chapter 05

60 23 0
                                    







"Aba, tunaw na si Ayah sa tingin mo, sismars,"


"Shut up," mahinang sagot ko kay Anne at patuloy pa ring nakatingin kay Ayah - na kausap si Paolo. Ano bang pinag-uusapan nila at kanina pa sila nasa hallway? Tawa pa nang tawa, ano bang nakakatawa? Ano?


"Kalma ka lang kasi! Hahaha!" Tinawanan lang ako ni Anne at dumiretso na sa upuan niya. Ako naman, nakatayo pa rin sa may pintuan at sinisilip sila sa bintana.


Bahala nga kayo d'yan!


Bumalik na ako sa kinauupuan ko at nilabas ang iPad para mag-edit ng photos. Photography ang next course namin kaya try ko lang gumawa ng iba't-ibang presets.


"Ang ganda naman! Iba talaga kapag Calista Luna!"


"Seb!" Niyakap ko agad si Seb. Halos isang linggo na ata kaming hindi nagkikita - at halos isang linggo na ring nasa bahay si Paolo, "Anong nangyari sa'yo?! Hindi ka nagpaparamdam!"


He chuckled, "Hindi pa ako patay!"


Sumimangot naman ako, "Ewan ko sa'yo! Baka naman gusto mong mag-kwento, ano?"


"Good morning, class! Activity lang saglit tapos bababa tayo for mass,"


Halu-halong reaksyon ang narinig ko – may masaya kasi cut ang classes, may malungkot kasi sugo ng demonyo, at isa na ako doon. Mukhang mapapa-early cafeteria na naman ako, ah?


Nakita kong pumasok si Ayah at kasunod niya naman si Paolo. Ano bang pinag-usapan nila at kulang na lang e mapunit ang bibig kaka-ngiti? Hindi ako natutuwa!


"More chika?" seryosong tanong ni Seb at umupo sa katabing upuan ko.


"More fun!" masiglang sagot ko sa kanya at, aba naman, I must say, this is a first time na kakausapin ako ni Seb during class hours! I told you, sobrang bait nito at papasa na siyang santo ng school namin.


Nasa bandang unahan si boss Jianne Andres kasi may seating arrangement sa Photography class. Actually, dapat sa lab kami ngayon kaso dahil sa misa, cancelled muna.


"Ayon, I did lots of paperworks para sa nangyaring 'yon. Halos isang linggo rin akong pabalik-balik sa law firm at ibang agencies para lang maayos yung pangalan ko,"


Kawawa naman 'to si Seb. Siya na nga 'tong walang ginagawang masama, siya pa ang ginaganito.


"Whoever that fucker is, I swear I'll rip his eyeballs out! Masyadong insecure!"


"Sinabi mo pa. Pero buti na lang at tapos na, okay na ang lahat," sabi niya na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan, "Makakatikim ng detention 'yon with Sir Kel," natatawang dugtong niya.


Napabuntong-hininga na lang ako, "But kidding aside, what do you think is their motive? I mean, this is not the first time you received such bullshit, pero this is way overboard," tanong ko. Sa ilang taon na pagiging student-model neto ni Seb, hindi talaga mawawala ang mga insekyorang froggies. I remember one time, may nag black mail pa sa kanya na i-give up ang Presidential seat kasi hindi naman daw siya competent. Sore losers will always be losers.



Natapos ang klase na nag-kwentuhan lang kami ni Seb, tamang catch-up lang kahit hindi naman gaano katagal hindi nagkita. But I guess, that is how attached we are to each other. Sebastian is my crush (no doubt about it) ever since, pero at the same time, kuntento akong magkaibigan kami – best friends even. I could even see him as a really close family member kaya might as well erase my feelings for him. But then again, kahit ilang oras na kaming nagkausap, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na sa amin nakikitira sa Paolo. May ibang araw pa naman siguro.


project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon