Chapter 5

6 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay naanutan ko ang dalawa kong kapatid sa sala at nanunuof ng t.v.

"Nandito na 'ko" malamyang sabi ko habang hinuhubad ang sapatos.

"Oh Riss! Buti andito ka na. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Ha?!" sunod sunod na tanong ni Rence nang makita nya na ako.

Tumayo si Tim sa pagkakaupo nya at kinuha ang mga binili ko.

"Ayos lang ako. 'Wag ka nga magulo" saway ko sakanya.

Umupo muna ako sa sala at nanuod ng t.v. Alam na pala nila yung nangyari. Buti 'di ako nakuhanan ng camera. Ang epic ng mukha ko.

Medyo basa pa yung katawan at damit ko.

"Grabe, Riss! Sigurado ka bang ayos ka lang? Nandoon ka ba nung nagka-shoot out?" tanong nya ulit at tumabi pa sa akin. "Ininterview ka ba? Ano? Hoy!" bahagya nya pang tinapik ang balikat ko.

"Kuhaan mo muna akong tuwalya" utos ko sakanya pero si Tim na ang nag-abot.

"Lamats" sabi ko.

"Ano na, Teresa." sinamaan ko naman si Rence dahil sa kakulitan pero nagkwento rin naman ako.

"Oo nga! Sa harap ko mismo tumigil yung mga namaril. Tangina akala ko mamamatay na--"

"Sinong mamamatay?" nagulat kamibg tatlo at sabay na naoatingin sa pinto ng makita namin sila mama doon.

"Ma!" sigaw ni Rence bago lumapit.

"Surprise!" nakangiting sigaw ni mama kasama si papa.

Pumasok naman na agad sila sa bahay. Ang dami nilang dala pustahan at puro pasalubong iyon.

"Hi ma, pa" bati ko sakanila.

"Oh Riss ba't basang basa ka?" puna ni mama habang nakatingin sakin.

"Ah naulanan lang po. Ligo po muna ako" sagot ko at dali-daling umakyat sa taas para maligo. 'Di ko na lang sinabi sakanila ang nangyari dahil mag-aalala lang 'yon ng husto.

Wala pang kinse minutos ay natapos na ako mag-ayos. Nagsuot lang ako ng pajama at tshirt na puti. Mahirap na at baka maubusan ako ng chocolates. Garapal pa naman si Terence.

Pagbaba ko sa sala ay andon sila at nagkukumpulan nangunguna pa si Rence na parang bata.

Sugapa talaga.

Si Tim naman ay nakaupo lang habang kumakain na ng toblerone at nagmml.

"Hoy Rence tabi nga dyan." sabi ko sabay tulak sakanya.

Binuksan ko ang isang kahon at naghanap ng akin. Si mama naman ay tuwang-tuwa habang pinapanuod kaming mag-away ni Rence habang si papa ay lumabas para kamustahin ang mga kumpadre nyang manok.

"Akin 'to!" sabi ni Rence sabay kuha ng isang malaking ferrero rocher. Inirapan ko lang sya at di na pinansin.

Sumakit sana tyan mong baluga ka.

"Akala ko ma sa susunod pa ang uwi nyo?" tanong ko habang kumakagat sa dairy milk.

"Syempre joke lang 'yon. Para surprise diba?" nakangiting sagot nya. Tumango naman ako at naghalungkat ulit.

May mga pasalubong na bag, damit, sapatos, pabango, make up at kung ano pa. Kumpleto pa ata lahat.

"Osya. Nakapagluto na ba kayo?" tanong nya bago tumayo.

Tumingin ako kay Tim pero umiling lang sya.

"'Di pa daw" sagot ko.

"Edi ako na magluluto. Na miss ko 'to" excited nyang saad bago pumuntang kusina.

The Three Whispers of Night (Guns Series #1)Where stories live. Discover now