"Ouch!" daing ko ng maramdaman ko ang hapdi sa aking braso."Sorry" wika nang lalaking dumaan na may gawa ng sugat ko.
Para bang sinadya nya talagang iparinig ang boses nya. Shit naman. Sinipat ko ang sugat ko pero agad ko ding iniwas para hanapin yung lalaki.
Mabilis syang nawala sa paningin ko.
Bwisit.
Mabilis akong naglakad papuntang banyo para hugasan ang daplis sa braso ko. Maliit lang 'to pero medyo malalim.
Nilagyan ko lang ito ng band-aid tsaka tinawagan si Clare na nakarating na ako.
Hindi ko na lang ipapaalam sakanya ito baka madamay pa sya. Gusto ko sana i-cancel ang lakad namin ngayon kaso magwawala 'yon.
Ayoko namang mapahamak sya at idamay ng lintik na kung sino na 'yon at ako ata ang tinatarget. Wala naman akong maalala na may atraso ako o may ginawang masama.
Oh my God?! Hindi kaya dahil kahapon? Kasi nakita ko yung mga namaril ng malapitan?
Napasapo ako sa bibig ko nang marinig ko ang boses ni Clare na papalapit. Umayos ako ng tayo at ngumiti.
"Impaktita ka! Ang tagal kong nag-intay" reklamo nya sabay higit ng buhok ko.
"Sorry naman" I chuckled before putting my arms on her shoulders. "Oh eto pasalubong" sabi ko sabay abot ng paper bag na pinabigay ni mama.
Agad na nanlaki ang mata nya at nakalimutan ang inis pagkakita nya yung anong mga laman no'n.
"OMG! Pakisabi kay tita, maraming salamat! Ang thoughtful." sabi nya habang inaamoy ang pabangong pasalubong sakanya.
"You're welcome daw" sagot ko sabay tango at tawa.
"Sana nagmana ka sakanya" sabi nya sabay irap. Tinawanan ko lang sya.
"Sorry na nga e. Sa'n ba muna tayo?" tanong ko kaya nag-umpisa na kaming maglakad.
"Saan ba mura? Edi tara sa ukay-ukay" aya nya sabay hila sakin sa braso.
Una kaming pumunta sa pinakamalapit na ukay-ukay center pero wala kaming nahanap kaya doon kami sa medyo malayo.
"Anong costume mo?" tanong ko sakanya habang busy na naghahanap ng masusuot.
"Tinker bell" sagot nya.
"Tanginamo" napatawa lang sya at nagkibit-balikat.
Naghanap-hanap pa kami hanggang makakita ako nh poison ivy costume habang si Clare ay nakakita na rin.
"Wow Sang'gre Pirena" puna ko sa costume nya at napatawa. career na career ang pagiging 'Encantadiks'
"Avisala, pashnea" sabi nya. Binatukan ko naman sya dahil naintindihan ko 'yon.
Binayaran na agad namin yung mga damit namin sa murang halaga. Bespren talaga ang ukay-ukay.
"Kain muna tayo" ay nya kaya pumayag na ako.
Nagoara kami ng tricycle at bumaba sa tapat ng isang fast food chain. Tirik na tirik na naman ang araw.
"Anong order mo?" tanong nya sakin.
"Chicken with rice and french fries tapos hot fudge sundae. ' Wag mo ipa-upgrade ah. Bukod 'yon" tumango naman sya at sya na rin amg pumila sa counter.
Buti na lang din onti lang ang tao kaya hindi punuan. Sa may couch ako umupo at inintay doon.
Nag-bbrowse ako sa facebook nang may may tumawag na naman sakin.
YOU ARE READING
The Three Whispers of Night (Guns Series #1)
AcciónWho will you choose? The Lover or The Warrior? Guns Series #1