Chapter 7

5 0 0
                                    


Wala ako sa wisyo na pumasok sa trabaho kinabukasan.

Oras-oras kasing bumabalik sa isipan ko yung nasa picture. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko bang tinignan iyon o ano.

Nag-text na kanina si Caller maaga pa lang kaya dinala ko na sa trabaho yung mga documents.

Mariin kong sinigurado na safe ito sa locker ko. Mahirap na at baka maglaho ang mga ito.

Sabay kami ni Clare kumain ng maglunch-time sa tapat ng restaurant ng hotel. Kasama namin yung jowa nya na si Kiko at ito ang nanglibre.

"Galante mo naman ngayon, Kiko" bati ko habang pumipili ng order sa menu.

Ngumiti lang sya at si Clare na ang sumagot.

"Na-promote sya girl! Galing talaga ng bebe ko" proud na ani ni Clare tsaka yumakap sa braso nito. Napairap na lang ako at napatawa.

Mayaman ang pamilya ni Kiko sabi ni Clare pero bumukod daw ito ng sarili dahil gusto nya ng sariling kita at pera. So far happy ako para kay Clare. Masipag at mabait ang boyfriend nya.

Nagkkwentuhan kami hanggang sa dumating ang order namin.

Nagtatawanan kami nang mahagip ng tingin ko ang mga lalaking papasok sa loob ng restaurant.

May bigla akong naalala kaya napapikit ako ng mariin. Kainis. Kumakain pa naman ako yun pa ang naalala ko.

Kahit ilang beses kong itanggi at ipasawalang-bahala yung takot at kaba ko.

Lalong tumindi pa iyon nung lumingon sya sa akin at ngumisi. Nakakatakot.

"Huy Riss! Sinong tinititigan mo dyan?" nagtatakang tanong ni Clare at lumingon sa tinignan ko. Nanlaki ang mga mata nya nang makita do'n si Sir Miguel.

Tinignan nya ako nang mapanlokong tingin kaya umiwas na lang ako.

After our free lunch ay bumalik na kami ni Clare sa trabaho. Caller reminded me again for the second time.

At exactly 4 o'clock  I immediately went outside. Ni hindi na nga ako nakapag-paalam kay Clare dahil may kausap pa ito.

Secured ang files na bitbit ko. Hindi ko alam pero medyo excited akong makita si caller. I'm honestly curious about what he looks like. I mean he got a freakin' great manly voice.

Sa totoo lang ay sa tuwing tumatawag sya sa akin noon ay kinikilig ako ng onti sa boses nya.

Gosh, parang ang landi ko naman.

After 10 minutes of biyahe ay nakarating na ako sa shop na pinag-usapan namin.

Onti lang yung tao sa loob ng shop. Bread shop kasi ito. Ako mismo ang pumili ng location dahil na rin nagc-crave ako sa tinapay nila dito.

I took out my ohone before entering the shop. Of course I have to ask him.

(Hello?) he answered.

"Uhm.. Hey. Andito na ako. Asan ka?" tanong ko habang papasok ng shop. Tumigil muna ako dahil may lumabas na isang lalaki.

(I'm at the corner... I'm wearing black.) he said. I scanned my two eyes in the whole shop when I saw a man sitting at the corner couch wearing a black jacket while holding a phone on his ear.

I unconsciously smiled.

"Oh, I saw you" I said and then hung up.

Nagmamadali akong naglakad papunta sakanya.

I really wonder what would he look like. Sa nakikita ko mula da likuran nya ay mukhang bata pa. I mean hindi pa gurang. Hindi maayos ang buhok nya hindi rin magulo. Na-concious tuloy ako bigla dapat pala nag-retouch man lang ako kahit onti.

The Three Whispers of Night (Guns Series #1)Where stories live. Discover now