"It's none of your business." Umangat naman nang bahagya ang kilay niya kaya nagsukatan kami ng tingin.
"Just come inside. Magkahiwalay kami ng kuwarto ni Leana kung iyan ang iniisip mo."
Umirap naman ako. Bakit parang ang tunog niya ay nag-eexplain siya sa akin? Hindi ko na kailangang malaman iyon. Tsk.
Sinundan ko na lamang siya sa loob at iginala ko ang paningin ko sa kuwarto niya. Nadismaya naman ako dahil makalat sa loob ay may mga bote ng alak pang naiwan sa sala nito. Nagtungo siya sa loob ng kuwarto niya kaya umupo na muna ako sa sofa at naghintay.
Maya-maya ay bumalik na siya. Maayos na ang damit nito. Simpleng white shirt at pants lang naman ang suot nito at maayos na ang pagkakasuklay ng buhok niya pero sa paningin ko ay tila nagliliwanag ang aura nito.
Gusto ko sanang tanungin sa kaniya ang tungkol sa mga nakakalat na bote ng alak pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka sabihin niya pa na concern ako sa kaniya.
"What do you want to eat? Tapos ka na ba kumain ng breakfast?" Tanong niya sa akin. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kalat kaya naman pinagpupulot niya ang mga iyon at iniligpit.
"Sorry for the mess." Aniya at tuluyang inalis ang mga iyon.
"It's alright. Hindi naman ako magtatagal dito." Naiiling na sagot ko.
"So tapos ka na ngang kumain?" ulit na tanong niya sa akin.
"I'm already done. Gusto ko lang talagang kausapin ka ngayon tungkol sa kambal." Walang paligoy-ligoy na sabi ko sa kaniya.
Ipinilig niya naman ang ulo niya na parang tinitingnan kung gaano ako kaseryoso ngayon at sandali akong natigilan nang ngumiti ito. Iyong ngiting hindi nakakainis dahil natural ito.
"So can I meet them?" Bakas ang pag-asa sa mga mata nito nang tanungin niya ako.
Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin. Pwede bang huwag na lang siyang ngumiti? Nadidistract ako.
"Yes. Pagkatapos akong kausapin ni Lux kagabi ay napagtanto ko na hahanapin ka rin naman ng kambal pagdating ng araw. Hindi man normal ang pamilya na meron sila, gusto ko pa rin naman na malaman nila na may Daddy sila. Ayoko lang ma-disappoint sila balang araw."
"And why do you think they will become disappointed, Savi?"
Malungkot akong natawa pero mahina lang at nagbaba ng tingin.
"Kapag nagkapamilya ka na, siyempre mawawala na sa kanila ang atensiyon mo."
"Savi, parehas tayong magkakaroon ng ibang pamilya and I guess nasa sa atin iyon kung paano natin aayusin ang pagpapalaki sa kanila."
Parang may pumiga sa puso ko nang sabihin niya na pareho lang rin naman kaming magkakaroon ng ibang pamilya.
"Well hindi ko alam, Deus." Ngumiti ako. "Noong pinganak ko sila, sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko silang palakihin kahit mag-isa lang ako. Hindi ko sila hahayaang masaktan at sa kanila ko na tinuon ang buong atensiyon ko. Kasama na doon na kalimutan ka dahil wala na akong inaasahan sa'yo."
"T-That's too much." Malungkot na sabi niya.
"Iyon ang nasa isip ko. Iyon din ang nararamdaman ko. Wala na talaga akong balak na pumasok ulit sa relasiyon. Kahit na sabihin nila na may tatanggap pa rin naman sa akin kahit may anak na ako,"
"I'm sorry."
Sandali akong natulala nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Hinding-hindi ata ako masasanay kahit ilang beses na sabihin iyan sa akin ni Deus. Dati ay masaya na ako kahit mapansin niya lang ako. Wala akong pake kung makalimutan naming dalawa lahat ng maling ginawa at sinabi niya sa akin. Ganon ako kababaw pagdating sa kaniya pero sa ngayon, mahirap tanggalin ng simpleng sorry ang sakit na nararamdaman ko.
"I stopped coming in your house because I realize that I deserve to be left by you."
Bahagyang kumuyom ang kamao ko sa narinig ko.
"Bakit sinasabi mo iyan sa akin ngayon kung kailan wala na akong pake sa eksplenasiyon mo."
Mapakla siyang ngumiti. "Because you deserve it."
Nakagat ko ang labi ko. Mababaw lang ang luha ko kaya nangilid agad ito. Naninikip ang dibdib ko. Kung noon ko ito narinig baka dali-dali pa akong yumakap sa kaniya sabay sabing babalik agad ako kaso hindi na ganon ngayon kahit na hindi ko ipagkakaila ay may nararamdaman pa rin ako sa kaniya.
May bagay lang na ayoko ng ipilit pa. Masakit kasi umasa.
Ano naman kung nag-explain siya? Ano naman kung sa simpleng salita niya ay natutunaw na naman ang galit ko? Wala namang silbe ang lahat ng bagay na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pagkakataong ito, ginagawa ko na lamang ito para sa kambal at hindi para sa sarili ko.
"I'm still angry, Deus. I still hate you until now. Alam mo kung ano lang iniisip ko ngayon?"
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
"Please treat my twins better than what I'm expecting you to do. They deserve your love as their father. Don't hurt them. We can't be friends but we can become civil to each other for them."
"I understand." Tipid na sagot nito at tumango naman ako. Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit iyon na lang.
"I have to go." Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Naramdaman niya siguro na hindi niya dapat gawin iyon kaya tila napapaso niya itong tinanggal.
"Thank you, Savi."
Binigyan ko lamang siya nang maliit na ngiti.
"And I just want to let you know that me and Leana are no longer in a relationship. The day you caught us together at the restaurant, I've already ended our relationship there. I'm sorry for lying."
Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko.
"What do you mean?"
"Leana was already married to a rich politician."
BINABASA MO ANG
Hurts so Good [✓]
Romansa📖 Read Jigsaw Hearts then Love Scars before reading this if you don't want to be spoiled 📖 [Labruska Twins' story] "I love you, Deus and it hurts so good." ⚫Savi Hannah Lubrusca⚫ Savi knows that she can possess everything that she wants. She's ri...