15

707 138 34
                                    


LUMANG BAHAY NG MANGHUHULA - 6:27 PM - LUNES

Dumiretso muna si Antonia sa bahay ng manghuhula kasama si Mayumi. Pakiramdam niya may nagtutulak sa kanya na magpahula ngayong pista, kaya hindi na siya nagdalawang-isip na pumunta.

Mabuti na lang at hindi sumama si Rico, pinili niya munang sumunod kay Tolome. Dahil kung nagkataon, baka umatras si Antonia na magpahula.

Manghuhula
Hindi ba kayo dadalo sa sayawan?

Mayumi
Dadalo po. Kaso ito pong si Antonia, kanina pa 'ko pinipilit na magpahula sa inyo.

Manghuhula
Bakit ka nga ba magpapahula ngayong araw ng pista, Antonia?

Antonia
May gusto lang po akong malaman. Isa lang naman po ang tanong ko.

Manghuhula
Ano ba 'yon?

Antonia
Pista po ngayon, dadalo rin po kami ng sayawan. Marami rin pong tao... nando'n po kaya siya?

Sa bandang huli, binalasa na lang ng manghuhula ang kanyang baraha. Kumuha siya ng isa ro'n at ito'y sinuri.

Manghuhula
May magaganap na sayawan sa pista. Isa sa mga dadalo ay gusto kang isayaw.

Antonia
Mamaya na po ba 'yan?

Manghuhula
(Umiling) Pasensya na, Antonia, pero ang ipinapakita lang ng baraha ay dalawang magkasayaw. Maraming pista ang magaganap, pero isa lang mula sa mga araw na 'yon na maaaring mangyari itong hula.

Dahan-dahang napatango si Antonia at sumang-ayon na lang sa sinabi ng manghuhula. Binigay niya na lamang sa manghuhula ang sampung piso mula sa kanyang bulsa.

Manghuhula
Mabuti pa, sabay-sabay na tayong pumunta sa plaza. Kanina pa pumapadyak ang mga paa ko.

Mayumi
Tara na po! Antonia!

Antonia
Magkita-kita na lang siguro tayo ro'n, Mayumi. Susunduin ko lang si Lolo at Lola.

Tumango naman si Mayumi. Sabay-sabay na silang umalis, habang si Antonia ay umuwi muna para sunduin ang kanyang Lolo at Lola. Tumuloy na rin si Mayumi kasama ang Lola ni Rico sa sayawan.

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon