Lord, please tell me this isn't true. Mahirap ba 'yon? You're the 'God', remember? Please, magpapakabait na po ako, basta gisinging niyo lang ako sa bangungot na 'to.
"Sup, guys, it's Ray Paolo Rodriguez, you can call me Pao or Ray, whatever you like-"
"Okay lang ba 'baby'? AAAAA!"
"Ang gwapo, shuta! Thank you, Lord, sa biyaya!"
"Shet! Ano bang ginawa ko dati para ma-bless ng ganito?! AAAAA!"
"-'wag lang 'baby', okay? Baka may magalit," sabi niya at kumindat pa kaya naman mas lumakas ang tilian ng mga babae't bakla sa room. Oh, God. What's wrong with these people?
"Bakit naman may magagalit? Huhu! May jowa ka na ba, bebe?"
Ngumiti siya at tumingin sa akin. What the frick? Anong iniisip nito?! You better not mess up.
"Wala pa naman, pero malay niyo, nandito ang future bebe?" sambit niya at nagtaas-baba ng kilay kaya, need I say more? Mas naging wild ang klase. I can't even with you, guys.
"Ehem!"
May silbi ka naman pala sa klase, Seb. Akala ko pag may events lang, eh. Joke not joke. Tumahimik na ang klase at pinaupo na ng prof si Paolo – ang mga haliparot, tingin pa rin ng tingin sa kanya. At isa rin namang malandi 'to si Paolo, tamang entertain lang ng mga inquiries ng kaklase. Ayos ka rin, eh?
"Bes... Ang hottie..."
"Jianne punasan mo nga 'yang laway mo! Ugh!"
"Eh, sa tingin mo, sino kaya ang magiging jowa n'yan? Ang swerte naman! Huhu!" patuloy niya pa habang nakatitig kay bad boy. Oo, bad boy na lang itatawag ko sa kanya, mukha naman siyang goon.
"Ano bang pinagsasabi mo? Ano ba kayo ni Jonathan, ha?"
Agad siyang namula sa tinanong ko, bingo! Ayan, sabi fling-fling lang daw, pero mukhang na-fall na si gaga. Iba talaga ang kamandag ng Jonathan na 'yon, "H-ha?! Girl, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Hahaha! P-para kang tanga..."
"This bitch? Ikaw yung parang tanga. Nauutal-utal ka pa," sabi ko sa kanya at tumingin sa direksyon ni bad boy – and nakatingin siya sa amin.
Nasa dulo kami ni Anne nakapwesto para free to chika. Duh! Sino bang nakikinig sa college lectures? Can't relate! Ano kayo, bayani?
-
Natapos ang isa't-kalahating oras na lokohan sa klase at vacant kami ng 30 minutes. After ng vacant, isang subject na lang at uwian na! Yes! I love Thursdays!
"Wait mo ko sa caf, sis! Meeting lang kami saglit!"

BINABASA MO ANG
project 3: agatha [ON-GOING]
Teen FictionPaolo transferred to a school in Laguna because of some family problem, not knowing that being in the same spot with Calista will create more conflict in his already doomed life. This is a work of fiction. Any resemblance to actual person, place, ev...