18

557 85 15
                                    


SA TABING ILOG - 4:49 PM - MARTES

Nang matapos ang sayawan kagabi, umuwi na rin ang magkakaibigan. Hindi rin nagkaroon ng lakas ng loob si Rico para tanungin si Antonia kung gusto ba nilang sumayaw.

Ngayon ay nasa tabing ilog sila at abala sa pagsusulat si Mayumi sa papel. Isinulat ni Mayumi sa papel ang pangalan ni Tolome at ng babaeng naging crush niya noon. Bigla kasi nilang naalala ang paglalaro ng FLAMES kaya itinuloy na nila.

Tolome
Bakit si Nelia ang sinulat mo r'yan? Dapat ako.

Mayumi
Tignan mo nga 'yong resulta, oh. Lovers!

Ipinakita ni Mayumi ang papel at ang resulta ay napunta sa letrang "L".

Tolome
'Yan lang pala, e. Subukan mo 'yong sa atin, sigurado ako marriage ang lalabas d'yan.

Dahil sa inis ay isinulat din ni Mayumi ang kanyang pangalan maging kay Tolome. Habang nagbibilang ay unti-unting nakakaramdam ng kilig si Mayumi, hanggang sa tumapat ang huling bilang sa letrang "M".

Tolome
Pa'no ba 'yan, ikakasal tayo.

Napahalukipkip na lang si Mayumi at pasimpleng umirap. Pero bigla niyang napagtanto na hindi niya pa pala naisulat ang pangalan ni Antonia. Napatingin tuloy siya kay Rico at naisip ang ideya.

Mayumi
Hindi naman p'wede na kami lang ni Tolome.

Isinulat na ni Mayumi ang pangalan nina Antonia at Rico. Nang magsimula na siyang magbilang, hindi siya makapaniwala sa unang lumabas na resulta. Inulit niya pa ito, pero gano'n pa rin ang letrang lumalabas.

Mayumi
Enemies?

Nagkatinginan sina Antonia at Rico dahil sa sinabi ni Mayumi.

Mayumi
Alam niyo, hindi naman totoo 'to. Saka 'di rin ako naniniwala na ikakasal kami ni Tolome, 'no.

Tolome
Totoo kaya 'yan, sadyang hindi lang siguro sila para sa isa't isa.

Muling inirapan ni Mayumi si Tolome. Sa huli ay nagmeryenda na lang sila at nanatili sa tabing ilog.

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon