WARNING: VIOLENCE, KILLINGS
~
"P-po?" Shit! Ba't ako nautal?"Nothing" he chuckled. "Anyway, are you going home, already?" he asked nit minding the man beside me.
"Ah opo, sir." nakangiting sagot ko.
"Oh do you want me to take you home?" mabait na usal nya.
"Naku sir 'wag na po! Nakakahiya naman. Tsaka po malapit lang naman yung bahay namin dito he-he" litanya ko. Alam kong nakatitig lang sakin si Four pero hindi ko sya tinatapunan ng tingin. Hindi rin naman sya naimik.
"Really? Or may maghahatid na sayo?" usisa nya at tinaasan ng isang kilay ay katabi ko.
"Ha? W-wala po!" defensive kong sagot.
Agad akong lumayo sa pagkakatabi ko kay Four.
"Akala nyo po ba sya? Ha-ha 'di ko po yan kilala." ang defensive ata masyado pero pinanindigan ko na.
Hindi ko alam kung anong iniisip ni sir Miguel pero hindi dapat ako mapalapit kay Four. Ayokong madamay sa kung ano mang meron sa envelope na 'yon.
Wala pa sa kalahati ang alam ko sa loob no'n. Yung picture, gold bars at ilang dokumento lang ang nakita ko. Sana pala 'di ko na lang pinakealaman, napapraning tuloy ako.
Matiim lang syang nakatingin nang pabalik-balik sa akin at kay Four.
"I have to go. Thank you for the directions, Therese." tikhim nya at sumakay na sa sasakyan nya.
Tumango lang ako at tumabi para makaalis na sya.
"You don't know him, huh?" usisa ulit ni sir Miguel.
Napatango-tango ako dahil lalong nagtayuan ang mga balahibo ko sa kaba.
I am alone with him on this freaking parking lot!
Sasabog na ata ang puso ko dahil sa kung saang dimensyon na napunta ang pag-iisip ko.
Tumikhim si sir Miguel kaya liningon ko sya.
"Come. I'll take you home" ma-awtoridad nyang sambit. Hindi 'yon pagtatanong, utos 'yon.
Close ba kami ni sir? Grabe naman makapag-aya. Atsaka hindi ako kumportableng kasama sya.
"Ms. Baltazar, what are you waiting for?" nakakunot nyang sabi na tila ba kanina pang nag-aantay.
Para namang may magagawa pa ako. Kaya mabilis akong sumunod sakanya. Nakita ko pang may sumalubong sakanyang isang naka-man in black dahil nauuna sya sa aking maglakad. May sinabi ito sakanya na hindi ko naman narinig. Feeling ko ako 'yon. Tumingin sila sa akin e.
Pagkarating namin sa isang itim na SUV ay pinagbuksan nya muna ako ng pinto. Sa passenger seat kami sumakay dahil may mga bodyguard syang mga kasama.
"Hindi naman na po talaga kailangan na ihatid nyo pa ako, sir" nahihiyang pagsisimula ko ng diskusyon.
"Tsk. Stop complaining." sabi nya saglit akong tinignan "Alen, let's go" ani nya sa driver-slash-bodyguard.
Tahimik lang kaming lahat sa loob ng sasakyan. Tanging ugong na lang ng sasakyan ang aking naririnig pati na paghinga ay pigil ko at naabutan pa nga ng traffic.
Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Shutangina!" sambit ko dahil ang sakit ng puso ko sa gulat.
Nilingon ko ang mga kasama ko pero sinulyapan lang ako ni sir Miguel at iniwas na agad ang tingin.
Si Four pala.
YOU ARE READING
The Three Whispers of Night (Guns Series #1)
ActionWho will you choose? The Lover or The Warrior? Guns Series #1