WARNING: GUN FIRING
It's been two weeks since our last conversation and up until now, hindi pa rin sya tumatawag.
Oy, di ko naman iniintay ah. Curious cat lang talaga ako. Sabi nya kasi kukuhain nya daw yon sakin eh pano naman diba? 'Di nya naman alam yung address ko at full name.
Si sir Miguel naman ay di ko pa nakikita dahil bihira naman bumisita dito sa hotel. Jusmiyo naman sana makalimutan nya na yung kahihiyan ko dun sa fitness center. Baka kung anong isipin e.
"Hoy Therese! Tulaley ka dyan?" tawag sakin ni Clare habang sinusundot ang tagiliran ko.
Andito kami ngayon sa labas at kumakain dahil lunch break namin.
"Bakit ba?"
"Creepy mo. Anyways, tinatanong kita kung aattend ka ba sa halloween party ng hotel. Invited lahat ng employees" chika nya sakin.
"Talaga may ganun?" tumango-tango naman sya at tila ba excited na.
"Attend ka?"
"Pag-iisipan ko. Ano daw bang suot?" agad nya naman akong hinampas ng kutsarang 'di nya pa nagagamit sa ulo. "Aray ha!" daing ko pa.
"Engots lang? Syempre halloween costume." sabi nya sabay irap sakin.
Hmm. Interesting hehe. First time ko 'to dahil wala pa naman akong isang taon na nagttrabaho sa hotel.
"Hmm sige pupunta ako. Kaso wala pa akong susuotin e. Kelan ba 'yun?" tanong ko ulit sakanya.
"Next week saturday pa naman. May time pa para maghanap. Sabay na tayo you want?" alok nya sakin kaya syempre gora naman si inday mo.
Pa-experience nga ng halloween party.
After lunch ay bumalik na agad kami sa aming pwesto. Nag-decide rin kami na bukas na kami maghahanap ng costume para day off ulit. hehe.
"Employees lang daw ba ang invited?" tanong ko kay Clare habang nag-aayos dahil tapos na ang shift namin.
"Yep. Sadyang party daw 'yon ni Sir Miguel sa mga employees." sagot nya habang naglalagay ng lipstick.
"Wow galante" I said.
"Kaya nga e. Pogi na mabait pa sa'n ka pa, diba?" sabi nya habang nakatingin sa salamin.
"Proud na proud?" ani ko at nagtawanan kami.
Sabay na ulit kaming lumabas ng hotel at nag-time out.
"Hala umuulan pala" gulat nyang salita pagkalabas namin dahil medyo malakas nga ang ulan.
"Syete wala akong payong" reklamo ko habang bahagyang umaatras dahil sa tilamsik ng ulan.
"Susunduin ako ni Kiko. Sabay ka?" alok ni Clare habang hawak ang phone nya.
"Hindi na. Magkaiba tayo ng daan e" pagtanggi ko. Totoo naman kasi. Pinilit nya pa ako ng onti pero humindi na lang ako.
"Sige na. Humihina naman na." pagtaboy ko sakanya dahil ayaw pang umalis kahit nasa harap na namin si Kiko na may dala pang payong.
"Sige na nga. Basta bukas ah!" sabi nya habang nakanguso at lumapit sa jowa nya.
"Ay teka!" matinis na sigaw nya kaya huminto sila.
"Bakit?" tanong ko nung humarap sya sakin.
"Kiko bigay mo na 'tong payong kay, Riss" sabi nya at walang ano ano ay hinagis nya ito sakin. Narinig ko pa ngang sinermonan nya si Kiko dahil hindi nagdala ng extra na payong.
YOU ARE READING
The Three Whispers of Night (Guns Series #1)
ActionWho will you choose? The Lover or The Warrior? Guns Series #1