PLAZA - 7:33 PM - LUNESPatuloy pa rin ang sayawan sa plaza, nakaupo ngayon ang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang pagsayaw ng ilan.
Tolome
Mayumi, myloves, ayaw mo bang sumayaw?Parang nagmamakaawa na ang mukha ni Tolome sa pagtatanong kay Mayumi. Pero pag-iling lang ang sagot ni Mayumi.
Mayumi
Baka matapakan mo pa 'yong paa ko. Saka ano? Hahawak ka sa baywang ko?Tolome
Pwede naman sa balikat na lang.Mayumi
Nang-iinis ka ba?Tolome
Myloves naman! Mabagal lang naman 'yong sayaw.Napahalukipkip si Mayumi at tinitigan si Tolome para sandaling mag-isip.
Hanggang sa nilahad ni Mayumi ang kanyang kamay bilang pagpayag sa gusto ni Tolome. Nanlaki ang mga mata ni Tolome sa gulat at saya, kaya hindi na siya nag-atubiling hawakan at tanggapin ang kamay ni Mayumi at dinala ito sa gitna.
Antonia
Pakipot talaga si Mayumi, papayag din naman sa huli. (Bahagyang natawa)Rico
Hanga naman ako rito kay Tolome, hindi magaling sumuko.Napalingon si Antonia kay Rico at tumango-tango bilang pagsang-ayon. Nanatili na lang ang mga mata nila sa isa't isa, hanggang sa mapagtanto nila ito at nakaramdam ng ilang.
Nilibot ni Antonia ang kanyang paningin sa paligid at nang makita niya ang kanyang Lolo at Lola ay do'n na lamang nanatili ang kanyang tingin.
Rico
Antonia...Antonia
Bakit?Rico
Parehong kaliwa ang mga paa ko...Antonia
(Kumunot ang noo)Rico
I-Ikaw ba?Antonia
Hindi rin naman ako masyadong magaling sumayaw.Rico
Ang galing mo kaya kanina.Antonia
Kaya pala hindi ka nagpatalo.Rico
(Bahagyang natawa) Pero mas magaling ka pa rin.
BINABASA MO ANG
Para Kay
Teen FictionMagtitiwala sa hula, sa balasa ng baraha, sa bazooka bubble gum, at sa tinapay sa panaderya. isinulat sa pormat na iskrip