PROLOGUS - CONTINUATION

1 1 0
                                    


!!! CONTINUATION!!!

"I can't." Anang kanyang kaibigan.

Ngunit mapilit siya at itinutok ang baril sa lalaking kanyang itinuring na parang kapatid.

"Kung hindi mo ako papatayin. Papatayin ko si Kwynn, papatayin ko siya gaya nang pagpatay ko sa pamilya niya."

Nabigla ang kaibigang lalaki at may namuong galit sa kalooban nito bago kinuha ang baril at itinutok sa kanya.

"You can still change for the better." Sambit nito.

Ngunit umiling siya at tumakas ang luha sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ito at walang buhay na ngumiti.

"Patay na si Klara at si Mommy. Ang tingin ni Pap sa akin, isang armas. Ano pang saysay nang buhay ko, Zach?" Emosyonal niyang tugon.

Ibinaba nang lalaking nagngangalang Zach ang baril, sapagkat wala siyang kahit anong plano na patayin ang kaibigan at tuparin ang hiling nito.

"I will help you change." Tugon nito.

Pumasok ito sa isip niya, 'Do I still have a chance to change? Walang kasing dumi ang mga kamay ko, may paraan ba upang malinis ito? Bagama't hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Ipapakita ko kay Pap na hindi katumbas ng dugo ay kaligayahan.

Ngunit bago pa man siya tumango ay umalingawngaw ang putok ng baril at ang sunod na nangyari ay kagimbal-gimbal.

Bumulagta ang katawan niya, at wala sa sariling siya napahawak sa kanyang dibdib bago tumingala. Kahit na nanlalabo ang mata dahil sa mga luha, alam niya kung sino ang may gawa nito.

Mapait siyang napangiti sa kabila ng sakit.

Binaril siya ng sariling ama, sa kanilang bahay.

Rinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang kaibigan. At gustuhin man niya itong sagutin ay hindi niya magawa dahil kinakapos na siya nang hininga ngunit,

Sa natitirang lakas, sinambit niya ang katagang gustong-gusto niyang ihayag sa isang tao.

"Patawad, Kwynn. Mahal na mahal kita."

February 14 was the day he died.

Zahid Kailud Santora.


— End of the Prologue —

Damsel In Disguise (Milovan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon