Hila-hila nya ako habang sinusubkan kong magpumiglas. Holding the broken bottle, I gather all my strength and kicked him as hard as I can.
Natumba pa ako sa sahig sa ginawa ko habang sya ay napadaing at napaatras lang.
Namumuo ang mga pawis ko sa takot at kaba. I tightly gripped the bottle on my hand and prepare for his next action.
He's also wearing a mask like the man who's on the stage. Nasa likod na kami ng stage at dito kahit papaano ay kita ko na ang paligid pati na rin sya.
"Who the heck are you?!" nanggigigil na tanong ko. But deep inside I am shaking hard!
Ngumisi ang lalaki at umambang lalapit sa amin. I immediately pointed him the sharp part of the broken bottle.
May kaunti akong alam sa pakikipaglaban dahil nag-aral ako ng taekwondo nung high school pero alam na alam ko na hindi ito sasapat kung makikipagbuno ako sakanya.
Babae pa rin ako at kahit may matulis na bagay akong hawak ay baka ako pa ang masaksak ng sarili kong armas.
"Feisty, huh" ngisi nyang sagot. Umamba syang susugod nang may sumipa sakanya dahilan para tumalsik sya sa gilid.
"Ahh!" napasigaw ako nang tumama ang isang suntok sa nagligtas sa akin.
Nagpalitan ang dalawa kamao at tadyak bago may dumating na naman na dalawang lalaki. Lahat sila ay naka-maskara kaya sa tingin ko ay kalaban sila.
Agad akong dinaluhan nung lalaking nagligtas saakin at tinago ako sa likuran nya.
"Are you okay?" mahinahong tanong nya na hindi ako nililingon.
"O-oo ayos lang ako" tumatango kong sambit.
"Dito ka lang" sabi nya bago ako iniwan at sinugod ang tatlong lalaki.
Suntukan lang ang labanan nila ng ang isa ay humugot ng patalim.
Madaya!
Hindi ko maiwasang mag-alala. Three versus one ang laban masyadong unfair naman iyon.
"Sa likod mo!" sigaw ko sakanya nang may papalapit na namang lalaki habang may dalang kutsilyo sakanya.
Mabilis syang umikot patalikod at winasiwas ang paa para mapatid ang lalaking may patalim dahilan para masaksak nya mismo ang sarili.
One down.
Sumugod na rin ang isa pa. Tinadyakan nya ito sa sikmura bago naglabas ng maliit na patalim at tinarak ito sa lalamunan ng kalaban.
Para akong nanunuod ng palabas ni John Wick. Less brutal nga lang ito. Pero mas lalong nanginig ang kalamnan ko nang isa-isa nang nagdatingan ang mga kalaban.
May kanya-kanya silang dalang armas at ang pinakatatakutan ko ay ang mga BARIL!
"Shit!" mabilis syang tumakbo sa kinaroroonan ko bago ako hinila. Alam ko ito! Kailangan kong tumakbo nang mabilis kung ayaw ko pang mamatay.
Pumasok kami sa isang pinto at napagtanto kong isa itong basement. Huminto kami saglit bago na naman ako hinila para magtago sa likod ng isang pader.
Dito ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan sya. Nangunot ang noo ko ng maamoy ko ang amoy ng alak sa katawan nya. Sya yung natapunan ko ng vodka kanina!
Hawak-hawak nya pa ring ang kamay ko habang nagtatago. Dinig ko ang yapak ng mga taong paparating at nagkalat. Tiyak akong ito yung mga masasamang tao.
May tinawagan si kuyang savior sa kanyang telepono at kinausap.
"Miguel where are you?-- yes-- we're at the basement on west wing-- uh yeah, just somebody-- alright" yun lang at binaba nya na ang kanyang telepono.
Mariin ko lang syang tinititigan bago sya tumayo ng maayos. Sinulyapan nya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Do you know how to fight?" tanong nya habang tinatanggal ang takip sa mukha.
Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang kabuuan ng itsura nya. Shemay ba't ganto ka-gwapo?! Maputi sya at matangos ang ilong medyo chinito at ang pula ng labi, may maliit din syang nunal sa ilalim ng kanyang kaliwang mata na nagpadagdag sa sex appeal nya.
Bakit ganon?!
"Hey" saglit na na-divert ang atensyon ko at bumalik sa ulirat nang oumitik sya sa harap ng mukha ko.
"H-ha?"
"I said do you know how to defend yourself?" ulit nya.
Marahan akong tumango na para bang hindi sigurado.
"Marunong ako ng onti sa taekwondo" sabi ko. Napabuntong-hininga sya at lumingon-lingon.
"Fine. Just stay here. Magtago ka lang muna." suhestyon nya bago dumukot ng dalawang baril sa likod nya. Bigla ko namang naalala sila Clare.
"Teka, paano yung mga kasama ko ss loob?" nag-aalalang tanong ko. Kelangan kong bumalik doon para tingnan sila.
"They'll be fine." maikli nyang sagot at sinilip ang likod ng pader.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalilipas pero ang sabi ay pasasabugin daw ang hall sa loob ng sampung minuto.
"Ano? Paano yung bomba? Yung sasabog? Kelangan ko silang iligtas!" naghihisterya kong saad na sa tingin ko ay narinig ng mga pinagtataguan namin kaya agad itong pumunta sa kinalalagyan namin.
"Yuko!" sigaw nya. Mabilis syang nagpaputok ng baril at lumayo sa akin. Nakayuko lamang ako habang nakatakip ang dalawang kamay sa aking tenga.
Barilan na naman.
Kitang kita ko kung paano umiiwas at magpaputok ng baril ang kasama ko. He can smoothly move his body without getting shot. Bawat pihit ng gatilyo ay may tinatamaan sya.
Habang ako ay nagtatago pa rin may biglang humablot sa akin. Kalaban!
"Ahh!" tili ko sabay sipa sa ano nya. Nagulat kasi ako! Namilipit sya sa sakit kaya tumakbo ako palayo sakanya.
Maingat akong lumapit sa kasama ko na nagtatago sa likod ng isang poste.
"Come here" aniya bago ako kinabig palapit sakanya at nagpaputok na naman ng baril napasigaw ulit ako dahil sa tunog nito.
Ramdam ko ang katawan nya sa katawan ko nang may humaharurot na sasakyan ang tumigil sa harap na amin at walang anuman na sinagasaan ang mga kalaban.
"Leo, bilis!" sigaw nung nagddrive ng sasakyan. Walang anumang itinulak ako nung 'Leo' sa loob ng sasakyan at mabilis nya itong sinarado. May tatlong tao sa loob kasama ang nagd-drive.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa loob si Sir Miguel na prenteng nakaupo sa tabi ko.
Biglang uminit ang ulo ko at para bang lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko.
"Sir Miguel?! Anong ginagawa nyo dito?!" pasigaw kong tanong dahilan para magtingin ang lahat sa akin sa loob.
Hindi ko na namamalayan na pinapaulanan na kami ng bala pero hindi tinatablan ang sasakyan namin. Bulletproof, tsk.
"What?" tumaas ang isa nyang kilay at nagtataka akong tinignan.
Sa inis ay sinunggaban ko sya palo sa dibdib at katawan.
"Nakakainis ka! Paanong nakakaupo ka pa dyan habang yung mga kasama ko do'n sa loob ay takot na takot?!" mangiyak-ngiyak kong sambit habang patuloy pa rin syang pinapalo.
Malakas nyang hinawakan ang dalawa kong kamay para pigilan ito.
"Paano sila Clare?! Ha?!" umiiyak na talaga ako ng sambitin ko iyon. Wala na akong pakealam sa nangyayari sa paligid ko.
Hindi ko na alam kung saan kami pupunta nang makarinig kaming lahat ng malakas na pagsabog.
Nanlaki ang mga mata ko at napasapo ang kamay sa sarili kong bibig nang makitang nasa kalsada na kami at tanaw na ang parte ng hotel na nasusunog at unti-unting tinutupok ng apoy.
Clare!
YOU ARE READING
The Three Whispers of Night (Guns Series #1)
ActionWho will you choose? The Lover or The Warrior? Guns Series #1