Chapter 3

3 0 0
                                    

I can't! I just can't. O M G!

Jusmiyo ano ba ituu. Anong gagawin ko?

Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong humahakbang sya palapit sakin. Ahh! kainis naman.

Agad ko namang tinago basta at sinalampak sa dala kong bag yung papel dahil kelangan ko ng makaalis dito.

Dapat pala nag-ponytail ako dahil lantad na lantad ang haba ng buhok ko kaya pansin agad na may babaeng naliligaw dito sa men's room.

Dahan-dahan kong sinilip mula sa gilid ng pinto ng locker ang lalaki pero hindi ko na ito makita.

Umalis na siguro.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kaba at dali-daling sinara ang locker.

Phew~

Out ka na, Therese.

"Ay kabayo!" sigaw ko sa gulat. Halos takasan ako ng dugo sa katawan nang biglang sumulpot sa harapan ang isang naka-tapis ng tuwalya na lalaki.

Pukanginamers!

"Who are you?" parang lalabas na sa katawan ko yung puso ko sa lakas ng tibok nito.

Nakatungo pa rin ako at hindi gumagalaw habang ramdam ko pa ring nasa harapan ko ang nakatapis na lalaki.

"I'm asking you. What are you doing here?" baritonong tanong ulit na 'to.

"Ha? Ah eh maling-- mali lang yung napasukan ko. Hehe sorry lalabas na ko-- ayy!" tatakbo na sana ako palabas ng bigla nyang iharang ang braso nya kaya naumpog ako dito.

"Where do you think you're going?" usisang tanong nya pa. Hindi ko alam kung anong itsura nya dahil hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin.

"I-I'm going out, mister" sagot ko. Still looking at the floor. Think Therese Think!

"Show me your face" utos nya sakin. Naku caller,pahamak ka talaga!

Umiling-iling ako bilang 'di pagsang-ayon sa gusto nya.

"Ouch!" nagulat ako nang haltakin nya ang mukha ko at para makita ka.

Shit!

Nagkatitigan kami ng halos limang segundo bago ko mapagtanto kung sino ang kaharap ko.

Kinginamers! Si sir Miguel, yung may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan ko.

Naaalala kaya ako nito?

Hindi nya pa rin tinatanggal ang higpit ng hawak nya sa panga ko.

Walang ring reaksyon na naka-rehistro sa mukha nya. Blanko lang at hindi ko alam kung anong iniisip nya.

"T-teka nasasaktan ako" daing ko dahil pahigpit ng pahigpit ang hawak nya sa akin. Bumitaw naman agad sya nang matauhan.

Sapo-sapo ko pa ang pisngi ko nang magsalita ulit sya.

"What are you doing here?" ulit nya pang tanong.

"Nagkamali nga lang po ako ng pasok. Medyo malabo po kasi yung mata ko hehe" palusot ko habang may paturo-turo pa sa mata ko.

"Kaya po kung pwede na ay aalis na po ako baka po kasi nilalamig na kayo" dagdag ko pa. Nakita kong tumaas ang isa nyang kilay.

"I remember you" sambit nya.

Shoot. Naalala nya nga ako.

Huwag po, sir.

"P-po?"

"You're one of my employees, right?" may ngising labi nya. Habang ako ay di na alam ang gagawin.

Humakbang sya palapit sakin. Habang ako ay paatras ng paatras.

Hala sir ang halay mo!

Sigaw ko saaking isipan kasabay ng pag-iisip kung paano makakatakas sakanya.

Natigil sya sa pag-hakbang ng bumukas ang pinto at pumasok rito ang isang men in black. Kinuha ko namang opportunity iyon para tumakas.

Bahagya ko syang tinulak palayo at tumakbo palabas. May nabunggo pa nga akong kung sino at nag-sorry na lang ng pasigaw.

Hihingal-hingal naman akong parang aso pagkalayo ko sa gym. Nandito ako ngayon sa loob ng isang convenience store at umiinom ng inumin nang tumawag na si caller.

"Alam mo bang nahuli ako ha?! Ba't naman kasi sa men's room mo pa tinago?! Ha?!" sigaw ko sakanya pagkasgot na pagkasagot ko ng tawag nya.

Nagtinginan pa nga ang ilang customer sa loob kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Tsk. Ano na? Nakuha ko na yung mga pinakukuha mong damuho ka" I heard him chuckle on the other line.

"Thanks for that..." he paused. "Anyway I need you to keep that. Don't give it to anyone. I'll get it once-- I'll just call you when. First, I need to know your name"

"'wag mo ring ipagsasabi ah! I'm Therese, that's all" pakilala ko sskanya.

"Alright, I'll see you then, Therese." huli nyang banggit atsaka in-end ang tawag.

"Hmp! yun lang 'yon? Ang dami-dami nya pang binilin sakin. 'Di nya man lang sinabi pangalan nya"

Parang bubuyog akong bubulong-bulong sa sulok ng convenience store.

"Ms. Yung sisig po okay na" sigaw ng kahera.

"Ay akin yun" agad naman akong pumunta sa cashier para kuhain ang sisig na pina-init ko.

"Salamat ms" sabi ko sabay kuha nito. Grabe gutom na gutom na ako.

Tanghalian na kasi pala eh hindi pa ako kumain ng breakfast kanina. Pakshet talaga.

Curious na talaga ako kung sino yung caller ko na 'yon.

The Three Whispers of Night (Guns Series #1)Where stories live. Discover now