chapter 01

107 28 4
                                    







[Cali, where are you?! Mags-start na ang program!] 


"Why are you shouting? Hindi pa ba malapit ang phone sa bibig mo?" kalmadong tanong ko. But really though, I'm trying to be calm as much as possible. Walang mararating ang pagmamaktol ko sa traffic ng Santa Rosa.


[Ugh! Just get your ass here already!]


"Alright, direk- this bitch? Pinatayan pa ako," well, as if naman makakapunta agad ako. It's actually the first day of school after, what? A 4 month vacation? This probably explains the traffic kasi I swear to God, magda-dalawang oras na ako dito sa kalsada.


I'm on my way to school and I guess wrong move na mag-drive ako ngayon lalo na at ganito ang sitwasyon. Kung alam ko lang edi sana nag-commute na lang ako. Tumunog ulit ang phone ko at sinagot ito agad.


"Moshi moshi?"


[Calista, what the hell? Normal people say hello,"]


Tiningnan ko ang caller ID, at si Jianne lang pala, "Ano? Oo, nasa Sta. Rosa pa lang ako. Oo, traffic,"


[Girl, I have tea. You won't believe this,]


Napatahimik na lang ako, half waiting for the tea, half wishing na she would stop. It is rare for Jianne to call just for a simple chika - so might as well assume that it's grave.


"Wait lang, Anne, I'm driving. Kwento mo later. Nasa school ka na ba?"


[Yes. Hintayin na kita sa lobby. Mag-ingat ka!] sabi niya at nag-drop na ng call.


I can sense na medyo bad trip siya and wala sa mood, good thing na lumuwag na ang kalsada. I have a bad feeling about this.


-


"Sis! OMG, you're here na! By the way kanina pa nagmamaktol si Ayah sa field! You sure gusto mo pa mag-duty?" salubong ni Anne sa akin pagka-park ko pa lang. Yes, hindi na ako hinintay sa lobby.


"Oo naman! Baka mamaya bawasan pa sweldo ko!" sabi ko habang kinukuha ko ang equipment sa trunk. That Ayah bitch really had the audacity to make me bring all my camera and stabilizer. If I know, manggagamit naman talaga siya kasi wala siyang pambili. Hmp!


"About the tea, ate girl-"


"After the program, sis? Wait, tungkol saan ba 'to?"


Tumikim muna siya bago magsalita, "Tungkol kay Gio... at Nicole,"


Ngumiti na lang ako, "Java tayo later? Miss ko na fried siomai!"


Mukhang napansin niya ang pag-iwas ko sa topic, at nagbago rin agad ang mood niya, "Sure! Bingsu na rin tayo mamaya, pretty please,"


Siomai and bingsu for my 2oth birthday? Not bad.


-


"How many times do I have to tell you to dye your hair black? Ako yung napeperwisyo dito, Calista! Alam mo naman yun, diba?"


She's on the verge of crying – frustrated na hindi mailabas ng ayos ang nararamdaman.


"I am giving you an ultimatum. Dye your hair or else..."


"Or else what?" tanong ko na parang nanghahamon. Really, Cali? Alam mo na ngang ikaw yung mali, magmamatigas ka pa? Saan mo ba kinukuha 'tong lakas ng loob mo?


project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon