chapter 11

10 1 0
                                    







"Yes! And also, this year's college week was lame! We didn't attend most days nga! Hindi maayos ang line-up ng events per day, dagdag mo pa yung mga late nags-start! Nakaka-bad trip! Walang respeto sa oras!"


I heard him chuckle, [So you're saying that the event we put our minds and hearts into wasn't great? Ouch! Cali, that actually hurts!]


"Stop it! As if naman kayo ang nag-organize nung event! Wala ka na nga rito before exams!" I rolled my eyes. I can feel na nagda-drama siya sa kabilang linya. Totoo naman kasi na ang pangit ng event for the whole week! Tsaka ano ba? Constructive criticism naman yung sinabi ko, ah? Para nga hindi na maulit, e.


[Just kidding! Hot na hot ka na naman sa dance floor! Ano bang gusto niyong pagkain? Magpapadeliver ako,]


Napatawa na lang ako. Kahit kailan talaga! "Wow! Gusto ko yung food galing Brooklyn! Pa-taste naman!"


[Sus, 'yun lang pala, e!] sabi niya at medyo natahimik. Natahimik din tuloy ako para makinig, [Ah, kausap ko si Cali, Ma...]


[Si Agatha? Pwede ba kaming mag-usap?] sabi ng babae. Medyo malayo kaya hindi ko masyadong malinaw.


"Is that your Mom?" tanong ko kay Seb. May narinig akong babae sa back ground, pero she said Agatha. Her Mom knows me?


Sumagot din si Seb pagkatapos niyang kausapin yung babae, [Ahh, oo... Oo... Si Mama 'yon... Sige, ano, Cali? Next time ulit! I'll call you again! Drop deets regarding the college week, kausapin ko na lang ang council,] paalam niya at bago pa ako makapag-bye ay pinatay niya na ang tawag. Wow! Nakakapang-tampo naman 'yon! Kunwari na lang hindi masakit.


"Cali! Male-late na tayo!"


Oh, crap.


Kinuha ko agad ang tote bag at tumbler ko. Nasa labas na ng kwarto ko si Paolo at medyo naka-busangot.


"Sorry naman! Tumawag kasi si Seb," sabi ko sa kanya at tumakbo na pababa para kumuha ng tubig sa kusina.


"Lucy, come on! What could go wrong?!" tanong ko kay Lucy habang nandito pa ako sa waiting area. Kararating lang namin sa school at may sa bigla talaga ang babaeng 'to, bigla na lang nag-chat na nasa waiting area raw siya.


She sighed heavily, "Everything could go wrong, stupid! I don't even want to go there na nga, eh! Sobrang nakaka-grrr- wait, why are you laughing?!"


I wiped my tears from too much laughing, Lucy and her accent talaga! "Errthang could goh wrhong, schewpeed!"


"Whatever, bitch. I hate you. Don't you dare come, ha! Sam and I won't be coming," sabi siya at umalis na ng walang pasabi. Napakamot na lang ako sa hindi makati.


She's really persistent on making me ditch their family party. I was invited, technically, my family is invited. Pero she doesn't want me or us to attend because of their issues. Okay lang naman sana sa akin umattend since open house lang naman ang tatapatan ng event, at ayaw ko namang mag-stay sa school kasi knowing me, mapapagastos na naman ako.


Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ng college week. Minadali na naman kami ng mga prof namin na akala mo naman e nale-late na kami sa lecture. Pwede bang paki-explain sa akin kung bakit lagi na lang ganoon ang mga professors? At dahil katatapos lang din ng midterm week ay may panibago na namang event, ang open house. Hindi ko alam kung ano pa ang point ng event na 'to bukod sa magkakaroon ng future enrollees ang school namin. Well, walang classes for us. Nice rin naman.


project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon