CAPITULUM SEDICI

3 1 0
                                    


Chapter 16 – 'Pride and Prejudice'

KWYNN'S POV

Halos bugbugin ko si Vin sa ginawa nila or more like sa sinabi niya. The hell! Seriously do I look like a snake? Tangina sa ganda kong 'to ihahambing niya ako sa ahas? Anong klaseng kaibigan siya?

"You tatlo! I will iwan you here. Don't ditch! Ipapa-clean ko sa inyo ang Academia if you make the Butlers linis-linis dito, understood?" Sabi ni Rohelio habang pinapaypayan ang sarili.

Walang sumagot sa amin.

As if naman na maglilinis kami dito!

Ngayon ang unang araw nang community service namin. Rohelio assigned us here, Habijan Forestis, sa likod nang Academia at karugtong nang Mini Forestis.

Panay ang nguya ko sa bubblegum at maya't maya ang irap dahil kay Colin. He's eyeing me like a maniac! Kung wala lang dito si Rohelio, siguradong kanina pa niya ako nilapitan! Ngayon ko lang na-appreciate ang presensya niya.

"I will go na. Behave Colin my dear," lumapit pa si Rohelio kay Colin, asking for a kiss. Yucks! "And you also," turo naman niya sa isa pang lalaki. "You din, Kwynnie. Baka pagbalik ko, maitim na you HAHA." He pointed at me as I rolled my eyes.

How I hate nicknames!

Binabawi ko na ang sinabi kong, 'I somehow appreciate his presence'.

"Umalis ka na, Sir." Pangungumbinsi ni Colin. Kinilig naman saglit si Rohelio bago nagmartsa paalis sa gubat.

What now?

Hindi pa nakakalayo si Rohelio ay sabay-sabay naming kinuha ang mga cellphone namin. I dialed Butler Dru's number.

"Hello, Demoiselle?"

"Butler Dru, magpadala ka nang isang Butler dito para pumalit sa community service ko. I want it ASAP. Habijan Forestis." I was looking at my painted fingers as I said.

"Yes, Demoiselle. But..." He was hesitant.

"Yes?" Kumunot ang noo ko.

"Gusto ko lang po sanang magtanong kung nasabi na po ba sa inyo ni Magister ang tungkol sa dinner niyo kasama po ang kanyang business partner."

Ngumiwi ako sa dami nang 'po' niya. I feel like I'm way more older than him. I hate formality!

"Yes. Daddy told me about it. And can you drop the formality, Butler Dru? It's making me uncomfortable." Inis kong sabi.

"Sorry p— Sorry, Demoiselle." Tarantang sabi niya.

Pinatay ko agad ang tawag at maglalakad na sana paalis nang may kumalabit sa akin. Lumingon ako, si Colin Miller.

"Hey, Kwynn. Gusto mo bang 'maglibang'? Tutal hindi pa naman tayo makakabalik nang Academia, because Sir Rohelio might caught us." He said with a disgusting smirk.

Ang sarap mong balatan boi!

Tumaas ang kilay ko at sinipat siya mula paa hanggang ulo.

"Uh, you're not my type." Walang pakundangang sabi ko. Nawala saglit ang ngisi nito ngunit bumalik agad.

Actually, he's my type. Those badboy vibes but sadly, he is off limit. Ayaw kong mahaplos niya kahit katiting na bahagi sa katawan ko gamit ang marurumi niyang kamay na manang-mana sa walang hiya niyang tatay.

"Come on, Kwynn. Wag ka nang choosy, ako nato oh! Usually girls come to me but... I make you as an exemption because you're unique. Sexy and hot Kwynn Tanicia in the house, babe." Manyak niyang sabi sabay hagod nang tingin sa akin.

Damsel In Disguise (Milovan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon