LUMANG BAHAY NG MANGHUHULA - 3:45 PM - MIYERKULESNgayon ay taong 1996, ilang araw pa lang ang nakalilipas simula nang matapos ang unang taon ni Antonia sa kolehiyo. Dahil sa nabalitaan ni Antonia na paglipat ng isang manghuhula sa kanilang lugar, naisipan niya itong puntahan. Sa mga huling araw ng klase ay napapadaan na siya rito, at ngayong bakasyon ay mas napadalas pa nga.
Binalasa na ng manghuhula ang baraha habang seryosong nakatingin si Antonia.
Manghuhula
Hatiin mo sa dalawa ang baraha.Antonia
Sige po!Hinati ni Antonia ang baraha sa dalawa.
Manghuhula
Ngayon naman, pumili ka ng dalawang baraha. Isa sa pinakailalim, ang isa naman ay 'yong nasa ibabaw.Kinuha ni Antonia ang isang baraha na nasa ilalim at ang isa naman ay ang nasa ibabaw.
Antonia
Bakit dalawa lang po? E apat po 'yong tanong ko sa inyo.Manghuhula
Magkano ba ang binayad mo?Antonia
Bente po.Manghuhula
Tama lang. Sampung piso, isang tanong.Antonia
(Bumulong) Niloloko 'ata ako ng manghuhulang 'to.Manghuhula
Ano'ng binubulong-bulong mo r'yan?Antonia
(Umiling) Hulaan niyo.Manghuhula
Itutuloy pa ba natin 'to?Antonia
Opo! Game na!Kinuha ng manghuhula ang isang baraha at tinignan. Nanlaki ang mga mata nitong tumingin kay Antonia.
Antonia
Bakit po? May problema po ba sa lalaking makakatuluyan ko?Manghuhula
May nunal siya!Antonia
Sa'n naman ho?Manghuhula
Sa pwet!Antonia
Ano?Manghuhula
Makikita mo siya mamayang alas-singko. Pareho kayong hahabulin ng aso at isa sa inyo ang masusugatan.Antonia
Saan ko naman po siya makikita? Ano'ng kulay po ng damit niya?Nilagay ng manghuhula ang isang baraha sa gilid at saka kinuha ang isa.
Manghuhula
Suwerte ka.Antonia
Bakit naman po?Manghuhula
Masarap ang ulam niyo mamayang gabi.Antonia
Hindi naman po 'yan ang tanong ko.Manghuhula
(Ngumiti-ngiti) Ang magiging ulam niyo kasi mamaya ay paborito niyang pagkain.Antonia
(Tumango-tango) Ano pa po? Mabait po ba siya? Kilala ko po ba? Saan po siya nakatira?Manghuhula
Naubusan ka na ng baraha. Sakto lang ang iyong ibinayad.Antonia
(Napakamot ng ulo)Manghuhula
Bumalik ka sa araw ng Biyernes. Do'n mas tatalab ang puwersa ko.Antonia
Sige po. Alis na po ako. Salamat.Manghuhula
Balik ka, hija.
BINABASA MO ANG
Para Kay
Teen FictionMagtitiwala sa hula, sa balasa ng baraha, sa bazooka bubble gum, at sa tinapay sa panaderya. isinulat sa pormat na iskrip