"Andito na ko!" sigaw ko pagdating ko sa bahay.
The coast is clear. Ibig sabihin walang bingot na nandirito.
"Asan kaya yung mga 'yon?" kausap ko pa sa sarili.
Agad akong dumiretso sa kwarto at nagpalit. Inayos ko na rin yung mga kaartehan ko sa mini dresser ko.
Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa kusina at wala man lang akong nakita kahit sinaing. Lintik talaga yung mga 'yon. Taga-kain lang sa bahay na 'to.
Nagsalang muna ako ng sinaing at mamaya na ako magluluto ng ulam. Syempre no chchill lang muna ako. Ipapahinga ko muna ang mga ugat ko sa binti at baka stress din ay magpakita na.
Habang nagse-cellphone ay pumasok ang iss kong kapatid.
"Hi kuya Tim! Luto ka na" ngingiti-ngiti kong utos dito. Inirapan nya lang ako at umupo sa sofa sa tabi ko.
"Ba't naka-busangot ka?" puna ko sa mukha nito na halos malukot na.
"tsk. Asan na ba si Rence?"
"Ewan ko. Kadarating ko lang e. I'm tired" pag-iinarte ko. Syempre para iwas trabaho sa bahay. Tsaka tinatamad lang talaga ako.
Binuksan nya muna yung t.v at nanuod ng mma at muay thai. Nang magpatalastas ay tumayo na sya at nagluto ng uulamin namin. Nagprito sya ng manok as requested.
Tsaka naman pumasok si Terence na may mga bangas sa mukha.
"Anyare sayo?"
Ganito kasi kaming tatlo lang yung nakatira dito sa bahay. Why? Yung both parents namin ay isang OFW. Si daddy ay isang seaman at baka next three months pa ang uwi no'n while si mommy ay nurse sa Bahrain.
Ako naman ay tapos nang mag-aral. Isa akong psychology graduate pero at waiting na lang sa result ng board exam ko. Kaya nag-trabaho muna ako.
Simple lang naman yung buhay ko. May dalawa akong kapatid na lalaking pasaway. May kanya-kanya kaming pinagkaka-abalahan. Hindi kami mayaman pero chill lang.
"Ang angas ng Benedict natalolang sa basketball" reklamo ni Rence habang nililinis ko yung mga sugat nya sa mukha.
"Cool ka na nyan?" agad naman nya akong sinamaan ng tingin kaya tumigil na ako sa pang-aasar. Badtrip e mamaya ako pa masapak.
Sayang ang skin care.
Matapos kong linisin at lagyan ng bandage ang mga sugat nya ay naghugas ako at pumuntang kusina para kumuha ng pagkain.
"Sa sala ako kakain" sabi ko habang kumukuha ng hita ng manok at kanin.
Nilipat ko naman sa encantadia yung palabas. Hehe favorite ko 'to e.
Habang kumakain ay tumunog na naman yung phone ko. Dami kong caller ngayon ah. Char.
"Hello?" sagot ko.
"Hello? It's me" Ay Adele?!
"Sino 'to?"
"I'm the one who called you earlier." Ha? Akala ko wrong number lang yun kanina ah.
"Listen, Can you do me a favor? Please help me" sabi nito.
"Teka nga. Sino ka ba? ha? prank caller ka ba? naku 'wag mo kong pinaglololoko ah! lokohin mo lolo mo!" mahina kong sagot sakanya dahil baka marinig ng mga kapatid kong bingot.
"What? No! Listen. I can't explain things now but I need you to help me. You're the only one that I can call, okay?" tila nagmamakaawa nyang sambit.
Hindi ko alam kung anong gagawin pero sige na nga. Huwag lang talaga ako nitong niloloko. Ipapa-trace ko sya sa NBI!
"Sige na nga! Basta di mo ko niloloko ha. Yari ka sakin!" narinig ko namang napabuntong-hininga sya. Hindi ko alam kung sigh of relief yon o hindi.
Pero bale na nga! Kainis.
"All right. Now get a pen and paper and write everything that I'll say" sinunod ko naman yung inutos nya. Kumuha ako ng papel at lapis. Yun agad yung nakita ko e.
"Oh tapos"
Dinikta nya sa akin lahat ng gusto nyang ipasulat at kaloka puro numbers ano ba 'to?!
"A-ano? 3-7?
"Yes. You're done?" tanong nya. Kaloka nahilo ata ako dun ah.
"O-oo. Ano ba this ha?! Pin sa bank account?!" kanina pa ata ako nagre-reklamo pero wala man lang syang sinasagot sa mga tanong ko.
"Eto lang ba?"
"Ah just one more thing. Write this one also" may binanggit sya saking address at inutusan akong puntahan iyon.
Demanding amp.
"Ha?! Bakit ko naman 'yan pupuntahan aber? Malay ko ba kung scam yan"
"Sht! It's not a scam. How many times do I have to tell that to you?!"
"But you know? Dalagang Pilipina ako." I heard him sighed for the nth time. Mukhang naiinis na nga talaga sya sakin.
"Look, I mean no harm to you. You're the only one that I can contact. So I need you to help me, please"
"Tumawag kaya akong pulis" suhestiyon ko.
"Yan ang hinding-hindi mo gagawin. You won't tell this to anyone" Ay nag-tagalog! Kaya naman pala e. Pinapahirapan pa akong pa-intindihin sa english.
"okay okay. hindi na. pupuntahan ko 'to sa day off ko" Marami pa syang binilin sakin na gagawin. Kesyo dapat daw walanm akong pagsasabihan kahit na sino, wala dapat makakaalam at kung anu-ano pa na di ko na inintindi kasi kumakain na ulit ako hehe.
"I'll call you and don't call me" sabi nya bago in-end ang tawag.
"Nye nye. Balakajan"
~~
Mabilis na lumipas ang araw at sunday na ngayon meaning it's my day off. At ngayon ko rin pupuntahan yung pinapupuntahan ng utosero kong caller. Maaga akong nag-ayos dahil medyo malayo yung pupuntahan ko.
Wala pa atang alas syete ng umaga ay paalis na ako. Nagsuot ako ng white jacket na naka- tuck in sa ripped jeans ko tsaka converse na white. Malamig kasi sa bus.
Nag-iwan na lang din ako ng note sa ref na aalis ako. Baka kasi bigla akong hanapin ng mga bingot kong kapatid. Nag-suot rin ako ng white cap at tote bag naman. Boom kumpleto na ootd ko.
Naalala ko pa nung tumawag sya nung nakaraan. Kabilin-bilinan nyang isang malaking secret ito. Kaya syempre quiet lang ako. And as much as possible daw ay dapat walang makakakita or makakapansin sakin na may kinukuha akong kung ano do'n.
"Ay wow! Ang laki naman ng fitness center ito!" manghang kausap ko sa sarili pagkadating ko sa sinabi nyang address.
May pinapakuha sya saaking mga papel sa isa sa mga locker ng fitness gym na ito. At in fairness ah nakakahiyang pumasok.
Cares mo ba, Therese. Pinagpapawisan rin naman sila.
Nakatungo akong pumasok sa center. Buti na lang at hindi ako hinarang nung guard. Pag sunday naman daw kasi ay open sya at libre para dun sa mga hindi members kaso limited time lang kaya maaga ako.
Nagmamadali akong pumunta sa locker area at lilingon-lingon pa dahil baka may tao. Bakit naman kasi sa men's area nya nilagay. Pakshit naman oh!
Habang ino-open ko yung locker gamit ang passcode na binigay nya sakin ay manginig-nginig ang mga kamay habang nagpi-pindot.
Isasara ko na sana yung locker nang biglang may pumasok-- este lumabas galing ata sa banyo na naka-tapis lang ng tuwalya.
Pakshit! Pahamak naman caller!
YOU ARE READING
The Three Whispers of Night (Guns Series #1)
ActionWho will you choose? The Lover or The Warrior? Guns Series #1