41

437 12 14
                                    

[Sinb's POV]

"Si Yerin, di pa nag breakfast yon. Baka gusto nyong mag-tira ng pagkain." Sabi ng gurang na giraffe also known by it's scientific name Sowon.

"Is she still sleeping?" Tanong ni Umji.
"Gigisingin ko." Sabi ko bago tumayo at naglakad patungo sa hagdan."
"OW MY GUMS! KANINA KA PA DYAN?!"
Pagka-akyat ko ba naman ng hagdan nandon sya sa isang corner, nakasilip saamin.
Instead of answering, naglakad lang sya pababa at umupo sa mesa between Sowon and Umji.
Bigla silang nanahimik.The atmosphere was too awkward to describe kaya tinapos ko nalang yung pagkain agad.

[Fast forward[

I decided to talk to Eunseo outside.

"Ano ba talagang rason kung bakit ka nandito?" Masinsinan kong tiningnan si Eunseo na halatang kanina pa di mapakali.

"Tanong mo sa bolang kristal." Pilosopo nyang tugon bago lumingon sa direksyon ng isang panot na lolong naka-upo sa sidewalk.
"Nakakatawa yun?" Biglang tumingon sa direksyon namin yung lolo.
"Shet narinig ako." Kumaripas ng takbo si Eunseo na dahilan ng pagka-sindak ko.
"Hoy! Sandali lang!" Napatakbo narin ako dahil sa takot kong madamay sa pagkainis ng panot na lolo na iyon.
Habang tumatakbo kami ay wala akong kasiguraduhan kung saan kami dadalhin ng pagod naming mga paa.

"Wait." Huminto s'ya sa pagtakbo
Tumingin sya sa paligid kaya naki-tingin na din ako.
"Nasa'n tayo?"
"Ewan ko sayo.Sinusundan lang kaya kita."
Hinihingal ako dahil sa pagtakbo kaya umupo nalang ako sa sidewalk.
"This place looks familiar." Narinig ko syang bumulong sa sarili nya.
"'Wag kang mag-english.Di bagay sayo."
Sinipa ko sya ng pabiro.
"Edi wow.Wag ka din magsalita
bad breath ka." Pumitas sya ng dahon at binato ito sa maganda kong mukha.
"Baka ikaw yun! Tandaan, ang ilong malapit sa bibig." Pumitas ako ng mas madaming dahon at ibinato ko sa kanya.
"WAG NINYONG KALBUHIN YANG HALAMAN KO! KUNG AYAW NYONG KAYONG DALAWA ANG MAKALBO!"
Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sidewalk at tumambad sa aming harapan yung panot na lolo kanina.

"What the fu-- ang bilis nyo pong tumakbo."
Wika ni Eunseo na dahilan ng mas lalong pagkainis ng matanda.
"Anong sabi mo?!"
"Ahh, sorry po.Pagpasensyahan nyo na tong kaybigan ko.May problema po kasi sya sa pag-iisip." Pagsisinungaling ko sa matanda.Para lang maligtas kami.
"E NASA TAMANG PAG-IISIP KA DIBA? BAKIT MAS MADAMING DAHON ANG PINITAS MO SA HALAMAN KO!"
Tumatalsik pa yung laway ng lolo habang sumisigaw.
"Sorry po." Napayuko nalang ako.
"Kim Seokjin?" Narinig ko si Eunseo.
"PANGALAN KO YON! BAKIT?!" Sigaw ng lolo.
Dapat pala nagdala na ko ng sabon at shampoo, kung alam ko lang talaga na makakaligo ako sa laway ngayon.
"Nakita ko po kasi sa baston n'yo." Tugon ni Eunseo."Pamilyar lang po." Dugtong pa n'ya.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ng panot na lolo.Para syang nagulat.
"Ha? Ah eh.. magsi-alis na kayong dalawa kung ayaw nyong ihampas ko sa ulo nyo itong baston ko." Pero imbis na kami ang umalis, mas nauna pang nag-lakad yung lolo papasok sa loob ng bahay nya.
Ang bilis nya maglakad,

[FAST FORWARD]

"What just happened?" Nakauwi na kami pero di parin kami makapaniwala sa nangyari kanina.
▪︎
"Saan kayo galing?" Tanong ng giraffe bago iniabot sakin yung towel.
"Mag-hihilamos na ko." I shortly uttered bago ako naglakad papunta sa C.R.

"D'yan lang sa labas girl, nagpahangin lang." Sagot ni Eunseo
"Nagpahangin? E bakit mukha kayong binagyo? Buhawi na yata yon.Di na hangin."
Sabi ng curious na giraffe.
"Binagyo kami ng laway!" Sigaw ko from the bathroom bago nagpatuloy sa paghihilamos.
=
[Yerin's POV]

"Ang ingay nila do'n sa baba.What could be the reason kaya." Sabi ko sa aking sarili bago bumuntong hininga.

I looked under the bed at inabot ko yung kahon na nakatago doon sa ilalim.
Maaabot ko na sana pero narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto.
Causing my head to flinch kaya nauntog lang naman ako.

"I'll just get my mini fan.Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni
Sowon-unnie.
"Wala." Pagsisinungaling ko sakanya bago ko iniabot yung minifan nya na nasa desk.
"Thank you very muchie." And then she left.

Kukunin ko na ulit yung box pero this time, ni-lock ko na yung pinto.
Isasara ko na din yung mga curtains just incase na sumilip si spiderman sa bintana.
Pero bago ko pa mai-sara ang kurtina ng huling bintanang nasa kaliwang bahagi ng kwarto,
May napansin akong panot na lolo sa labas na umaaligid-aligid sa bahay.
Lumingon sya sa aking direksyon at nag tama ang aming mga mata.

"Kim Seokjin?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

you and i (SINRIN)Where stories live. Discover now