PANADERYA - 8:55 AM - SABADOTolome
Hi, Antonia! (Kumindat)Napabuntong-hininga si Antonia nang lumapit at kumuha ng supot.
Antonia
Ano'ng bibilhin mo?Tolome
Tatlong kababayan.Kumuha ng tatlong kababayan si Antonia at nilagay sa supot.
Antonia
Ano pa?Tolome
Tapos isang ensaymada.Sandaling napaisip si Antonia at mayroong naalala.
Tolome
Tatlo pala.Antonia
T-Tatlo?Tolome
Oo.Antonia
S-Sige.Nanginginig ay kamay ni Antonia nang kunin ang tatlong ensaymada.
Antonia
Akala ko...Tolome
Akala mo?Antonia
(Umiling-iling) Wala. Akala ko isa lang.Tolome
Ahh.Inabot ni Tolome ang bayad at binigay na rin ni Antonia ang binili nitong tinapay.
Tolome
Bye! (Kumaway)Tamad na bumalik si Antonia sa upuan at nakinig sa radyo.
Ilang saglit pa ay dumating naman si Mayumi na kaibigan niya.
Mayumi
Antonia!Antonia
Mayumi.Tumayo si Antonia upang buksan ang pinto sa gilid ng kanilang panaderya at pinapasok si Mayumi.
Mayumi
Magpahula tayo!Antonia
Kailangan kong bantayan 'tong panaderya namin. Mamayang gabi na lang.Mayumi
Okay! Dumaan ba si Tolome kanina?Antonia
Hinahanap mo na naman 'yong lalaking 'yon?Mayumi
S'yempre, patay na patay 'ata ako ro'n.Antonia
(Umiling-iling) Hindi nga halata.Umupo na si Antonia at kumuha naman si Mayumi ng isang tinapay.
Antonia
Nagpahula ako. Sabi ng manghuhula, sa pangatlong beses na hahabulin ako ng aso, makikilala ko na raw siya. At may isa pa, bibili raw siya ng tatlong kababayan at isang ensaymada.Mayumi
Tapos? (Ngumunguya)Antonia
Buti na lang tatlong ensaymada ang binili ni Tolome.Mayumi
(Humalakhak) Mabuti naman, dahil sabi ng manghuhula si Tolome ang makakatuluyan ko.Antonia
(Bahagyang natawa) B-Buti nga.Mayumi
Ano'ng tinatawa-tawa mo r'yan?Antonia
Naniniwala ka na rin sa manghuhula ngayon, ah.Mayumi
(Napabuga ng hangin) Minsan kasi 'yong mga hula niya... totoo.
BINABASA MO ANG
Para Kay
Teen FictionMagtitiwala sa hula, sa balasa ng baraha, sa bazooka bubble gum, at sa tinapay sa panaderya. isinulat sa pormat na iskrip