Chapter 2

48 9 10
                                    

gay

noun

: a person and especially a man who is homosexual

***
"Bakit ikaw?" Sa dinami-dami ng pwedeng mag-tutor sa akin. Bakit yung binubully ko pa?

Ano ba Sapphire wag ka nang choosy. Buti nga at hindi pa yung lagi mong nakaka-cat fight ang magtu-tutor sayo.

I sighed and faced the guy.

"A-ako yung in-assign ni ma'am." Here we go again, ganyan nanaman na boses niya. Alam nating takot sa akin yan.

"Ikaw ba talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay. I wanna play with this guy today.

"Oo nga, what's the problem?" Tanong niya and he smiled, teasing me. Mukhang balak niya pang makipag-laro sa akin huh!

"W-wala." Utal na sagot ko.

Inihanda na niya ang mga libro at inilapag sa table. Talagang siya nga, wala kang magagawa Sapphire, anyways pwede ko naman siyang paiyakin.

"So, History muna tayo?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at dinedma lang, may awa din naman ako sa grades ko okay? Pero hindi naman ako adik sa pag-aaral.

"Bahala ka." Balewala kong sagot saka kinuha ang history book namin.

"Teka." Nagulat ako nang kunin niya ang grade sheet ko. Nakita kong sinuri niya ang grades ko at tumingin sa akin na may "seriously" look.

"Bagsak ka sa Filipino and Science?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ano ngayon kung bagsak ako? He doesn't care.

"So? Concern ka." Ito na naman ako, yung sakit ko nanaman hindi ko nanaman mapigilan.

"Yes because matagal na tayong seatmates."

Since 1st year high school ko pa naging seatmate yan. Ang tibay naman talaga ng tadhana. Wait, what is tadhana again?

"Yun lang pala eh." Hinablot ko na sa kanya ang grade sheet ko.

"Start na ngayon sa history. Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo."

I rolled my eyes at him saka padabog na tumabi sa kanya.

"Sa History, blah blah blah."

Feeling ko 'blah' nalang ang naririnig ko sa kanya sa tuwing tititigan ko siya and somehow I felt different kapag malapit ako sa kanya.

You don't care at him Sapphire right?

Naramdaman kong nag-init ang pisnge ko nang nginitian ulit ako ng lalaking ito kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Nakikinig ka ba?" Malambing na tanong niya at nakakainis lang! Nakakairita kapag malambing siya sa akin.

"Ah eh, oo."

He tsk and then binigyan ako ng sasagutan, what was this for?!

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya at takang tinignan ang mga papel.

"Answer sheet. Kung talagang nakinig ka sa akin, dapat masagutan mo iyan."

Anong?!

"And dami naman masyado nito!" Sigaw ko sa kanya at buti nalang walang nakarinig na estudyante dahil kapag may nakarinig na naman magsisimula nanaman silang mag-made ng tsismis.

"Ang konti lang. Kaya kong sagutan ito ng 2 minuto."

I glared at him, "I hate you."

Ngumisi naman siya, ngumingisi ba ang nerd na katulad niya?

Fearless Fierce (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon