05

1.5K 377 97
                                    


PANADERYA - 7:24 AM - SABADO

Kasalukuyang umiinom ng kape si Antonia habang nakikinig ng kuwento sa radyo.

Rico
Tatlong kababayan. Isang ensaymada.

Napabalikwas mula sa pagkakaupo si Antonia nang dumating si Rico para bumili ng tinapay. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng supot.

May napagtanto muli si Antonia dahil sa binili ni Rico.

Antonia
(Bumulong) Baka sinabi lang no'ng manghuhula.

Rico
Ano 'yon?

Antonia
Hindi mo ba dadagdagan 'yong ensaymada? Bagong luto lahat ng tinapay namin, mainit-init pa.

Rico
(Umiling) Okay na siguro 'yan.

Antonia
S-Sige.

Tolome
Hi, Antonia, Toni, Ani, Tonia! (Kumindat)

Antonia
Ano na naman? Umagang-umaga, Tolome. Si Mayumi nando'n sa bahay nila, wala rito sa panaderya.

Tolome
Sayang. Pabili na lang ng pan de coco, dalawa.

Inabot ni Rico ang bayad kay Antonia at kinuha na rin ang biniling tinapay.

Rico
Antonia...

Tumaas ang dalawang kilay ni Antonia nang tumingin kay Rico.

Rico
(Ngumiti) Magpapahula ka ba ulit?

Antonia
(Kumunot ang noo) Bakit? Gusto mo bang malaman ang ipapahula ko?

Rico
P'wede. Malay mo, alam ko pala.

Tolome
Sige nga, pre, hulaan mo kung kailan ako sasagutin ni Antonia.

Rico
Hindi.

Tolome
Hindi mo kayang hulaan?

Rico
Hindi ka niya sasagutin.

Naiwan namang nagtataka si Antonia. Si Tolome naman ay napakamot na lamang sa ulo.

Tolome
Sira ba ulo no'n?

Antonia
Ikaw 'tong nasisiraan ng ulo, e, kung ano-ano pinagsasabi mo.

Tolome
'To naman, nagbibiro lang. Akin na nga 'yang tinapay ko, bibigay ko na lang kay Mayumi.

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon