perfect
adjective |per·fect|ˈpər-fikt\
: having no mistakes or flaws
***
Hinila ko ang kamay ni Harsel at tumakbo kami papunta sa open field ng school. Dito din halos magpicnic ang ilang estudyante.
"Buti at hindi swollen ang mga mata mo."
Kinapa niya ang mga mata niya,
"Ewan?"Kumunot pa ang noo niya habang sinusuri ang lahat ng sinabi ko. Ang weird, medyo slow ba itong nerd na 'to?
Hay naku Sapphire, pake mo ba?
Oo nga naman! Inaamin ko namang concern ako sa lalaking ito.
May pakialam ako! Period, no erase erase and then padlock.
"Alam mo ba Harsel kapag umiiyak ako, ang bilis maging basag ang mukha ko. Kapag once na inilubog ka ng mata ko sa kakaiyak, lulubog din ang mukha ko, for short papangit ako. Gets?"
Halata namang nakikinig siya sa akin, ewan ko lang kung magaling akong mag-explain. Maayos ba?
"Gets, pero bakit ka naman papangit kung pangit ang mga mata mo?" Tanong niya.
"Kasi ito lang naman ang maganda sa akin, pangit ang ilong ko, pango. Yung mga lips ko hindi kasing pula ng mga artistang hinahangaan ng iba. For short, madami akong imperfections, idagdag mo pa itong ugali ko at yung sakit ko." Napayuko ako habang kinukwento kay Harsel ang tungkol sa akin.
"You know there is no perfect in this world, lahat tayo may flaws."
Tinapik niya ang balikat ko, "I've read several books, matalino ako, pero meron pa ding pagkukulang. Hindi ka nag-iisa Sapphire."
Wala akong panahon na ngumiti sa kanya, halong emosyon ang nararamdaman ko. Matagal ko na siyang kaklase pero ngayon lang lumabas yung tunay na kulay niya. Ang ganda bigyan ng madaming compliments. I wish I have a father like him na tanggap ako, na hindi ako inaaway.
"Ikaw naman ang umiiyak ngayon." Narinig kong sabi niya and this time, his voice was soft and gentle. Parang meron sa puso ko na araw-araw na gusto ko ganyan ang tono ng pananalita niya sa akin.
Ano bang pinagsasasabi mo Sapphire?
"Umiiyak? No!" Pinunasan ko kaagad ang luhang pumapatak sa damit ko at kinuha ang pamunas ko saka pahid sa luha ko upang hindi mahalata. Ayaw na ayaw kong may nakakakakita sa aking umiiyak, I just don't want. Mas gusto kong umiyak ng nag-iisa at walang nakakakita, ayaw kong nakikita nila akong mahina, hindi katulad ng ipinapakita ko dito.
"You can cry kapag ako lang kasama mo."
Ngumingiti ulit siya, hindi na siya umiiyak. Bakit nagagawa mong ngumiti? Hindi ba big deal sayo ang lahat-lahat ng ginawa ni Queeny? Maraming tanong ang lumalabas sa aking isipan, nasasaktan kaya ang katulad niya? Totoo bang mahina siya? May mga matapang bang nerd?
"Why are you so nice?"
Nilaro niya ang kanyang mga kamay, hindi ko alam kung nakikinig siya sa akin or what. Basta alam kong narinig niya ang mga tanong ko.
"Ewan ko din eh." Sagot niya. Pero tipid lang siya.
"Puro ka na lang ewan!" Napipikon na sigaw at hindi ko alam kung may nakarinig sa amin pero sa tingin ko wala dahil malawak ang field.
"Hindi ko nga alam. Matanong ko nga din, bakit nga ba lagi ka na lang nagsusungit?"
Gusto ko siyang sagutin, "Bakit, gusto mong malaman?"
BINABASA MO ANG
Fearless Fierce (On-Going)
Teen FictionShe's like an angry dragon with hot flames and black aura so don't try to mess with her. A teenager with an Intermittent Explosive Disorder or IED is not a good toy to play with. When the school nerd known for being so calm and coward, Harsel clashe...