chapter 06

56 22 0
                                    



"Aray! Kuya naman!"


Napahawak ako sa ulo ko nang batukan ako ni Kuya Calix. Pucha, feeling ko nausod na yung utak ko, eh! Ay, may utak ako?


"Hindi pa 'yan sapat sa pagsisinungaling mo," seryosong sambit niya. Napalayo na lang ako ng tingin.


Ngumuso ako at bumulong, "Hindi naman ako nagsinungaling-"


"Pero nag-uwi ka ng lalaki nang hindi nagsasabi!" Sabat ni Kuya Aga. Oo na, talo na ako. Napatingin ako kay Paolo na nakaupo sa swing. Nandito kaming apat ngayon sa garden kasi nalaman na nila ang tungkol kay Paolo.


Nakausap na nila si Paolo kaya hindi ko alam kung bakit galit pa rin sila Kuya.


"Agatha... You're too young-"


"Kuya! It's not what you're thinking!" Sigaw ko. Totoo naman kasi, wala naman talaga kaming ginagawa! Ang pagpapatuloy ko kay Paolo ay dahil naaawa ako sa kanya at syempre, kaibigan ko rin naman siya.


Tinalikuran ako ni Kuya Aga at napahawak na lang siya sa sentido niya. Lumapit naman sa 'kin si Kuya Calix, "I trust you, Agatha. And wala naman na kaming magagawa. But please, next time, sabihin mo naman sa amin. Maiintindihan naman namin, eh. Nag-aalala lang naman kami," sabi niya at niyakap ako.


"I'm sorry, Kuya. I won't do it again-"


"You really won't be doing it again, Agatha. You're grounded for a month-"


"Kuya!"


"No buts... and you Paolo, is it? Come with me," sabi niya at sumunod naman si Paolo sa kanya papasok. Baka mag-uusap na naman sila. Naiwan kami ni Kuya Calix sa labas at niyaya niya ako sa lamesa.


Tahimik lang kaming dalawa and I know that he is really disappointed. Siya yung panganay yet he is not as strict and sungit as Kuya Aga. Kuya Calix is more on the soft side.


It's all my fault and I understand.


"I remember that one time I had to fit myself in Mackenzie's closet because her Mom went home earlier than expected," natatawang kwento ni Kuya Calix. Tumingin lang ako sa kanya na para bang naghihintay ng kasunod, "Sabi niya na mag-stay ako sa loob but my conscience was killing ne that time... I don't want her parents to think that I'm bad and..."


"And?"


"Walang bayag," patuloy niya at pareho kaming natawa.


Nagkwento lang siya tungkol sa kanila ni Ate Macky at patuloy lang akong nakinig. Pagkatapos ay niyaya niya na akong pumasok sa loob ng bahay kasi nag-text si Kuya Aga na pumunta na kami. The agony is really killing me.


-


"Atleast you won't have to hide na from the Kuya's. Alam mo namang maliit lang ang bahay ko, pwede naman tayo sa isang kama pero baka maging claustrophobic ka," natatawang sabi ni Anne.

project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon