11

795 195 47
                                    


LOOB NG BAHAY - 8:00 PM - MARTES

Nanonood ng TV si Antonia kasama ang kanyang Lolo at Lola. Pinag-uusapan nila ang nalalapit na pista dahil sa mga banderitas na sinabit lang kanina sa kanilang lugar.

Lola Lita
Sigurado ako magiging masaya ang sayawan. Ingko, dumalo tayo sa gabing 'yon, ha?

Lolo Ingko
(Natawa) Oo naman, Lita. Basta nakagagalaw pa ang mga tuhod natin at kahit parehong kaliwa ang mga paa natin, sasayaw tayo.

Antonia
Mabuti pa si Lola, may kasayaw.

Lolo Ingko
P'wede naman tayong magsayaw ro'n, apo! Kaya pa ng mga tuhod namin ng Lola mo na sumayaw ng disco!

Antonia
Lolo talaga. Baka binabalak niyo pong sumali sa palo sebo, ha? Lola, oh.

Lola Lita
Hindi pa nakakaakyat ang Lolo mo sa kawayan, sumuko na ang katawan niya.

Nagtawanan sila habang pinag-uusapan ang magiging kaganapan sa pista. Hanggang sa pinatay na ng kanyang Lolo Ingko ang TV at sinindi ang kanilang cassette player.

Sumabay sa kanta at indak ang kanyang Lolo Ingko at Lola Lita nang tumugtog ang Disco Fever ng VST & Company. Dahil sa tuwang nakikita ni Antonia, sumabay na rin siya sa pagsayaw.

Habang nagsasayawan, sumagi sa isipan ni Antonia na sana ay hindi na ito huminto pa. Dahil magmula nang mabuhay siya sa mundong ito, wala na siyang mahihiling kundi ang makasama ang kanyang Lolo at Lola sa bawat oras at araw.

Antonia
Lo, La, kaya pa po ba ng mga tuhod niyo?

Lolo Ingko
Oo naman!

Lola Lita
Ako pa ba, apo?

Tumango-tango si Antonia at natuwa na lamang. Pero sa katunayan, iniisip niya rin kung mayro'n bang mag-aaya sa kanya para sa gabi ng sayawan.

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon