Chapter 6

30 7 7
                                    

feeling

noun

feel·ing

\ˈfē-liŋ\

: an awareness by your body of
something in it or on it

: an emotional state or reaction

: thoughts of wanting to help someone who is sick, hungry, in trouble, etc.

***

"Ingat ka."

Argh!! Pagkauwi namin kanina ay lutang na lutang talaga ako dahil sa pagkasabi niya sa akin, ano bang ginagawa ng boses Harsel sa utak ko at paulit-ulit na "ingat ka" ang nagpa-play?!

Aaminin ko parang may na-feel akong kakaiba nung sinabi niya iyon sa akin. I don't know kung kaartehan ko lang or dahil first time ko narinig iyon sa kanya. I'm really affected!

Sadya ba talagang malakas ang impact niya sa akin? Hell no! Ewan ko din.

Kakadating din namin ngayon, dumiretso ako kaagad sa kwarto ko at baka uminit na naman ang ulo ng parents ko. Binuksan ko ang bag ko upang kunin ang cellphone ko. I texted Harsel,

Sapphire
Nakauwi na ako.

Nagulat ako nang bigla siyang mag-text.

Harsel
Okay, have a goodnight Sapphire.

Sapphire
You too. Nyt.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang silipin kung nasa living pa ang mga parents ko. I saw the clock and the hand of it is pointing at 7. I sighed and opened the lights. It was dark, obviously. Siguro ay pagkatapos nilang kumain ay pumunta agad sila sa kwarto nila.

I walked silently not making any noise. Baka pagalitan ako kung mabubulabog ko sila. Mahirap na. I checked the rice at may kalahati pa ang natira. Nakita kong ubos na ang kinain nilang amoy pinakbet.

Binuksan ko ang cabinet at nakita ang mga de-lata. I saw a ready made sardines kaya kumuha agad ako ng kutsilyo upang buksan ito. Nilantakan ko ito with my rice. Mukha akong patay gutom pero ramdam ko na kasi ang gutom kaya naparami ako ng kain.

Hinugasan ko na ito pagkatapos at itinapon na sa basurahan ang lata ng sardinas.

Pumasok na ako ng kwarto upang mag-shower, my mind is calm now, madalang ako nagagalit sa mga ganitong oras. I opened the cooler upang malamigan ako.

I have also a water dispenser in my side in case na lumala ang pagkairita ko. Hihiga na sana ako nang makita ko ang family picture namin noong bata pa kami ni ate.

Everything is perfect but that day ruined our relationship.

I wiped my tears at pinatay na ang ilaw, hoping na mawawala din ito.

I woke up with the voices interrupting my sleep. I was feeling dizzy, at nahihilong tinignan ang orasan. I sighed, it was so early pero may naririnig akong mga sigaw.

My parents.

I rolled my eyes at dumiretso na sa comfort room. Buti na lang at tumigil, bakit kaya sila nag-aaway?

It's none of your business Sapphire.

Lumabas na akong nakapalit ng uniform at gulat akong tinignan ng parents ko, what's up with them?

Kumuha ako ng sandwich na inihanda ko kagabi, I didn't mention pala.

Nag-abang na ako ng masasakyan at nang makarating sa school ay iniwasan ulit ako ng mga estudyante.

Yeah they should avoid me.

I saw the two again. Nakakabulag ng mata ang ganda talaga hiramin yung glasses ni Harsel para lumabo ang mata ko kapag nakikita silang sabay.

Why do you care?

"Sis!" I was startled nang bigla nalang magpakita sa harapan ko si Jedd.

"Gosh!"

Tumawa nalang siya at sinabayan akong maglakad papuntang classroom.

Kumalabit ako, "Why?" Tanong niya at napakunot ng noo.

Okay, I have a little suspicion sa kanya dahil bigla na lang siyang naging close sa akin. May nagbago ba sa isang frat leader?

"Just want to ask if bakit 'di ka na nagha-hang-out sa friends mo. You're a frat leader diba?"

Napatakip siya nang bibig, "Sapphire! Hindi mo ba alam?"

Tumigil kami sa paglalakad, okay? What? Aaminin ko na hindi ako masyadong intresado sa buhay ng ibang tao. Almost all of the students, kung sikat, papakialaman na nila.

Ang hirap maging popular.

Hindi ko pa naman naranasan pero I think lang.

"Ano pa bang hindi ko alam sayo?"

Napa-facepalm siya saka ako niyugyog. Pinigilan ko siya sa kaartehan niya, kakakilala ko pa lang naman sa kanya pero...

Wait, did I know his family background?

"I am Jedd and Jann, my twin is the leader of the fraternity. Everyone knows that." Tinignan niya ako with disgusting look.

"Jann? You have a twin? At kilala nang lahat? How come na hindi ko kaagad nalaman?"

Pinalo niya ako sa braso kaya ako napangiwi at pinalo ko siya para pambawi.

"Because, you don't even care! Stop sleeping, sis!"

Oo nga pala. Bakit ba kasi wala akong pakialam? Ewan ko ba sa sarili ko.

So that means na ibang tao itong kaharap ko! I mean si Jedd pala. Si Jann pala yung sinasabi kong crush ko! I'm so confused.

So they're twins, identical siguro.

"Identical?" He nodded his head at nakapasok na din kami sa wakas sa classroom.

"Morning Sapphire!" Bati sa akin ni, eherm Harsel.

Bago pa man ulit ako makasalita ay sumabat ulit si Kiara.

"Seriously Harsel?"

I gave her a "what" look. Masama ba talagang mag-greet sa akin si Harsel.

"Good morning too, Harsel." I didn't smiled at him.

Never pa akong ngumiti sa kanya, ever in my entire life.

Kung ngiti man ay mga smirk at grin lang ang naibibigay ko. Actually, wala pang nakakakitang ngumiti ako ng matamis.

Yeah, sweet like cotton candy.

"Kiara, please kahit mamaya 'wag ka munang sumama sa amin, I'm distracted."

Ngumiti si Kiara kanya.

"Distracted ka sa akin?" She sweetly asked.

Best ashumera of the year, Kiara! Si Harsel? Like mai-inlove kay Kiara?

In her dreams.

Ano na naman ba ang sinabi mo Sapphire?!

"No! Of course hindi ako distracted sayo. We just need privacy when it comes to academic."

I grinned at Kiara at pinandilatan siya at nakarinig kami ng malakas na balibag ng pintuan.

Don't tell me...

"Siya na iyan 'te. Yung kambal ko."

He's Jann, the one that I've been talking about and not Jedd.

Fearless Fierce (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon