Kabanata 1

610 46 3
                                    


Pia

Nagmamadali akong napabangon sa aking kama habang tinitingnan ang orasan.Anak ng tokneneng!late na naman ako!Hays kailan ba ako hindi na-late?

"You're awake."Mahina ngunit malalim ang boses nung nagsalita napatigil agad ako sa paghihilamos ng makita ko kung sino iyon."Ikaw na lalaki ka!?paano ka napunta sa kwarto ko?Ang manyak mo talaga!"Inis na singhal ko sa lalaking nakapamewang sa harap ko.

Medyo mature na ang mukha nito ngunit kilalang-kilala ko pa din."I'm just watching you.You aren't happy?"Agad na kumulo ang dugo ko.

"Malamang hindi.Mukha ba akong masaya na nandito ka?At bakit ganyan ang mukha mo?"

"You're asking me why I'm here?"Kunot noo nyang tanong.Hindi ba sya makapag-antay?Magkaaway kami tapos nandito sya sa kwarto ko at tinitigan kung paano ako kumilos.

"Paulit-ulit?"Irita kong tugon ngunit ngumisi sya.Hindi ba sya aware na mas lalo syang gumagwapo sa harap ko.

Kinuha ko ang tooth paste at toothbrush ko sa kabinet saka nagsimula ng magsipilyo."Because I'm your Husband."Napatigil ako sa pagto-tooth brush.Tila ay nabilaukan ako ng toothpaste.

Excuse me 17 palang ako at walang boyfriend tapos sasabihin nya mag-asawa kami?Sapak gusto ata nya."Ang kapal talaga ng apog mo,"

"Hindi ka pa din nagbabago ang sungit mo pa din."Mahina ngunit rinig rinig ko ang ibinulong nya.Ang galing naman nyang bumulong hindi ko narinig.


"Tumigil ka nga dyan,Harris.Lumayas ka sa harap ko papasok na ako."

Itinaas ko ang dalawa kong kamay na waring pinapalayas sya na parang aso.Lumabas sya ng kwarto at naiwan akong nagbibihis.Baka nagmamalik-mata lang ako pero hindi.....nakakausap ko sya ng matino.May himala pala talaga.

~*~

"Hoy babaeng panget,Dalhin mo nga ito kay Dianne."Iniabot nya sakin ang isang pulang rosas at may kasama pang Chocolate.Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatingin kay Harris kasama ang pinsan nyang Liros.Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ang kapal ng mukha mo.Pagkatapos mong pumunta sa bahay namin bigla-bigla kang mang-uutos?,"Nagtataka syang tumingin sakin.

"What the hell are you talking about?"

"Nagmamaang-maangan ka pang Dinosaur ka."

Lumapit samin ni Liros."Ano?grabe ka naman Harris hindi mo naman sinabing pumapatol ka pala sa tabla."

Tabla?

"Anong tabla?"Maangas kong tanong habang hinahanda ko ang aking kamao.Natatawang tumingin sakin ang dalawang dinosaur.

"Flatchested na nga negra pa."Sagot ni Harris at humalakhak.Napatingin ako sa paligid ng may isang lalaki ang kamukha ni Harris.

Naka-cross arm lang ito at seryosong nakatingin sa kamukha nya.Magkaugali sila pero mas mabait ang lalaking kamukha ni Harris kesa sa Dinosaur na yun.

"Ito na nga,e."Padabog kong tinanggap ang rosas na ibibigay nya kay Dianne.

Manliligaw sya tapos ako ang pag-aabutin ng mga bulaklak na binibigay nya sa mga nililigawan nya.Ang ending sakin din napupunta ang mga bulaklak kase daw impossible silang bigyan ni Harris.

Inis na inis kong ibinaling ang tingin ko sa mga bench na nagkalat dahil doon naman tumatambay ang mga barkada ni Dianne.

May isang lalaki ang nahulog sa aking harapan kaya hindi ko maialis ang tingin ko habang patuloy lang na naglalakad.

That Playboy is My future HusbandWhere stories live. Discover now