CAPITULUM QUATTRO

10 1 0
                                    


Chapter 4 – 'Como-, Revela-, -tion.'

KWYNN'S POV

"Anong trip na naman 'yan Wyatt?"

Napangisi ako sa naging tanong ni Yasen. Vin right now, is wearing a shades. To hide his black eye!

"Sulpot kasi ng sulpot, parang kabute. Nasapak ko tuloy." Natatawang sabi ko kay Yasen. Napansin kong namula ang pisngi niya dahil siguro sa pagtawa ko.

Yasen is cute. May nerdy vibe siya pero wala siyang glasses. Lagi siyang may dalang aklat na makapal. Iba-iba araw-araw.

Pangalawang araw ko na ngayon dito pero wala pa ring nangyayari na nakapag bigay interest sa akin.

Nasa cafeteria kami at kasalukuyang kumakain nang dumating si Zsasz at Breanna. Holding hands.

Hmm that's interesting.

Siguro may relasyon sila pero sa nakikita ko kay Zsasz ay kusang humahati ang atensyon niya sa akin at sa girlfriend niya. Kawawang Breanna, alam kong hindi na sila magtatagal pa.

May respeto naman ako sa mga magjowa. Pero minsan naaawa ako sa mga babae kasi kadalasan sa nakikita ko ay humahati ang atensyon ng lalaki kapag may nakitang mas magandang babae. Tss

My heart is throbbing whenever Zsasz is around. Maybe I am challenge kasi may girlfriend. Sanay na din naman na ako. Na ako ang nagiging dahilan kung bakit naghihiwalay ang magjowa.

Kasalan ko bang maganda ako? Kasalan ko bang hindi loyal ang lalaki? Hindi!

"Luke pare, bakit umalis ka kaagad kahapon? Sabay sana tayo pabalik dun sa dorm. Iniwan ako ni Wyatt" sabi ni Yasen nang makaupo sila Zsasz. Nakita kong napasulyap si Zsasz sa akin bago bumaling kay Yasen.

"I went home" malamig niyang sagot. Para akong kinilabutan dahil sa lalim at baritono niyang boses. Geez!

Tumatango-tango naman si Yasen at kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Vin. Nakayuko lang ito habang nakaakbay sa akin. Suot-suot pa din niya ang shades.

"Vin?" Sinilip ko ang mga mata niya at nakita kong nakapikit iyon. Really? Dito pa talaga siya natulog. Kusang bumagsak ang noo niya sa balikat ko.

Walang hiya talaga!

Inuuhaw ako kaya lang ay baka magising si Vin. Kawawa naman kasi, na batok ko pa nga kahapon nasapak pa! Kasalanan niya rin naman. Duh!

Napansin kong tumayo si Zsasz. Mukhang kukuha siya nang pagkain.

"Zsasz?" Tawag pansin ko sa kanya. Natigilan siya at parang nanigas sa kinatatayuan. Natigilan din ang mga kasama namin sa mesa

"Can you buy me water? Hindi kasi ako makaalis. Natutulog si Vin."

Tumango lang siya at umalis na. Titig na titig si Breanna sa akin kaya tinaasan ko siya nang kilay.

Alam kong maganda ako pero hindi ako pumapatol sa babae.

Napaiwas naman siya nang tingin.

Napalikwas ako nang maramdamang may malamig na tubig ang bumuhos galing sa ulo ko.

"What the fuck?!"

Tumayo ako habang nagmumura. Tinignan ko ang walang hiyang nagbuhos sa akin nang malamig na tubig.

Yung babae sa hallway, yung pinahiya ko. Hawak-hawak pa niya ang bote ng tubig.

Nagising si Vin sa sigaw ko at sumigaw din na'ng, 'Saan ang sunog? Saan?'

Damsel In Disguise (Milovan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon