07

1.3K 333 48
                                    


BURGER MACHINE - 5:33 PM - BIYERNES

Nakaupo at umiinom ng Mountain Dew si Antonia habang hinihintay na maluto ang binili niya sa Burger Machine. Hanggang sa dumating si Rico, nilibot niya ang kanyang paningin sa maaaring bilhin.

Rico
Ate, isang Jumbo Bartburger at isang Pepsi.

Nang umupo si Rico, napansin nito sa Antonia.

Rico
Ano'ng binili mo?

Antonia
Double Longganisa.

Rico
(Tumango at ngumiti) Hindi na kayo bumalik para magpahula.

Antonia
Hihintayin ko muna siguro 'yong sinabi ng manghuhula.

Rico
Ano ba 'yon?

Pero bago masagot ni Antonia ay kinuha niya muna ang binili niyang Double Longganisa na tapos nang maluto.

Antonia
Gusto mo bang magpahabol sa aso?

Rico
(Kumunot ang noo)

Antonia
Biro lang.

Rico
Kung ikaw naman ang kasama ko, bakit hindi?

Hindi nakasagot si Antonia at kumagat na lang sa burger.

Antonia
Gusto mo? (Inalok ang burger)

Rico
(Umiling) Salamat, pero malapit na ring maluto 'yong binili ko.

Antonia
(Tumango)

Rico
Rico nga pala. (Nilahad ang kamay)

Tinanggap naman ni Antonia ang kamay ni Rico at nakipagkilala na rin sa kanya.

Rico
Bukas pa ba ang panaderya niyo?

Antonia
Bukas pa naman.

Rico
Uuwi ka na ba?

Antonia
Oo. Bibili ka ba?

Rico
Kung p'wede, sabay na tayo. Bibili sana ako ng tinapay.

Tumango na lang si Antonia. Ngunit sa isip-isip niya ay, "type ba 'ko nito?" Pero napagtanto niya rin na masyado lang siyang asyumera para isipan ng gano'n si Rico.

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon