CAPITULUM SETTE

9 1 0
                                    


Chapter 7 - 'Glimpse of Past.'

KWYNN'S POV

"Icia? Nasaan ka aking munting reyna?" Walang kasing lambing ang boses nang aking ina. Kalmado ang kanyang bawat salita at napakasarap pakinggan.

Minabuti kong magtago sa likod nang cabinet ko. Gusto kong humagikhik sa kanyang tinawag sa akin ngunit pinigilan ko ang aking bibig. Nilusot ko ang aking ulo upang tignan ang aking ina na ngayon ay hinahanap ako.

"Ang aking munting reyna ay talagang napakapilya." Aniya at ipinagpatuloy ang paghahanap sa akin. Umalis ako sa pwesto ko nang tumalikod siya at pumunta agad ako sa gilid nang kama para muling magtago.

"May dalang ubas ang iyong ama, Icia. Dalian mo at baka maubusan ka nang iyong kuya." May tunog nang pagsuko ang kanyang boses at mukhang pagod na sa kakahanap sa akin pero hindi iyon ang napansin ko.

May dalang ubas si Daddy! At hindi ako pwedeng maubusan!

"Hindi pwede, Mommy!" Napasigaw ako at tumayo dahil sa pagmamadali. Ngumiti ang aking ina at marahan na lumakad sa aking pwesto.

Her presence is calm and gentle. Ang mahaba niyang itim na buhok at ang kanyang asul na mga mata, na siyang namana ko sa kanya, ay siyang pumupuno sa kanyang kagandahan.

Ginulo niya ang aking buhok at pinaupo niya ako sa kanyang kandungan. Humahamplos ang kamay niya sa buhok ko at nakangiti siya sa akin ngunit may bahid nang lungkot ang kanyang mata.

Bakit, Mommy? Bakit ka malungkot? Gusto ko siyang tangungin pero napagtanto kong baka pagod lang siya sa kanyang trabaho.

May sariling ospital kami at si Mommy ang nagmamahala sa ospital na iyon. Habang si Daddy ay may sarili ring law firm, isa siyang pinagpipitagang abogado sa aming Territorium.

"Napakapilya mong bata ka."

Sinimulan niya akong kilitiin kaya naglikot ako sa kanyang kandungan. Kalaunan ay tumigil din ang aking ina at tumitig sa akin nang may malungkot na ngiti.

"Patawad Icia kung hindi ka nakakalabas sa bahay na ito. Patawad kung hindi ka namin pinapayagang may makasalamuhang iba. Sanay tandaan mo anak na para iyon sa kapakanan mo at kaligtasan. Kahit kami mismo ng Daddy at Kuya mo ay nahihirapan na makitang nakakakulong ka lang sa mansion, ngunit ito'y kailangan anak." Malungkot na saad niya habang patuloy na hinahaplos ang mahaba kong buhok.

"Naiintindihan ko po Mommy. Wag kayong mag-alala, okay lang po ako dito sa mansion at nalilibang naman po ako sa aking mga libro." I answered sincerely with a small smile in my face.

I want to ease her worries. Hindi ko gustong pinag-aalala ang aking ina lalo na at marami siyang ginagawa. Alam ko ang dahilan kung bakit hindi nila ako pinapalabas at kung bakit ako nakakulong sa mansion na ito nang walang kasama, tanging libro lamang at halaman, kaya naiintindihan ko sila.

Dahil pangalawa nila akong anak at iyon ay napakalaking pagsuway sa batas nang aming lipunan!

Labindalawang taon na akong ganito. Sabay kaming kakain nang agahan, sabay silang aalis papuntang trabaho at skwela habang ako naman ay tinatanaw sila. Pagbabasa nang libro ay ginagawa kung pampalipas oras hanggang sa marinig ko ang tunog nang aming kotse at sasalubungin ko silang may matamis na ngiti sa aking labi.

Damsel In Disguise (Milovan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon