chapter 07

49 16 0
                                    



"Luh! Seryoso ba?! Pakshet pupuntahan ko si Ma'am!"


"Kanina ko pa binubulong sa'yo na basahin mo yung instructions, ah? Ano bang iniisip mo?" Naguguluhang tanong ko kay Anne. Katatapos lang namin mag-exam sa isa naming major at naglalakad kami papuntang Domino's.


"Wala,"


"Oh, ano nang gagawin mo?"


Nagkibit-balikat siya, "Bahala na nga. Baka naman maawa si Ma'am sa 'kin," sabi niya at napa-irap na lang ako. Akala ko ba naghahabol 'to? Tapos uunahin ang katamaran.


"Alam mo namang isa't-kalahating nakakairita 'yon si Miss Kelsey," sabi ko na lang.


"Sinabi mo pa! Hay, ayaw ko na isipin 'yon basta tapos na 'ko!" Sabi ni Anne. Nagkamali na naman kasi siya ng basa sa instructions - this is the third time kaya tuwing may exams ay sinesenyasan ko siya na magbasa. Hindi na naman ata niya nasunod yung modified true or false.


Napa-tingin ako sa phone ko nang tumunog ito, nag-text pala si Paolo.


From: Paopao

Hi bibeh wru


Nakakabadtrip na 'to si Paolo akala mo naman talaga may gusto sa 'kin.


Bago pa ako makapag-reply ay may tumawag sa akin kaya sabay kaming napalingon ni Anne.


"Gio?" Tanong ko at tumatakbo na siya papalapit sa amin.


"Cali, pwede ba tayong mag-usap?"


Napatingin ako kay Anne na umismid bago nagsalita, "I'll leave you two alone... at Cali, text me if you need anything," sabi niya at nauna nang umalis. Kainis! Magdo-dominos sana kami ngayon, eh!


Pumunta kami sa Macao, sa milktea-han ano po, at umorder na lang ako ng Oreo milk tea kahit labag sa loob kong uminom ng ganito. Shocks! Hanggang 3PM pa ang exam, matitiis ko kaya ang sakit ng tyan ko?


-


"There you are! I've been contacting you for ages! Saan ka galing? Nagreview ka ba? Sana sinabi mo, no? Para nakasama ako- huh? Sino siya?"


Sumakit lalo ang tyan ko sa sunod-sunod na tanong ni Paolo. Can he shut up for an hour? Just kidding, oks na palang madaldal 'to kaysa tahimik.


"This is Gio," sabi ko at lumingon kay Gio, "He's Paolo, my friend,"


Nag-abot ng kamay si Gio, at nag-expect naman akong kukuhanin ni Paolo pero nakatingin lang siya sa kamay kaya sinamaan ko siya ng tingin. 'Wag kang mag-attitude ngayon!


"Okay, Cali, may exam pa tayo," sabi ni Paolo at tumalikod na kaya nagpaalam na rin ako kay Gio. Pumunta na kami sa M building para sumaglit sa library. Hanggang 3 naman ang exam at 1PM pa lang.

project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon