CAPITULUM TREDICI

6 1 0
                                    


Chapter 13 – ' Clues and Blues'

KWYNN'S POV

Hindi ko mabitawan ang case nang katana ko. Pilit hinihila ni Daddy sa kabilang banda ngunit hindi ko talaga kayang bitawan.

"Daddy, you can still change your mind."

"No, Filia. There's no turning back."

"Daddddy!"

"Bitaw!"

I had no choice, I loosen my grip from the case slowly. Tinitigan ko talaga ang pagdausdos nito pababa sa aking kanang kamay hanggang sa tuluyan ko na itong nabitawan.

Ayon sa auction na napagbilhan ko nang katana, gawa daw ang helve nito sa pinakamatigas at pinakamatibay na bakal sa buong mundo. Habang ang blade naman nito ay walang kasing tulis, isang wasiwas lang niyo ay maaaring makaputol ng kahit na anong bagay o tao.

Kaya nahirapan din sila sa paglagay nang alyas ko d'un sa katana at naghirap din ako dahil sa mahal nang personalized double katana. Kidding aside!

"I will get you back." Matamlay kong sabi, nanatiling nakatingin sa case nang katana.

Ngising-ngisi naman ang tuso kong ama, "Come, Filia. I will give you the clue."

I grimaced and force myself to follow my evil father. Papunta kaming library ngayon kung saan madalas kaming mag-usap at magplano sa mga ganitong bagay.

Tinadtad ko nang mura sa isip ang tatay ko na ngayon ay pakanta-kantang naglalakad habang nasa kaliwang kamay ang case na may lamang katana. Tinutudyo ang pasensiya ko sa paggaya nang opera music na hindi naman niya naaabot ang tono.

I won't be surprise if there's a shattered pieces of glasses on the floor.

Mabilis kaming nakarating sa library. Ako na ang pumindot nang black button na nasa likod nang picture frame, nasa ibabaw nang fireplace, na naglalaman nang larawan namin ni Daddy. I step back as the fireplace shifted,

Nakatagilid na ito, lumikha nang dalawang lagusan. Ang isa ay sa bingit nang kamatayan habang ang isa naman ay sa tamang daanan.

Tamad akong naglakad papunta sa kaliwang lagusan at huminto saglit nang ini-scan ang mukha at mata ko para sa verification,

'Acces Granted, Elesirius KTT.'

Pagkatapos ay parang vault na bumukas ang pinto, hindi mo iyon mapapansin dahil kulay itim.

Nang tuluyang makapasok ay tumambad sa akin ang libo-libong libro na maayos na nakahilera, mayroon ding mga pintuan na may nakalagay na 'Fistulae' or Guns, 'Lamina' or Blades, Edge, etc. Dad also have high tech machines and weapons. This place is more like a detective and agent fucking den!

Naupo ako sa black leather couch at hindi mapigilan umirap sa bagal nang evil father ko. Talagang sinasagad ang pasensiya ko.

"Hurry up, Daddy! Wag kang uugod-ugod, napaghahalataan kang matanda na!" Kutya ko kay Daddy kaya wala pang isang minuto ay naupo na siya sa harapan ko.

"Sinong matanda? Sinong uugod-ugod?" His face is serious but there's a hint of smile.

Kaya hindi ko rin mapigilang mapangiti ngunit agad din nawala dahil sumagi na naman sa isip ko ang pagkuha niya sa katana ko.

Balik sa seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kanya, "Nasaan na ang clue?"

Mukhang napansin niya yatang nagsusuplada ako kaya nagseryoso na din ito. I treat my father sometimes as a friend, as a business partner but mostly as a father. Kaya alam niya kung kailan ko gustong magbiro, magseryoso at maging anak.

Damsel In Disguise (Milovan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon