LUMANG BAHAY NG MANGHUHULA - 6:03 PM - SABADOManghuhula
Ikaw, Mayumi, ang lalaking ito ay nag-uulam ng spaghetti!Lahat ay nanlaki ang mga mata.
Mayumi
Akala ko po ba si Tolome na?Manghuhula
Ikaw lang ang nag-iisip n'yan, hija.Mayumi
E 'di nga kumakain ng spaghetti 'yon, e!Pasimpleng tumawa si Antonia. Ang manghuhula naman ay patuloy na pinaglalaruan ang mahiwaga niyang bola.
Manghuhula
Bakit hindi niyo na lang hintayin ang magiging kapalaran niyo? Hindi lahat ay nasa palad ko.Mayumi
Para naman po mapaghandaan namin.Manghuhula
Pero dapat ngayon pa lang pinaghahandaan niyo na ang mga posibleng mangyari. O siya, hindi ko na kayo sisingilin ngayon.Antonia
Talaga po?Manghuhula
Oo, sa katunayan, nagluto ako ng lomi. Tutal mamaya pa naman dadating ang apo ko, sabayan niyo na 'kong kumain.Mayumi
May apo po kayo?Manghuhula
Meron. Naku, baka mahimatay ka r'yan sa kinauupuan mo kapag nakita mo ang apo ko.Humagikhik na lang sina Antonia at Mayumi nang magkatinginan. Tinulungan nilang dalawa ang manghuhula sa paghahapag ng pagkain sa lamesa at sabay-sabay silang kumain.
Antonia
Ang tagal na rin po simula no'ng lumipat kayo rito, may apo po pala kayo.Manghuhula
Meron, pero madalang lang 'yong dumalaw rito. Kumain lang kayo, ah.Mayumi
Ang sarap niyo po pa lang magluto ng lomi!Nagtawanan at nagkuwentuhan na lamang sila hanggang sa matapos kumain.
Mayumi
Baka meron po kayong gayuma r'yan.Antonia
Sa'n mo naman gagamitin?Manghuhula
Hindi ako ang taong hinahanap mo para r'yan.Antonia
Kung ano-ano kasing pinagsasabi mo.Mayumi
(Napairap)Manghuhula
Kayo talaga.Antonia
Hinabol nga po pala ulit ako ng aso.Manghuhula
Tatlong beses na ba?Antonia
Dalawa po.Manghuhula
(Tumango) Malapit na.Mayumi
Ako po kaya? Bukod sa nag-uulam ng spaghetti, ano pa po?Manghuhula
Gusto niyang malaman mo ngayon na kailangan niyo nang umuwi dahil gabi na.Napakamot na lang sa ulo ang dalawa. Nagpaalam na sila at bumaba na rin para umuwi, hanggang sa makasalubong nila ang isang lalaki sa hagdan.
Mayumi
Hindi ko natanong sa manghuhula kung nag-uulam ba 'tong apo niya ng spaghetti.Pasimple namang kinikilig si Mayumi habang kinukurot ang baywang ni Antonia.
Rico
Nagpahula ba kayo kay Lola Pops?Mayumi
Oo! Sabi niya ikaw na raw 'yong lalaking matagal ko nang hinahanap.Rico
(Bahagyang natawa) Mali nga ang mga hula ni Lola.Napaubo naman sa gilid si Antonia at napairap naman si Mayumi nang marinig ito.
Mayumi
Tse! Tara na nga, Antonia.Nagkibit-balikat na lang si Antonia at sinundan si Mayumi. Ngunit nang muling lumingon si Antonia ay nginitian ito ni Rico.
Antonia
Mabilaukan ka sana sa sariling mong laway.
BINABASA MO ANG
Para Kay
Teen FictionMagtitiwala sa hula, sa balasa ng baraha, sa bazooka bubble gum, at sa tinapay sa panaderya. isinulat sa pormat na iskrip