Chapter 1

10 0 0
                                    

"Papasok na kong trabaho Terence kaya please wag mong ipakain sa mga tropa mong bingot yung mga binili ko" bilin ko sa kapatid kong lalaki habang nakaupo sa sala at nanunuod ng t.v.

"Oo na ate daming alam" agad ko naman itong binatukan at pumunta sa kwarto ng isa ko pang kapatid.

"Kuya Tim? Aalis na po ako" katok ko dito pero wala man lang  sumagot. Marahil ay tulog ba dahil sa paggimik kagabi.

"Hoy, Rence pagkagising ni kuya Tim sabihin mo umalis na ako ha" bilin ko ulit dito tsaka lumabas na ng bahay.

Agad akong nag-abang ng tricycle sa labas ng bahay papunta sa terminal ng mga jeep. Hindi ko kasi keri ang maglakad ngayon dahil sa sobrang init.

Halos maligo naman ako sa pawis pagkadating ko sa hotel na pinagt-trabahuhan ko. Sa jeep palang ay kahit yung hangin na dumadampi sa mukha ko ay napakainit. Dagdag pa yung siksikan. Mataba pa yung katabi ko grabe ang lagkit sa braso.

"Mainit ba sa labas" usisang tanong ng ka-trabaho kong si Clare. Napairap naman ako sa tanong nya. Obvious ba.

"Hay girl, mag-ayos ka na. May inspection daw ang bagong may-ari nitong hotel." chika nya sakin.

"Ha?!" agad-agad naman akong nag-ayos ng sarili. Tumapat pa nga ako sa aircon ng resting room namin.

Meron pa naman kaming 25 minutes bago ang hotel opening. Nagttrabaho ako bilang Information Desk Officer.

You know? Yung nakikita nyo pagpasok nyo ng hotel kaya kelangan ay presentable ako.

"Clare may extra ka bang blouse dyan? Grabe ang lagkit na ng suot ko kadiri"

"Oo meron. Wait kuhain ko" Pagka-abot nya sakin ay agad na akong nagpalit nito. Pagkatapos kong magbihis ay nag-ayos na rin ako ng mukha. Naglagay ako ng naunting make up tsaka lipstick na regalo pa saakin ni kuya Tim.

Tinali ko naman pa-bun yung buhok para mas malinis tingnan. Nang marinig naman namin ang tatlong taginting ni Pedro Kwala ay agad kaming pumwesto sa area namin.

"Ano ba yan, Riss. Tigil mo nga yan" saway sakin ni Clare dahil hindi ako kumportable sa pinahiram nyang uniporme sa akin.

Para kasing isang buntong hininga ko na lang ay mawawasak na ito. Masyadong masikip sa dibdib. Nakakailang pa nga dahil nag-mukha akong nang-aakit na babae sa itsura ko.

"Kasi naman e" tahimik kong reklamo.

Nag-umpisa na nga ang office hour namin at halos dalawang oras na rin kaming nakatayo nang tumunog na naman ang bell ni Pedro Kwala.

"Andyan na ata sir" bulong sakin ni Clare. Agad naman kami tumayo ng tuwid at maayos.

Strikto ang bagong may-ari ng hotel na ito. Akala ko nga ay medyo matanda na pero binata pa pala. Makisig ang pangangatawan, yung tindig nya ay napaka-maskulado kaya ito namang si Clare ay kilig na kilig.

"Gaga ang harot mo" saway ko dito dahil baka mamaya ay magdugo na ang tagiliran ko sa kakakurot nya.

Marami syang kasama na mga naka men in black at in fairness ah walang malaki ang tyan.

Nang lumapit sila sa area namin ay bumati kami agad. Wala syang sinabi pero tiningnan nya kami ng medyo matagal. Napansin ko ring napatagal ang tingin nya sakin kaya na-concious ako kung bakit.

Umalis rin naman sila at umakyat na ay tsaka lang kami nakahinga ng maluwag ni Clare.

"Taragis ka Therese! Ang gwapo!" mangisay-ngisay na sambit nito.

"Tumigil ka nga. Ang landi mo ha mamaya makita tayo ni Pedro Kwala sermon ka" inismidan nya na lamang ako at tumalikod.

Umupo naman ako saglit dahil medyo nangangalay na yung mga binti ko. Mamaya bigla na lang maglabasan yung mga varicose ko.

Wala pang limang minuto nung umupo ako at nakita ko na agad ang nanlilisik na mata ni Pedro Kwala.

Manager namin.

"Aba aba aba! hoy mga magagandang dilag!" sigaw nya sa amin. Agad akong napatayo at napaayos ng tayo dahil echosera ang baklang ito.

"Good morning po" bati naming dalawa.

"hmm aga-aga nagpapahinga ka agad Theresa!" sabi nya sabay irap. "At bakit naman ganyan ang uniporme mo? Entertainer ka ba rito? Ha?!"

Syemas naman!

"Medyo nabasa po kasi yung uniform na suot ko kaya nagpalit ako medyo maliit po pala" dahilan ko pa sakanya pero pinandilatan lang ako ng mata.

Nagbilin lang sya ng kung ano na binilin din ng boss namin kaya kami ay no choice kung hindi ay sumunod.

Hindi naman kami masyadong napapagod kakatayo. Maganda rin ang sahod at benefits kaya sulit naman sa pagtayo ng ilang oras.

4p.m lagi ang tapos ng shift ko kaya maaga akong nakakauwi. Nasa resting room kami ngayon ni Clare at nag-aayos.

Di ko na pinalitan yung skirt ko pero nagpalit ako ng tshirt pang-top. Bigla akong nakahinga ng maluwag dahil wala na yung masikip na blouse ni Clare.

"Diretso uwi ka?" tanong ng kaibigan ko.

"Dadaan muna akong landmark", sagot ko rito. Nilugay ko na rin yung buhok kong umaabot hanggang bewang. Natural na maalon ito at dark ash blonde ang kulay dahil nagpa-iba ako nung nakaraang linggo lang.

Sabay kaming umalis ni Clare ng hotel pero nag-hiwalay din dahil pupunta daw sya sa boyfriend nya.

Naglakad na lamang ako papuntang landmark dahil medyo malapit na lang naman. Pumunta muna akong watsons para sa mga luho ng tulad kong isang babae. Habang namimili sa beauty section ay tumunog ang aking cellphone.

Unknown Number Calling...,

Ilang ring pa bago ko sinagot. Tahimik lang sa kabilang linya at di rin ako nagsasalita. May narinig lang ako maliliit na ingay. Papatayin ko na sana nang biglang may nagsalita.

"Damn it! Hello? Record this call" utos ng nasa kabilang linya sinunod ko naman agad dahil kinakabahan ako. Ano naman kayang meron? Baka pina-prank lang ako ni Terence ah!

"Hoy Rence ikaw ba 'to?! Wag mo kong pina-prank ah"

"04825103 take note of that. And don't tell that pin to anyone. I'll find you" nakarinig ako ng malakas na kalabog tsaka naputol ang tawag.

Ano 'yon?

Binalewala ko na lang 'to at pumunta na sa counter para magbayad.

May hidden money kaya yon?! Hala baka mapahamak ako. Katakot namarn.

---

The Three Whispers of Night (Guns Series #1)Where stories live. Discover now