09

1.1K 261 40
                                    


KALYE NG STA. ROSA - 4:09 PM - LUNES

Bumili ng kutsinta si Antonia kanina, ngayon naman ay nasa tindahan siya ni Mang Kanor at kumakain ng binatog. Maaga kasing naubos ang tinda nilang tinapay sa panaderya kaya napag-isipan niya na magmeryenda muna.

Mang Kanor
Antonia, bukas dalhan mo 'ko ng isang supot ng pandesal. Tapos limang spanish bread.

Antonia
Sige po, Mang Kanor.

Mang Kanor
Ibibigay ko na ang bayad.

Antonia
Bukas na po, Mang Kanor.

Mang Kanor
Sigurado ka?

Antonia
Opo.

Mang Kanor
Sige, salamat, Antonia.

Bumili na rin ng panulak si Antonia na palamig, saglit siyang nagpahinga sa upuan bago naglakad pauwi.

Habang naglalakad siya pauwi, may nakasalubong siyang aso na tahol nang tahol. Dahil sa kaba, nagmadali siyang tumakbo at muli na naman siyang hinabol ng aso.

Paglingon niya mula sa kanyang dinadaanan, nagkabungguan sila ni Rico. Nang mapansin ni Rico ang pagsunod ng aso ay tumakbo na rin siya kasama si Antonia. Iniisip tuloy ni Rico kung hihinto na ba sila, pero dahil sa higpit ng hawak ni Antonia sa damit niya ay tumakbo na lang sila.

Pero may isa sa kanila ang mukhang minalas... o natupad lang ang sinasabi sa hula?

Antonia
Rico?

Napahinto sila sa pagtakbo nang mapansin ni Antonia ang namimilipit sa sakit na si Rico. Dahil sa paghinto ay umalis na rin ang aso.

Nag-aalalang nilapitan ni Antonia si Rico at nanlaki ang mga mata dahil sa sugat nito sa tuhod.

Antonia
A-Ayos ka lang? Kaya mo bang tumayo?

Rico
(Bahagyang natawa) Ayos lang, malayo sa bituka.

Antonia
Parang namimilipit ka lang sa sakit kanina, ah. Dadalhin na kita sa ospital, tara na.

Rico
Ano ka ba? Ayos lang ako, mas okay na 'to. Kaysa naman makagat ako no'ng aso kanina.

Sinubukang tumayo ni Rico at inalalayan naman agad ito ni Antonia.

Antonia
Sasamahan na lang kitang umuwi.

Rico
Ikaw bahala. (Ngumiti)

Para KayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon