chapter 08

52 16 0
                                    







"Please remind me why we are here again," mahinang sambit ko pagkatigil namin si Terelay. It's Tuesday and walang pasok ngayon para raw magreview kami pero here we are, in the middle of nowhere.


"Sabi mo you want kwek-kwek?"


Napasapo na lang ako sa noo, hindi ko alam ang isasagot ko kaya napabuntong-hininga na lang ako ng malakas at tumingin sa kanya.


"What? Masarap ang kwek-kwek dito, Cali! Try mo kasi!"


Gusto ko na lang umiyak kasi una sa lahat, nag-drive kami (ako) papunta rito, pangalawa, para lang sa kwek-kwek? What? Wala bang kwek-kwek outside our home? Hindi ba namin kayang gumawa?


Kumuha ako ng mangkok na may plastic, provided ng kwek-kwek stall, at kumuha ng isang tuhog doon. Naglagay din ako ng suka, "This is actually good," sabi ko kay Paolo.


Ngumiti naman siya, "I told you! We should come here more often,"


Napasinghal na lang ako at bumulong, "Somebody wants hypertension,"


"No, I just want to see you smiling,"


Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Paolo is really an expert in sweet talking, and I guess ganyan siya sa lahat. I rolled my eyes at the thought. I can't fall for his lousy tricks lalo na't magkasama kami sa iisang bahay.


"Bakit hindi mo gawin?"


Dang. That was very brave of me. I can still remember how he was startled for a second yet he paved his way and tried to kiss me. Buti na lang at tinawag ni Kuya Aga si Paolo for his plates kaya walang nangyaring masama. Mahirap na! Napakalandi pa naman ni Paolo!


"Hey, something wrong?"


Tsaka lang ako nabalik sa reyalidad ng magsalita siya, "N-nothing... Sarap pala nito!" sabi ko na lang at kumuha pa ng isang tuhog. These kwek-kweks at Terelay are so cute, they look like some cute, fluffy stress balls. Why did I even think of that?


Lumipas ang natitirang tatlong araw ng exam week at finally, Friday na! At dahil tapos na ang prelim week, most likely na may event next week. After every exam week kasi ay may event para naman daw there's something to look forward to. Not that I care, but whatever.


"Saan tayo?! Please tell me na aalis tayo kasi ayaw ko pang umuwi!" sigaw ni Anne pagkalabas namin ng room. Hay, first hell week done. We deserve some gala.


"Tara ATC!" sabi naman nila Alliah. Magkakasama kami ngayon kasi nagyayaya rin silang umalis. Civil nga kami sa lahat at pwedeng kung kani-kanino sumama.


"Eto naman si ATC! Solenad na lang!" Sabat naman ni Zeke. Patuloy lang kami sa pagb-brainstorm kung saan pupunta. Buti pa sa gala nagagawa naming mag brainstorm.


"Mag decision roulette na lang tayo. Hindi magkasundo, eh," sabi ko sa kanila at kinuha ang phone ko.


"Ayan! Para patas!" Sabi naman ni Krista. Patas ka d'yan, sus.


Tinype ko na ang gusto nilang puntahan, BGC, Alabang/Festi/ATC, Solenad/Nuvali, Evia, at SM. Pagkatapos ng unang ikot ay sa SM ito tumapat kaya naman umani ng violent reactions.


"Amputa, SM?! Isang ikot pa!" Sabi nila Zeke at Clyde. Aba! Sino bang may gusto ng SM?


Pinaikot ko ulit ang roulette at tumapat ito sa Solenad/Nuvali.


"Yay! Let's go SB!"


"The fuck? Edi d'yan ka na mag-SB sa SM," sabi ko kay Krista. Isang sakay lang kasi galing sa school namin ang SM kaya sawang-sawa na kami doon. Walang linggo atang hindi kami nakakapunta doon.


project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon