chapter 04

61 25 0
                                    




"Thank you, Manang. Matulog na kayo, ako na pong bahala dito,"


Tumingin lang si Paolo sa 'kin nang abutan ko siya ng iced coffee. Edi 'wag kung ayaw!


Tinuloy niya ang pagbabasa at pagha-highlight sa notes niya. Paminsan-minsan ay nag-aangat siya ng tingin at nagbibilang na parang kinakabisado ang buong sentence. Girl, I swear to God, nakamamatay ang katahimikan.


"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Tanong ko sa kanya makaraan ang kalahating oras.


"I'm studying,"


Okay, that's it, "Eh, bakit hindi ka mag-aral sa bahay mo?! Mag a-alas dose na, Paolo! Kailangan ko rin matulog!"


Hindi sumagot si Paolo at inatake na ako ng hiya sa pagsigaw-sigaw ko. Pero buti na lang at walang masyadong malapit na bahay sa amin.


"Ano bang problema mo?" This time, hininaan ko na, pero I made sure na maramdaman niya yung gigil.


Sinara niya ang notebook niya at tumingin sa 'kin, "Wala akong bahay,"


-


"I'll kill you if you make a sound,"


"Yes, Ma'am,"


Inirapan ko lang siya at inayos ang higaan sa loft ng kwarto ko. Dito na lang muna siya para naman kahit papaano ay magkalayo kami. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga kuya ko na may lalaki dito sa bahay - lalong-lalo na kila Daddy.


"I'll sleep na, gisingin mo ako ng 6AM," utos ko sa kanya na para bang sigurado akong magigising din siya ng maaga.


Dumiretso na ako sa kama ko at humiga, damn. Ang daming nangyari ngayong araw at hindi ko alam kung kaya pa ba ng utak ko i-process ang mga nangyari.


Medyo may kalayuan sa kama ko ang loft ng kwarto ko dahil nasa baba noon ang study area ko. Tiningnan ko si Paolo na patuloy pa ring nagbabasa habang nakahiga. Mukhang walang balak matulog ang batang 'to kaya... bahala na nga. Bakit ko pa ba iniintindi 'to?!


-


"Ano?!"


"Shhh! Ano ba!"


"Sorry, ha! Anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?"


"Sana nga nababaliw na lang ako ngayon, Anne!" nas-stress na ako! Hindi ako magaling magtago ng chismis lalo na kay Jianne.


"Anong sabi nila Kuya Aga?"


"Kuya mo?"

project 3: agatha [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon