chapter 09

42 14 0
                                    







"Yes, Mommy. Paolo's going to be there naman, he's also invited. You don't have to worry!" sabi ko habang inaayos ang purse ko. We're inside my room, with Paolo too.


"Okay, baby. Be here before 11 PM, do you hear me?"


"Mom! It's a birthday party!" I chuckled, ngayon lang din kasi siguro ako gagabihin ng sobra, "And I'm already 20,"


"No buts, love. Paolo, make sure the both of you are here before 11. Understood?" tumingin naman siya kay Paolo.


Ngumiti ito, "Yes, Tita. Promise," nakangiting sambit ni Paolo kaya napairap na lang ako. 11? E, kaka-start pa lang ata ng party ng ganoong oras! Bad trip naman, oh.


It's hump day and 6PM na, actually, kauuwi lang namin ni Paolo from the third day event sa school. Hindi kami papasok bukas kasi kapag Thursday events, madalas alaws takwens. And besides, it's Anne's 21st birthday. Napag-usapan namin na hindi kami magkakaroon ng grand eighteenth birthday kasi ibubuhos namin ang party sa 21st. We're on our way to Bicutan, at ngayon pa lang, gusto ko na agad mag-sorry kay Mommy at mukhang hindi ako makakauwi ng 11 PM.


"Happy Birthday, love!" agad kong niyakap si Anne pagkapasok sa unit at binigay sa kanya ang regalo ko. Binati rin siya ni Paolo na nasa likod ko. Nag-rent siya ng condo dito sa Bicutan and, oh God, I'm sorry, Mommy kasi ang daming alak dito.


"Aww! Thank you, bessy! Tara na sa loob! Nand'yan mga pinsan ko. And later, around 8 or 9 mag-swimming tayo!" tumitiling sabi niya. I'm so happy that she is happy. Gusto kong maiyak sa tuwa pero 'wag na lang at baka masira pa ang moment niya.


Pumasok na kami at tsaka ko lang napansin na para kaming nasa bar dahil sa ingay at sa dilim. Sana na lang ay walang tao sa mga kabilang unit. Pinakilala kami ni Anne sa iba niyang friends – isa rin kasi 'tong Miss Congeniality na kung saan-saan may kakilala.


Niyaya ako ni Paolo na pumunta sa balcony – baka naiingayan na siya, "Doon tayo inom,"


Naghanap ako ng drinks saglit at kumuha ng soju at yakult. Mamaya na ako magh-heavy drinks kapag tipong ayaw ko pa umuwi. Para-paraan lang 'to, "Let's go,"


Kitang kita namin ang park sa gitna ng condo habang nandito sa balcony. Ang ganda sa baba dahil may mga kaunting night lights at may pailaw sa pool. Binuksan ko ang soju at inilagay sa loob ang yakult, tsaka ito inalog. Bahala na kung sumakit ang tyan ko mamaya – namamahay naman ako. Naglagay ako ng straw para hindi ko kailangan tunggain ang bote.


"You want?" alok ko kay Paolo pero umiling lang siya. KJ! Akala ko ba dito tayo iinom?


I heard him sigh, "Cali... I have a question,"


"Hmm?"


"How would you know if you're already catching feelings for someone?" tumingin siya sa akin, piercing me with dark, brown eyes.


Napatigil ako sa pag-inom at nanlaki ang mata ko, "What are you talking about?"


"Nevermind," maikling sagot niya at tumingin na ulit sa baba.


At kanino ka naman nai-inlove, aber? Mukhang ayaw niya namang pag-usapan kaya tumango na lang ako, "You can always talk to me, ha? Pero how would I know nga ba if I'm catching feelings na? Hmm..." ibinaba ko ang soju at tumingin din sa baba.


"Don't... Don't answer,"


Napa-tingin ako sa kanya, waiting for him to speak up.


project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon